Chapter 41 ( begin again )

53 3 2
                                    

Lindsey's POV

Nakakaramdam ako ng kaba habang papunta kami sa bahay nila alexandra. Ewan ko ba.

Di nag tagal at nakarating din kami. Kasama ko si zuey at tita zia.

Tinignan lang ako ng mag ina kaya ako na ang nagbukas ng pinto.

Kitang kita ko si xandra at tita andrea na nakaupo sa sofa habang umiiyak? Umiiyak?

"A-ano pong nangyayari?" Tanong ko pero nagkatitigan lang kami ni xandra.

Hanggang sa magflashback sa utak ko lahat ng sinabi ni jasmine sakin.

Si lolo?

"Hindi totoo ang lahat. Planado lahat" sabi ni zuey mula sa likuran ko.

"P-planado? N-nagbibiro ba kayo?" Sabi ko habang nakatulala ng may pumatak na luha mula sa mata ko.

"LINDSEY GISING! plinano ni lolo ang lahat. Inutusan niya sila nathan para gawin to satin .." alexandra.

"Para magbago tayo" sabat pa ni zuey.

"Alam mo na zu?" Tanong ko sakanya.

"Matagal na" sagot niya na ikinagulat ko lalo.

Napaharap ako sakanya.

"Bat di mo manlang pinaalam samin--"

"Kailan pa?" Ramdam ko ang inis sa boses ni xandra.

Tumayo siya mula sa sofa at agad na lumapit papunta samin.

"Noon pa. Bago ako maaksidente. Sabi nila sakin mas makakabuti kung hindi niyo malalaman--"

"Ito ang dahilan ng paglayo mo tama ba ko?" Pagputol ko sa explanation niya kaya nag nod siya.

"Haha pati ikaw, pati ikaw naging sinungaling" sabi ni xandra at tumawa pa ng peke.

"Im sorry, inisip ko lang kayo. Ayokong maramdaman niyo yung sakit na naramdaman ko noon" tuluyan na din na tumulo ang mga luha sa mata niya.

"Walang totoo sa mga nangyayari?" Nasabi ko.

Tumakbo ako.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Gusto kong lumayo sakanila. Sa lahat. Sa lahat ng kasinungalingan.

Nakarating ako sa isang tahimik na lugar. Isang punding street light lang ang nakabukas.

Nagflashback na naman lahat. Hindi yung mga nalaman ko kundi yung mga good memories ko kasama si nathan.

Kung pano ko i-deny na gusto ko siya. Kung pano ko siya awayin kahit kinikilig na ko. Kung pano niya ko alagaan.

Tuluyan akong umiyak. Hinayaan ko ang sarili ko ng biglang bumagsak nalang ako sa lupa at napaupo.

Naririnig ko lang ang boses ni nathan. Pano niya nagawa yun?

Nasabunutan ko ng di oras ang sarili ko.

Yan na nga ba yung sinasabi ko e. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga lalaki.

Bakit kung sino pa yung nagpabago sakin siya pa ang kailangang manakit sakin? Bakit unfair?

"Okay ka lang?" Rinig kong boses ng isang babae mula sa likod ko. Napaharap ako sakanya. Kilala ko to e.

"L-lindsey?" Tanong niya kaya napatayo ako at nagpunas ng luha.


"E-ericka right?" Nag nod siya at kinuha ang panyo mula sa bag niya. Inabot niya yun sakin.

Tinitigan ko lang ang panyo na yun. Hanggang sa hindi ko na matiis at kinuha ko din yon.

Tuluyan na naman akong umiyak. Ang sakit lang kasi talaga.

"What happened? You can tell it to me. I'm listening" sabi niya habang pinupunasan ko lang ang luha na patuloy na tumutulo mula sa mata ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa isang bench. Naupo kami ng sabay pero hindi ko pa din mapigilan ang pag iyak ko.



"Sinungaling siya .."


"Manloloko .."


Sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko.


"Iiyak mo lang lahat yan, matatapos din yang sakit" sabi niya habang nakaakbay lang sakit at marahang tinatapik ang likod ko.



Salamat. Salamat at kahit papano may taong gumawa nito sakin ngayon. Ngayong sobrang nakakaramdam ako ng sakit.


Alexandra's POV

Ini-explain lahat ni dad sakin. Lahat lahat.

"Yun lang ang rason ni lolo?" Seryoso kong tanong at nag nod lang si dad.

Nagkatinginan kami ni zuey.

"Selfish. Ang selfish niya!" Nasabi ko habang pinipigilang tumulo na naman ang luha ko.


"Xian roby marquinez? Xander nathaniel tuazon at samson kyle soguillion?" Sabi ni zuey habang nakatulala.

Ngayon niya lang din pala nalaman ang lahat? Lahat ng dahilan kung bakit?



"Pero bakit? Bakit sila pa?" Sabi ni zuey.


"Palaki sila ni papa, simula ng mamatay ang pamilya nina roby at althea kinupkop sila ni papa ganon din sina kyle, nathan at kiel" paliwanag ulit ni daddy.



"Ngayong alam na natin lahat zuey, anong plano mo?" Tanong ko.


"Wag na wag kayong gaganti anak, wag na wag. Kahit ano pa yang ginawa nila sainyo, alam kong nasaktan kayo ng sobra pero hindi rin natin mapapagkaila na malaki ang binago niyo dahil sakanila" sabi ni mom kaya nagkatinginan kami ulit ni zuey.



"Nagtagumpay na si papa na baguhin kayo, sadyang hindi lang talaga naging malinis ang plano niya" sabi ni daddy.



"Anak, zuey, sorry .. hindi man lang namin kayo nailaban kay papa ng araw na yon" nakayuko na sabi ni daddy.



"Okay lang tito, sinabi na ni mommy sakin lahat. Sinabi na niya kung gano kalaki ang utang na loob niyo kay lolo" sagot ni zuey na ikinagulo ulit ng isip ko.



"siya ang dahilan kung bat tayo nandito xandra, siya ang dahilan kung bakit ganto tayo karangya" sabi ni zuey kaya unti unti kong naintindihan lahat.



"Kalimutan nalang natin sila, balikan nalang natin yung dating tayo .. kalimutan natin lahat" sabi ko.


Siguro yan na ang pinaka magandang paraan para mawala yung sakit na ginawa nila. Yung letseng sakit na to.




Roby/Robert's POV


"Truth will set you free" sabi ni thea sakin.

Kanina ko pa gustong pumunta sa bahay nila xandra pero pinipigilan ako ng mga to.

"Kuya tama na, babae rin ako .. alam kong sobrang nasaktan sila" sabi ni thea.



"Galit na sila satin ngayon, haha! Wala nakong magagawa, ang gago ko" sabi ni nathan at ibinato ang hawak niyang bola kasabay nun ang paglakad niya palayo.



"Tapos na ang palabas" sabi naman ni kyle at lumakad din palabas.




"Kakausapin ko siya, kailangan ko siyang kausapin. Mahal ko na siya e" sabi ko.


Hindi ko alam kung anong mangyayari sa gagawin ko pero susubukan ko. Pipilitin kong maging okay ulit kami ni xandra. Kaming lahat.



Martin's POV


Alam na pala nila lahat. Lahat ng katotohanan.



Alam na rin kaya ni xandra? Na ako ang secret admirer niya?


Kung ganon, nakakahiya fvck!

Anong gagawin ko?! Ugh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mean GirlsWhere stories live. Discover now