Chapter 23 ( the plan )

106 20 1
                                    

Zayn's POV

Nandito ko ngayon sa bahay nila kuya robert. Nasa iisang bahay lang kasi tong mga to, i mean sila nila kuya nathan at kuya kyle kasama si thea.

"parang gusto ko ng sukuan si xandra. Napaka pasaway pala talaga nun" sabi ni kuya rob at tinungga ang isang baso ng JUICE.

"wag ganon kuya rob. Wag mong sukuan si ate xandra.. Lalambot din yun ! Tiwala lang. Mabilis namang ma fall ang mga babae" sagot ko. Napatingin naman silang tatlo sakin.

"bakit? Na fall na ba agad si thea sayo?" sabi ni kuya nathan.

"huh? E matagal na yung na fall sakin nu! Sa gwapo ko ba namang to?" nakatanggap ako ng malakas na batok mula sa likod ko. Si thea pala

"pero may point si zayn, yung ate niya nga nafall agad sakin after one month" seryosong sabi ni kuya kyle.

"e player ate nito e!" sabat ni kuya nathan.

"e bakit naman si lindsey? Na fall agad sayo? Man hater pa yun bro!" depensa ni kuya kyle kaya napakamot ng ulo si kuya nathan.

"sabagay. Actually, ramdam ko ngang medyo pakipot nalang yun si lindsey babes sakin e" sabi ni kuya nathan.

"si zueymyloves talagang love na ko nun. Kaso .."

"tsk! Oo nga pareho na kayong okay. Malambot at mukang mababait na yung dalawang yun, talagang si xandra maldita nalang!" tinapik namin si kuya rob sa likod.

"kaya mo yan dude!" sabi ni kuya kyle.

"dude! Alam ko na !!" sigaw ni kuya nathan. Parang timang to pagna eexcite.

"oh?" napatingin kaming lahat kay kuya nathan at inantay ang sasabihin niya.

"ikaw zayn! Nasa tiyan ka palang ni tita zia kilala mo na si xandra maldita. Anong pwede mong isuggest?" nasapo ko nalang ang noo ko.

"oo nga naman zayn!" sapaw pa ni kuya kyle

"nbsb si ate xands okay? Pero ang alam ko nagkaron na siya ng first love dati, friend niya lang yun tapos na fall siya dahil .."

"dahil ?"

"tuloy mo na! Pabitin pa e" napapoker nalang ako kay kuya rob.

"dahil lagi silang magkasama. Paglagi mong kasama si ate xands makikilala niyo ang isa't isa tsaka pag marami kayong common. Ayaw niya sa masungit kahit sobrang sungit niya. Ayaw niya sa chocolates at flowers. Gusto niya teddy bears, vanilla at strawberry" napapatango nalang sila.

Nag isip isip naman ako. Ano pa bang ginawa ng lalaking yun at nafall ng ganun sakanya si ate xands? Hmm ..

"GUSTO NIYA NG HINDI SIYA SINUSUKUAN SA PAGIGING HARD TO GET AT PAKIPOT NIYA" napatayo pa ako. Oo nga! Nung nag usap usap sila dati ni ate narinig ko yan.

"so .."


"so wag mo siyang susukuan kuya! Mahilig lang siyang magpakipot, ganun naman kaming mga babae" sabat ni thea.

"alam ko namang pakipot ka lang sakin e" nakatanggap na naman ako ng sapok sakanya. Sadista!

"oh rob! Lam mo na?" taas baba na kilay na sabi ni kuya nathan.

"ganito mga dude, magiging mabait ako kay xandra tas pagtulakan niyo siya sakin. Dapat kami lagi madalas ang magkasama, sabihin niyo din yan sa dalawang babae" nag nod naman si kuya kyle at kuya nathan.

Lennie's POV

"hoy panget lumayas ka dyan ! Ako muna" umalis naman agad yung babae at pinauna ko sa pila.

Nandito ko ngayon sa mall para mag shopping. I hate my old plain and kikay looks.

Kailangan ko ng magbago at maging flirt, ooops i mean maldita para kay nathan. Sa pagiging maldita ni ate ang nakikita kong dahilan kung bakit na inlove siya dun even though im better than my ate.

Ayoko ng mapagiwanan ulet! Ayokong maging iyakin. Ayokong mangyari na naman ang ginawa sakin ni zayn.

Pagtapos kong bumili ng mga bagong damit ko ay dumiretso na ko sa sasakyan ko.

"tara na" sabi ko sa driver.

Tahimik lang naman ako sa biyahe ng madaanan namin yung isang park, lumang park siya actually.

"stop. Dito muna ko, uuwi na kong mag isa" bumaba na ko sa sasakyan dala ang bag ko.

Inantay ko munang makaalis yung sasakyan bago ko ..

"T*NGNANG BUHAY TO!! NAKAKAPAGOD SABAYAN!! LAGI NALANG AKONG NASA HULIHAN!!" pabagsak akong umupo sa damuhan at yumuko.

Ugh!! Nakakasar talaga. Bat ba naging si lennie pa ko e!

"hindi mo naman kasi kailangan sabayan ang buhay, kailangan mo lang magpadaloy sa agos niya. Mahihirapan ka talaga kung sasabayan mo lang" napatingin ako sa nagsalita. Tss sino ba to?

"anong kailangan mo boy wisdom?" napakunot naman ang noo niya.

"sino si boy wisdom?" di ko naman napigilang matawa. Kung makapag payo siya dyan e no?

"ikaw. Duh ! Wisdom words .." pag iinarte ko.

"tss .. Im kiel anyway" iniabot niya ang kamay niya pero tinignan ko lang yun at nag make face.

"who cares?" tumayo na ko. Napaka FC ng isang to sakin.

Lumakad na ko palayo. Ayokong pagaksayahan ng panahon si boy wisdom.

"MISS TARAY !!" napatingin ako sa sumigaw na si boy wisdom. Ayun tumatakbo na. Siraulo yun ah?!

Habang naglalakad ako may nakita akong batang babae, umiiyak siya kaya lumapit ako.

"b-bat ka umiiyak?" tumingin siya sakin. Aww nakakaawa yung muka niya.

"n-nawawala po ako" naupo ako para magkapantay na kami.

"san ka ba galing?" pinunasan ko ang luha niya.

"AURORA !!!" sigaw ng babae mula sa likod ko kaya napatayo ako.

"ninang .. Huhu" tumakbo si baby girl papunta dun sa babae at niyakap yun.

"uhm --"

"next time bantayan mo yang alaga mo ha" pagtataray ko at umalis na.

Ericka's POV

Grabe! Grabe yung katarayan ng magkapatid na yun. Kung wala lang akong plano sakanila? Matagal na silang nakatikim ng ugh ! Naasar talaga ko.

Just wait sanchez sisters. May mangyayari sa inyo. It's so UNEXPECTED for you .

---

Once or twice a week nalang ang UD. Amtsurri okay? Pasukan na e :(((

Short ^_~

Mean GirlsWhere stories live. Discover now