Chapter 7

42K 1.2K 101
                                    

“Good morning, sister-in-law,” sabay-sabay na pagbati ng tatlong kapatid na lalaki ni Yasser.

Pang-apat si Yasser sa kanila. Means siya ang bunso. Quadruplets sila kaya may pagkakahawig, pero hindi ka naman malilito dahil sa buhok nila.

“Morning sa inyo,” bati ko. Napalingon naman ako sa parents nila, bahagya akong napayuko, nahihiya dahil naabutan nila kaming gano’n ni Yasser.

“Why are you shy, hija? Don’t be shy, halika na rito at sabayan na kami. Nasaan na pala si bunso?”

“I’m here.” Lilingon pa sana ako nang maramdaman kong may pumulopot na braso sa aking baywang. “Let’s pretend,” he whispered.

Ito na naman po kami sa pagpapanggap.

Pinagsandok ako ni Yasser. Hiyang-hiya na nga ako dahil sa pag-aasikaso niya lalo na at pinanonood kami ng mga magulang niya.

“Kailan ba ang kasal, Kuya?” Mahina akong nasamid sa tanong na iyon.

“Puwedeng ngayon. Puwedeng bukas. Puwedeng sa makawala. Kung kailan namin gusto ay puwede.” Kinurot ko siya, pero nginisihan niya lang ako. “Sinasaktan mo na ako, okay sana kung nasa kama tayo,” he whispered.

Nanlaki ang mga mata ko at pasimpleng uminom. “Siraulo.” He chuckled. Siraulo talaga ang baklush na ito! Ang sarap papakin sa kama.

“Magkakaroon na ba kami ng pamangkin?”

Pasimple ko na naman kinurot sa tagiliran ang baklush na katabi ko. Kung alam lang nila na wala sa plano namin ng kapatid nila dahil hindi naman talaga kami! Na-imagine ko tuloy kapag nagkaanak kaming dalawa, pagkatapos kamukha niya, pagkatapos kagaya niyang ga — whatttt? No!  Huwag naman. Tanggap ko naman, kaso ayaw kong may mapintas ang iba sa magiging anak namin.

I secretly slapped myself a bit.

Hindi ko alam kung bakit ko ba naiisip na magkakaanak kaming dalawa gayong mukhang wala naman siyang balak.

“Malay ninyo buntis na si Yannie.”

Nabilaukan ako. Nagtawanan na lamang ang magkakapatid. Magkakapatid talaga. Mga baliw!

“T*ngina mo, Yasser,” I whispered.

He just smirked at me. Kinindatan pa ako ng baklush, pagkatapos ako naman ay gustong magtatatalon sa kilig.

Siraulo ka naman, Yannie!

“Magaling ba sa bed ang anak ko?”

Nasamid ako. Eksaktong pag-inom ko pa naman sa tubig. Halos lumabas na sa ilong ko iyon.

Oh God. Magkakapamilya talaga sila! Mga baliw! Pamilyang baliw! Siraulo pa!

“Mommy asked you.”

I smirked at him, but he just smiled at me. Patay ka sa akin mamaya! Isusubo ko iyang alaga mo!

“Not bad naman po. Medyo kulang pa.” Nakita kong sumama ang timpla ng baklush kaya napangisi ako.

Akala niya, huh!

“Ready yourself for your punishment, baby,” he whispered before licking my ear.

Para akong kinilabutan nang dilaan niya ang tainga ko! As in, ang buong tainga ko talaga! Hindi na talaga nahiya ang baklush na ito! Nasa harap kami ng pamilya niya. Sa bagay, walang-hiya naman siya.

“Hindi pala maayos ang performance mo, anak. Baka maghanap si Yannie ng bago.” At saka tumawa ang Daddy niya na ikinasama lalo ng timpla ng kaniyang mukha.

Patay na . . .

“Hind mangyayari ’yan, Dad, my performance is good, Dad. Sarap na sarap nga ang baby Yannie ko sa pag-ungol ng pangalan ko.”

Natampal ko ang bibig niya. Wala na akong pakialam kung nandiyan pa ang parents niya. Ang bunganga talaga ng baklush na ito! Napakawalang filter. Ang sarap upuan!

“Baka naman hindi na-satisfy si Yannie? Galingan mo pa, son. Dapat triplets kaagad.”

Nanahimik na lamang ako habang nagtatawanan naman sila.

“Try mo ang killer posisyon, Kuya. Hindi malilimutan ni Yannie ’yon,” si Yleo.

Killer posisyon? May ganoon bang posisyon? Paanong posisyon naman iyon? Subukan kaya namin mamaya? Wala naman masama kung mag-j*j*gj*gan kaming dalawa, ’di ba? Nagpapanggap naman kami, at saka virgin naman ako. Mabuti na at siya na ang makakuha.

Kinurot ko ang sariling hita. Nahahawa na talaga ako sa baklush na ito! Sa kawalang-hiyaan. Why am I thinking about that? Gusto ko bang mag-j*gj*gan kami?

Oh God, Yannie. Nakahihiya ka.

“Dog style rin,” si Yiem.

“O kaya ay cow girl. Para kay sister-in-law ang position na ’yon,” si Yielo.

Diyos ko, magkakapatid talaga ang mga baliw na Sollano na ito! Idagdag ko na rin ang mga magulang nilang kanilang mga pinagmanahan. Siyempre, sa mga magulang magmamana ang kawalang filter ng mga bibig. Hindi na ako magtataka kung hindi na virgin ang tatlo. Wala nga lamg akong nababalitaan na may mga girlfriend sila.

Siyempre, Yannie, na kay Yasser ka lamang naman palagi nakatuon. Sus, may gusto ka pa rin naman sa kaniya.

I stopped when I realize something. Posible kayang may gusto pa ako sa kaniya? O kaya naman hindi nawala ang pagkagusto ko sa kaniya?

“Baby, are you thinking of me while naked?”

Tiningnan ko siya nang masama. Nagsisimula na naman ang baklush na palaging sisira sa araw ko.

“Baka nga ako ang iniisip mo habang walang saplot,” ganti ko.

I stopped. Nakangisi siya, at mukhang mali yata na sinabi ko iyon dahil kung ano na namang klase ng bulate ang nasa utak niya. Ano na naman ang iniisip ng baklush na ito?

“I’m always thinking about you naked while praising your gorgeous body.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon