Chapter 24 ( locked Up )

127 21 7
                                    

Nathan's POV

"mas gwapo ko!" protesta ni kyle. Alam naman nating lahat na ako ang pinaka gwapo sa aming tatlo diba? Tss.

"feeler mo dude" sabi ko kaya inirapan niya agad ako. Bakla

Naglalakad kami ngayon papunta sa canteen. Wala e, busy sa cheerleading yung tatlong maldita.
As expected, nakakatunaw na naman yung tingin ng mga babae sakin-- este samin pala. Ganyan naman sila, kapag kasama namin yung tatlong maldita mga tahimik then kapag kaming tatlo lang parang nilalandi at hinuhubaran na nila kami sa tingin nila. Yung iba matignan lang namumula na, haist! Hirap talaga pag gwapo e.

Nang makarating kami sa canteen, wala masyadong tao. Syempre pumunta kami sa pinaka dulong upuan at dun nanahimik. Ang damot kasi nung xandra maldita na yun e! Ayaw ibigay yung susi ng tambayan nila.

"buti nalang mga cheerleader sila queen kaya may time na malaya yung tatlo"

"oo nga e. Parang masyado na silang nakukulong dun sa tatlong babae"

"official na ba? Na mag girlfriend boyfriend na ang tatlong hearttrobs at three sistas?"

"ang pagkakaalam ko may kumakalat na tsismis na may nakakita daw kay miss zuey at kyle sa soccer field. Sila lang dalawa and alam naman natin na kinalat na ni jasmine yung tungkol kila nathan at miss lindsey diba?"

"yah! Narinig ko din yun. Ang swerte"

Rinig naming usapan ng dalawang babae sa likod namin. Bigla namang humarap si kyle sa sandalan ng upuan at biglang lumuhod.

"yuhooo. Andito lang kami oh ! Kaway kaway" pang aasar ni kyle habang kumakaway. Pfft gagu talaga to kahit kelan. Sayang di ko nakita yung reaction nung mga babae. Nagpipigil nalang kami ng tawa ni rob sa kalokohan nitong si kyle.

"s-sorry p-po" ramdam ko namang tumakbo yung mga babae. Hahaha nahahawa na yata si kyle kay zuey?

"psh kung pag tsismisan tayo kala mo mga artista. Lakas maka showbiz ah" sabi pa ni kyle habang bumabalik sa pwesto niya.

*kkkrrrrriiiiiiiinnngggg*

"tara na .." aya ni rob kaya sumunod na kami.

Last two subjects tas uwian na. Kaso may tutorial session pa kami pero gaya ng napag usapan, gagawa kami ng plano para ma attach naman na si xandramaldita kay rob T^T tigas kasi nung babae na yun e.

"teka may kukunin ako sa locker ko. Iniwan ko pala yung mga notebook ko kahapon" nag nod lang yung dalawa habang tuloy tuloy sa paglalakad. Lumakad nalang din ako papunta locker room.

Nang malapit na ko sa locker room. Sandamakmak na studyante ang tumatakbo papunta sa way ko. Ano to? May earthquake drill ba?

"tabi tabi !!" sigaw nung lalaking pagkalaki laki ng katawan. Napako naman ako sa kinatatayuan ko at iniintay yung susunod na mangyayare.

Hindi ko namalayang malapit na sila kaya sa huli naitulak nila ko papasok sa kwartong to. Sa sobrang dami nila naipasok nila ko dito .. Sa ..

Tumingin ako sa paligid. Sakto! Locker room na pala tong napasukan ko. Lumakad na ko papunta sa locker ko ng maagaw ng isang nakatalikod na babae ang atensyon ko. N-naka b-bra l-lang s-siya?

"WAAAAAAAAAAAH" sigaw niya pagkalingon na pagkalingon niya sakin. Nag ning ning naman ang mata ko sa nakita ko. Hindi ko maramdaman na sumigaw siya, pakiramdam ko nga nag slowmo pa yung paglingon niya, may pa spark spark effect pa. Shit ang ganda ni lindsey kaso ..

"walangya kang manyakis ka!!" sabi niya habang panay ang pag palo sakin. Napatakip ako bigla ng mata, gwapo ako pero may respeto ko sa KARESPERESPETO na mga babae at isa na si lindsey babes dun.

Mean GirlsWhere stories live. Discover now