Chapter 32 ( competition )

30 7 0
                                    

Alexandra's POV

Dumaan ang dalawang linggo.
Sobrang dami ng nangyari.

Pumasa kami ni lindsey sa exam at syempre as expected ganon din yung tatlong unggoy na naging tutor namin. After non, nag focus na kami sa cheerleading para may iperform kami sa darating na competition.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas ng hindi ko nakita si zuey, yep! Hindi pa siya nagpapakita sa amin.

What's wrong? May nagawa ba kami sakanya?

After how many days ng paalisin niya kami sa ospital nung naganap yung aksidente, triny ulit naming bisitahin siya.

I thought she's just tired and frustrated about what happened.

Pero mali ako, pagdating namin sa ospital .. wala na kaming naabutang zuey. Sabi ng mga nurse, nagmadali daw siya sa pag uwi kaya pumunta kami sa bahay nila. Gusto ko kasing ipakita kay zuey na sobrang laki ng care at concern ko sakanya pero wala pa din kaming naabutan sa bahay nila.

Sabi ng maids nila nagbakasyon daw si zuey kasama ang ilang pinsan niya sa probinsya pero hindi ako tanga para paniwalaan yon.

Nagtatago si zuey. Alam kong may maling nangyayari pero ipapaubaya ko na kay zuey ang desisyon. Siguro after how many days magpapakita din siya, at dun ko malalaman ang rason ng paglayo niya.

"Xandra ready ka na ba?" Tanong ni lindsey ng mapansin niyang lumilipad ang utak ko.

"Oo oo! Tara na nga lang" pag iiba ko. Tss ayokong makipagdramahan at baka mawalan ako ng ganang mag cheer.

"Then lets go! Nandyan na yung car" tumayo na ko at sumunod kay lindsey.

Nakita ko naman ang itim naming sasakyan na nagaabang samin.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad ang muka ng tatlong unggoy sa akin.

Yung isa seryoso, yung isa nakangiti at yung isa .. malungkot. Yeah! Pati si kyle hindi alam kung san makikita si zuey.

Imbis na matuwa ako dahil sa nangyayari kay kyle na sobrang kinaiinisan ko noon, nakaramdam naman ako ng awa sa unggoy na to. 2 weeks ba naman kasing nagkaganyan? Nakakapanibago.

Ngayon, isa nalang yung gusto kong mangyari.

Mabalik yung dati.

"Tara na .." aya ni lindsey kaya sumakay na ko.

...

"Good luck!" Sigaw ni nathan at robert habang tahimik pa din si kyle.

"warm up guys!" Sigaw ko habang inaayos ang suot ko.

Tumakbo na kami ni lindsey papunta sa unahan para i-lead sila sa warm-up.

Makalipas ang ilang minuto ng pagwawarm-up ay tumakbo na kaming lahat papunta sa pwesto ng lorenzo high. Cheer squad at nag antay bago kami tawagin.


Kita ko namang umiikot ang ulo ni lindsey, for sure hinahanap niyan si nathan.


Bigla namang kumaway si lindsey kaya napatingin ako sa direksyon ng kinakawayan niya, si nathan.
Nagulat na nga lang din ako ng biglang nagkasundo yung dalawang yan. Dalawang linggo na silang hindi nagiging aso't pusa.


Naagaw naman ng katabi ni nathan ang atensyon ko, si robert lang naman na nakangiti lang at nakatitig sa akin .. naalala ko na naman tuloy yung nangyari 2 weeks ago.

Flashback ..

"Hindi ko talaga alam" sagot ko kay martin ng usisain niya yung nangyari kanina. Hindi ko naman talaga alam .. tss.


Mean GirlsWhere stories live. Discover now