Chapter 19 ( childhood bestfriend )

142 25 0
                                    

Alexandra's POV

Family reunion ..

"Dalaga na talaga si alexandra at napaka ganda" sabi ni tita lizeth na ikinangiti ko. Kanina pa puro compliments ang naririnig ko.

"Alam mo na, mana sa mommy" pagyayabang ni mommy.

"Mom, maglalakad lakad lang muna ko." Nag nod naman si mom na busy sa pakikipag usap sa mga cousins nya.

Lumakad na ako palayo. Dito ko naglakad lakad sa seashore. Tahimik kasi dito.

Nandito kami ngayon sa isang beach resort kung saan gaganapin ang family reunion sa side ni mommy. This was so unexpected. Balak ko nga na magkaron ng beauty time with lindsey today kaso biglang nagkaron ng gantong event.

Unfortunately pa, only child si mom so wala akong cousins kaya sobrang boring talaga.
May second cousins ako pero hindi kami close. So loner ang peg ko ngayon.

Ang boring talaga. Matutuyuan ako ng laway dito.
Mamaya pa naman kasing 8:00 pm magsisimula ang party pagdating ng iba pa naming kamag anak.

Naupo na lang ako at pinanuod ang payapang alon sa dagat nang biglang may kumalabit sa akin.

"Yes?" Pagtataray ko. Alam ko naman bibwisitin lang ako nitong si viya, one of my second cousins.

"Loner ka? Tsk, ang taray taray mo kasi kaya walang gustong lumapit sayo" inirapan ko lang siya. See, nam bibwiset lang siya pero hindi ko na siya pinansin.

I know her, aasarin niya ako then kapag napikon ako gagantihan ko siya at sa huli ako ang pagagalitan.
Lagi namang ganyan ang eksena namin ni viya tuwing mag kikita kami or may mga ganitong reunions.

"Could you please stop it viya? Nagmumuka ka lang tanga" pagtataray ko. Inirapan ko siya at tumingin na ulit sa dagat.

"Ah ganon? So you mean is muka akong tanga?! Then take this!" Nagulat ako ng may maramdaman akong tumutulo mula sa ulo ko. Napatayo ako bigla ng makita kong naliligo na pala ako sa juice.

Okay. Napipikon na ako!
I lost my patience that fast BECAUSE im ALEXANDRA LORENZO at hindi pwedeng tinatapon tapunan lang ako ng juice.

Dahan dahan akong yumuko at umupo sa buhangin na dahilan para tumawa tong demonyitang si viya.

"WAAAAAAAAH!!" Sigaw niya ng tumama sa muka nya lahat ng dinakot kong buhangin kanina ng yumuko ako.

"Pfft .. HAHAHAHAHA" i laughed. Her face was soooooo priceless.

"What's going on-- OMYGAWD VIYA! WHAT HAPPENED?" uh-oh. Magsisimula na naman ang drama ni viya at for sure, sa sermon din sakin ang uwi nito.

Dumating na yung iba naming kamag anak kasama na ang kapatid at parents ni viya.
Tahimik lang kaming lahat at iniintay ang next scene.

"ALEXANDRA LORENZO! ANONG GINAWA MO?!" Sigaw ni dad, as expected. Sanay na ako so hindi na ako nasindak.

"Wait *stop sign* Uunahan ko na kayo bago niyo pa ako ipahiya at sermonan sa harap ng angkan ni mom. So wag na kayong mag aksaya ng laway, Ako naman lagi ang may kasalanan" sabi ko at nag walk out.

Naglakad ako hanggang parking lot kung nasaan ang kotse ko at pinaandar ang yun.

Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa makarating ako sa isang tahimik na park. Its almost 5:47 pm na kasi kaya siguro wala ng tao dito.
Tuwang tuwa pa naman ako sa panonood ng mga batang naglalaro sa park. Sometimes, i draw them.
Pampalipas oras lang.

Pero buti na lang at walang tao. Ang panget ko ngayon. Sobrang dungis ko. Sana walang makakita sa akin dito na kakilala. Bwiset kasi yung viya na yun e, sarap sakalin.

Mean GirlsWhere stories live. Discover now