Chapter 40 ( the truth )

38 3 0
                                    

Alex' POV

"Honey, kinakabahan ako .. natatakot at the same time" bulong ng asawa ko.

Kanina pa namin inaantay si alexandra but still, she's not here. San ba pumunta ang batang yon?

"ALEX! nasan bang anak mo?" Iritadong tanong ni papa.

"Wait a minute papa, baka may dinaanan lang .. honey, pumasok muna tayo sa loob" aya ko kay andrea kaya sumama ito sakin papasok sa loob ng bahay.

"Tawagan mo na si xandra" utos ko kay andrea. Baka ano na namang mangyari kung mahuhuli pa siya.

-beeeeeeeeep-

Malakas na busina mula sa labas ng bahay.

Pinatay bigla ng DJ ang tugtog dahil sa malakas na busina kaya napalabas kami ni andrea.

"LOLO!" sigaw ni alexandra na nanggagalaiti.

Anong nangyayari sa anak ko?
Hindi kaya ..

"NIRESPETO KITA BILANG LOLO KO! LAHAT NG GUSTO MO GINAWA KO AT GINAGAWA KO! PERO ANG BUHAY KO HINDI MO KAILANGANG KONTROLIN!" sigaw nito kaya napasugod si andrea sa tabi niya at inalalayan ito.

"SINO KA PARA MAG UTOS NG KUNG SINO PARA GAWIN TO SAMIN?! ANO BANG NAGAWA NAMING KASALANAN LO? ANO BA?!" biglang pumatak ang luha sa mata ni xandra. Sa unang pagkakataon, nakita kong muling umiyak ang anak ko.

"ALEXANDRA LORENZO! Lolo mo pa rin ako! Kaya wala kang karapatang sigawan ako--"

"At wala rin ho kayong karapatan na pakielaman ang buhay namin" paglaban ng anak ko kay papa.

Pumunta na ko sa gitna nila.
Alam na ni xandra ang lahat, hindi naging malinis ang plano ni papa.

"Guards! Ipasok niyo na si papa sa kotse niya" utos ko sa mga guard ni papa.

"Anong?--"

"Papa umuwi ka muna, kailangan kong kausapin ang anak ko" nagbuntong hininga lang si papa at umalis na ng tuluyan habang matalim parin ang tingin saakin at kay xandra.

"The party is over, im sorry guys but you can go home now" pag aannounce ko. Dinala na ni andrea si xandra sa loob ng bahay.

Nang masigurado kong nakaalis na ang mga tao. Dumiretso na ko sa loob ng bahay at nakita ko ang mag-ina ko na umiiyak at nakaupo sa sala.

"Sinasabi ko naman sayo alex! Walang magandang maidudulot to sa mga bata .. hinayaan nalang sana natin sila" umiiyak na sabi ni andrea. Nakonsensya naman ako sa mga sinabi niya.

Flashback ..

"Alex, pumunta kayo ni andrea dito sa kompanya .. may meeting tayo dito sa board" sabi ni papa mula sa kabilang linya.

"Okay po papa" sagot ko ng may pagtataka. May problema kaya sa kompanya?

Saktong dumating si andrea mula sa kusina.

"Hon ipinapatawag tayo ni papa" sabi ko kaya napataas ang dalawa niyang kilay.

"Ganon? Oh sige, mag papalit lang ako" sagot nito at nagdirediretso na sa kwarto.

...

"Oh they're here" sabi ni papa pagkabukas ko ng pinto ng opisina niya.

Pagkapasok ay naabutan kong nakaupo sina lily, zack at zia. Bakit naman sila nandito?

"Uhm .. anong gina--"

"Kailangan ko din sila dito" pagputol ni papa sa sasabihin ko.

Mean GirlsWhere stories live. Discover now