Chapter 28 ( happines )

48 15 1
                                    

Zuey's POV

Akala ko talaga hindi na siya dadating. Akala ko tama lahat ng hinala ko sakanya noon na trip lang nila kaming tatlo. Akala ko tama lahat ng hinala ko at mga narinig ko noon.

Flashback ..

"Ang tagal naman ni zueymyloves.." sabi ni kyle habang marahan na hinahampas ang cellphone niya sa palad niya.

Tinawagan ko kasi siya kanina. Tutal wala din naman siyang ginagawa, mas mabuti ng sakanya ko magpasamang mag shopping.

Akmang lalapit na ko sakanya ng biglang mag ring ang cellphone niya.

"Opo" "malapit na po" "hahaha oo nga po" "si robert at xandra medyo malayo pa po sa isat isa" "si lindsey at nathan naman po medyo okay" "sige po"

Sino yung kausap niya? Bakit nadamay yung pangalan nila lindsey at zuey? Pati nila robert at nathan?

Hindi kaya ..

"ZUEY! kanina ka pa ba dyan?" Halata sa mata niya ang pagkagulat.

"H-hindi. K-karating ko lang.. tara na?" Pagsisinungaling ko. Nag nod lang naman siya at hinawakan ang kamay ko kasabay non ang paghitak niya sa akin hanggang sa sasakyan niya.

End of flashback..

Kaya sobrang nacurious ako about don. Pinilit kong alamin lahat yun pero ni-isang katiting na idea wala akong napala kay kyle kaya kung ano ano ang pumasok sa isip ko at isa na dun ay ..

Pinagtitripan lang nila kami .. gusto lang nila kaming saktan. Siguro revenge.

Pero mali pala ko. Wala pang isang linggo ng ma-convince niya ko na wala lang talaga yun dahil lahat ata ng effort nagawa niya na. Ayaw niya kong magalit o kahit malungkot .. siya lang ata ang lalaking nakagawa nun sakin except sa daddy ko.

Kaya hindi ako nag si-sisi na sinagot ko ang alien slash bakulaw slash unggoy na si kyle.

Biglang may kumalabit sa balikat ko kaya napatingin ako sakanya.

"Diba tayo na?" Tanong ni kyle. Nag nod nalang ako dahil sa kakulitan niya.

"Edi pwede na kitang i-kiss? Yung hindi ko na kailangang nakawin?" Akmang hahalikan niya ko ng hinarang ko ang dalawang palad ko sa nguso niya.

"Ano ka naman? Sineswerte?" Pagtataray ko pero nag pout lang siya.

"hoy kayong dalawa dyan! Dito tayo!" Sigaw ni nathan kaya napa make face nalang kami ni kyle at lumakad na papunta kila lindsey.

"Kumain muna kayo bago kayo maglandian .." sabi ni lindsey kaya hinila ko ang buhok niya pero tinawanan lang ako ng gaga.

"Four pair of chopsticks please!" Sigaw ni lindsey sa waitres. Binigyan naman kami agad ng tig-iisang pair ng chopstick.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapakabusog ng bigla akong kinalabit ni kyle kaya napatingin ako sakanya.

"Say aaaaaaaah!" Natatawa ko nalang na binuksan ang bibig ko kaya isinubo niya sa akin ang isang grilled pork.

"Psst lindsey!" Rinig naming tawag ni nathan kay linds.

"ANO?!" sigaw niya pero nginitian lang siya ng malawak ni nathan.

"Say aaaaaah!" Panggagaya ni nathan kay kyle.

Napataas naman ang isang kilay ni lindsey pero sa huli .. kinain niya din ang sinusubo ni nathan sakanya. Hahaha kakaiba talaga tong kaibigan ko.

Robert's POV

Patuloy pa din ako sa pag sunod kay xandramaldita hanggang sa makalabas na kami ng hotel.

Mean GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon