Chapter 34 ( With you )

40 6 1
                                    

Nathan's POV

"Wag mo na silang tawagan babe, hayaan mo na.. promise! Mahahanap ni robert si xandramalds" sabi ko kay lindsey na hindi mapakali at sobrang nag aalala sa kaibigan niya.



Loko talaga yung maldita nayun.
Ano naman ba kasing pumasok sa utak niya at umalis alis pa siya dito? Hayy.


Kahit na maldita yun, kaibigan ko pa din siya kahit na hindi niya pinaparamdam sakin na kaibigan niya rin ako kaya nagaalala ko sakanya.



Lalo na sa mga narinig ko sakanya kagabi. Nakakagulat talaga lahat yun pero masaya ko dahil kahit papano nakaamin na siya sa totoong nararamdaman niya.



Dahil parang si lindsey lang naman siya, hindi nila maipakita ang tunay nilang nararamdaman. Lagi silang nagpapakitang tao dahil ayaw nilang malaman ng ibang tao ang kahinaan nila. Magaling silang magpa-paniwala ng ibang tao kahit sa totoo, ibang iba sila sa pinapakita nila sa amin.



Kung ako yung nasa kalagayan nila, siguro hindi ko kakayanin.



Kaya tumaas bigla ang tingin ko sa mga malditang yun. Talaga palang hindi natin makikita ang totoong pagkatao ng isang tao sa unang tingin.



Kaya ngayon, nakakaramdam ako ng konsensya, lalo na ngayon .. ngayong napapamahal na ko kay lindsey ng tuluyan pati na rin sa mga kaibigan niyang naging kaibigan ko na din pero mababago ang lahat sa isang iglap, at malapit ng dumating ang araw na yon.



"Tara muna sa loob, masyadong mahangin dito sa labas" aya ko kay lindsey. Inakbayan ko siya at tuluyan ng lumakad papasok sa loob ng resthouse.



Tiwala naman ako kay robert na mahahanap niya si xandra, lalo na ngayong nangangamoy asukal na sila.



Hayy, pano ba yan? Pano ba to? Pano na to?



"Okay na ko dito, pwede ka ng umalis" sabi ni lindsey ng makaupo siya sa sofa at bigla akong inirapan.



Ayan na naman siya sa katarayan niya kuno, pero hindi naman na bago sakin yan lalo na ngayong pakiramdam ko hindi naman totoo yang katarayan niya.



"Ayoko, tatabihan kita. Hindi kasi kita iiwan" sabi ko at agad na tumabk sa pagkakaupo niya Pagtapos at ini-intertwined ko ang mga kamay namin.



Sana nga lindsey, hindi kita maiwan kasi kung ako lang, hinding hindi kita iiwan. Kaso darating ang araw na--



"UGH! Tss ano ba? Lumayas ka nalang" sabi niya at pinagtulakan ako perro pilit akong tumatabi sakanya. Hahaha lagi nalang siyang ganyan. Kailan kaya siya magiging sweet?



Pero dahil din naman sa pagiging ganyan niya kaya ako nahulog ng tuluyan sa babaeng to.
Minahal ko siya ng ganyan siya.



"Mahal kita mahal kita hindi ito bola-- araaaay!" kanta ko sakanya pero sinabunutan niya lang ako ng biglang dumating si manang osang, yung matandang nagaasikaso sa amin dito.



"Aba, napakasweet niyo namang dalawa.. nakikita ko sainyo kami nung asawa ko nung mga kabataan pa namin .. ganyang ganyan din kami" komento nito. Natuwa naman ako kay manang osang.



Iniimagine ko kasi si lindsey na matanda na at inaalala ang mga gantong pangyayari ng buhay namin, haha kaso ..



"edi malas ka din na naging boyfriend mo yung asawa mo manang osang?" Nakangiwing tanong ni lindsey sa matanda.



"Pfft, ang swerte mo nga sakin .. mahal mo na nga ko e" bulong ko kaya nakatikim ako ng malakas na kurot sa tagilaran.


Ayan! Agree siya.
Muka kasing ganyan siya mag agree e.. nangungurot. Ang cute no?



Mean GirlsWhere stories live. Discover now