Chapter 17 ( Past )

145 26 2
                                    

Lindsey's POV

Badtrip talaga pag saturday. Sobrang boring ng araw ko ngayon .. im like DUH !!

Nagda-drive ako ngayon at hindi ko alam kung san ako pupunta. Kaasar kasi e, lagi na lang silang busy.

Si zuey busy dahil may date daw with kyle. Si xandra busy din dahil may family reunion.
So unfortunately, mag isa ako ngayon.

Ayoko naman kasing tumambay sa bahay. First of all, nambi bwiset ang kapatid ko kaya for sure di ako makakapagpahinga. Second, sobrang hot sa bahay dahil nandun pa din si uncle at panay ang paglalambing ng girlfriend nya na sobrang kinaiiritahan ko.

So no choice, mag isa akong gagala.

"Waaaah!" Shoot! Muntik ko ng mabunggo yung puppy buti at naka preno ako agad.

Pinark ko yung kotse ko sa gilid then bumaba ako at nilapitan yung aso.

"Are you okay puppy?" Grabe. Ang cute ng asong to.

"OMYGAWD CHICHI!!" Sigaw nung babae kaya napatayo ako bigla at isinuot ulit ang mataray kong muka.

"Im really sorry kung naging sagabal yung dog ko. And thank you din" sabi nya at tumayo buhat buhat si chichi, yun yung tinawag nya sa dog kanina.

"Im ericka by the way" pilit nyang inaabot yung kamay nya habang hawak hawak nya si chichi.

"I don't care about your fucking name. Just take some care for your dog, kung hindi ako tumigil baka patay na sya pag naabutan mo. Kung ako sayo ingatan mo yang bagay na pinapahalagahan mo" pagtataray ko. Hindi ko na sya pinasagot at dumiretso na sa sasakyan ko.

Nagdrive na ako at nilagpasan sila.

Nakaramdam ako bigla ng uhaw and i think, i want strawberry frappe.
Huminto ako sa nadaanan kong starbucks at bumaba.

Papunta na sana ko ng counter ng may makita akong hayup kasama ang kauri nya sa isang table.
Saktong papunta din sya sa counter kaya sumabay ako at siniguradong mapapansin nya ko. Hindi ko din pinahalatang nakita ko siya.

"Lindsey anak" tumingin ako sakanya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.
Yes! Siya ang walang hiya kong ama.

"Do i know you old man?" Pagtataray ko.

Dumiretso na ko ng tingin pero hinawakan nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya pero agad ko din yung inalis.

"Mabilis kumalat ang germs at viruses ng katulad mo. So can you please fucking go away with me? With us!" Nang gigigil kong sabi. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. At ngayon pinag titinginan na kami ng tao.

"Lindsey im still your father" napa smirk ako sa sinabi nya.

"Yes you are. Tatay pa rin kita kasi yun ang nasa birthcertificate ko, namin ni len. Pero hind ka na namin itururing na tatay dahil hindi mo naman pinangatawanan yun so don't you ever demand how i want me to treat you. LOOSER!"

Hindi ko na sya pinasagot at nag walk out na. Masyado ng marami tao ang nakatingin samin at di ko na kaya ang atmosphere between us.

Sumakay ako sa kotse ko at nag simulang mag drive. Unti unti ding tumulo ang luha sa mata ko.
Hindi ko ginustong magalit ng ganto sa kanya. Papa's girl pa nga ako noon actually. Kaya sobrang nahirapan akong magalit sa kanya. Pero hindi nya deserve ang awa dahil isa syang walang kwentang tao. Hindi nya deserve ang awa pagtapos mawala ni mommy sa katinuan ng dalawang linggo. He deserved that words ! He desereved to be shamed by his own daughters.

Bakit ba kasi hindi marunong makuntento ang mga lalaki?

Nagdadrive lang ako hanggang sa huminto ako sa isang familiar na subdivision and the next thing i know .. naglalakad na ako papunta sa kung saan.

Hanggang sa makarating ako sa isang bakanteng lote? Pagtingin ko sa taas tsaka ko naalala.
Dito ako dinala ni nathan nung itinakas nya ko. Yeah! Takas ang tawag sa ginawa namin, takas sa trabaho.

5:48 na din kaya papalubog na ang araw.

"Blue .." yes. Blue na yung color ng tree house, tinotoo nya nga na papalitan nya yung color nito.

Ewan ko ba na kahit lagi kaming mag kaaway ni nathan magaan pa din ang loob ko sa kanya. For the first time! May lalaki na nagpagaan ng loob except sa close frienda ansmd families.

Umakyat ako sa tree house at pinanuod ang sunset. Eto yung madalas naming gawin dati nila daddy at mommy, panuorin ang sunset.

...

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang pinapanuod ang paglubog ng araw.
Pag tingin ko sa relo ko.. it's already 8:56 pm. Ang haba naman ng tulog ko.

Bumaba na ako at sumakay sa kotse ko hanggang sa may madaanan akong isang pamilyar na taong nakaupo sa gutter ng kalsada.
Madilim na at sira pa yung ibang street light and wala halos dumadaan sa lugar na to dahil sa sobrang katahimikan.

Pinark ko yung car ko sa tabi at unti unting lumapit dun sa lalaking nakayuko.

"Uhm .." medyo nag aalangan pa ako pero itinaas nya na yung ulo nya.

"Nathan ..?" Kaya pala masyado syang pamilyar. Tsaka suot nya pa yung uniform nya at hmm .. amoy siyang alak.

"Nag inom ka?" Tanong ko pero hinitak nya lang ako at n-niyakap? Para akong na freeze at biglang may parang nagrambulan sa tiyan ko.

"Happy 3rd year anniversary babe. I love you" bulong nya. Babe? For sure hindi ako yun.

Yun siguro ang dahilan kung bat sya naglasing. Hindi ako sigurado sa buong detalye pero siguradong nasasaktan sya ngayon.
Buti pa ako, hindi ko hobby ang mag lasing everytime na may problema ko. Hindi kasi ako alcoholic, umiinom pero not that hard.

Biglang bumigat si nathan kaya napatingin ako sakanya. Tulog na pala sya.

Ay shit!! Pano ko siya ihahatid kung hindi ko alam san siya nakatira.

Iwan ko nalang kaya to dito? Tsk.
Tawagan ko kaya si robert? Wala pala akong numbers.

Ugh. No choice, iuuwi ko siya.
Dun nalang muna siya matulog. Naglalasing pa kasi e past naman na yun.

---

Wala po akong schedule ng updates. Sorna :)

Votes & comments lovesss :)))

Mean GirlsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora