Chapter 37

27.2K 584 1
                                    


“Hija.”

Hindi ko sila nginitian. Bakit ko naman ngingitian ang dalawang taong naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko? Mga wala silang puso!

“Mr. and Mrs. Rever, it’s not nice to see you both,” sarcastic ang boses kong sinabi.

Ipinulupot naman ni Yasser ang braso niya sa baywang ko, hinaplos-haplos niya iyon na parang pinapakalma ako. Kung hindi lang ako buntis ay baka napagsasampal ko na si Mrs. Rever at Mr. Rever ngayon.

“Hindi na ako magpaligoy-ligoy. Deserve ninyo ang kulungan.” I smirked. They are too stunned to speak. Pinasadahan ko saglit ang buhok ko, nakangisi pa rin sa mag-asawang hindi alam ang sasabihin. “Alam ko na ang lahat. Sinabi sa akin ng anak ninyong nasa kulungan ngayon na hindi ninyo alam.” Mas lalo silang hindi nakapagsalita.

“Calm down, baby,” Yasser whispered.

Huminga muna ako nang malalim bago ikinalma ang sarili. Galit ang nararamdaman ko ngayon na gusto kong ilabas pero ayaw ko naman na mapahamak ang mga babies ko.

“Balita ko bankrupt na raw ang company ninyo.” Na ipinagawa ko kay Yasser.

Ipina-bankrupt ko ang kompanya ng mga ito dahil deserve naman nila, kulang pa nga iyon sa mga kasalanan nila sa pamilya ko. Hindi lamang nila inutusan ang kanilang anak na sirain ang brake ng sasakyan namin, ninakawan pa nila ang kompanya namin nang malaki. Hanggang ngayon ay nagnanakaw pa rin sila ngayong si Tita Yali na ang humahawak. But I feel sorry for them; karma is real. Bumalik sa kanila ang karma. Binigyan sila ng karma; malalang karmang magiging bangungot sa kanila.

“I’m sorry, hija—”

“Oh, shut up!” pigil ko kay Mrs. Rever. “Don’t act like you did nothing! Huwag kayong umarte at umiyak sa harapan ko para iurong ang mga kasong isasampa namin sa inyo.” Matigas kong dagdag.

“Hija, patawarin mo kami.” They kneeled in front of me.

Tiningnan ko sila. Tiningnan ko sila na parang wala lang. Namanhid na yata ako. Wala akong nararamdaman na awa sa kanila. Galit ang nararamdaman ko.

“Maibabalik ba ang buhay ng mga magulang ko ang pagluhod at paghingi ng sorry sa akin? Maibabalik ninyo ba ang buhay nilang sinira ninyo?” Kinaagat ko ang aking labi para pigilan ang luha. “Ina’t ama po kayo kaya sana alam ninyo ang nararamdaman ko kung bakit ginagawa ko lang ang tama. Dalawang buhay po ang nawala sa akin. Maaga po akong naulilala nang dahil sa inyo. Maaga akong nawalan ng mga magulang.” Mahina akong napahikbi.

Hinalikan naman ni Yasser ang gilid ng noo ko. “Sana po alam ninyo ang nararamdaman ko simula noong nawala ang mga magulang ko,” I added.

May mga ikinuwento sa akin si Tita Yali, at sa mga ikinuwento niya ay mas lalong hindi ko matanggap na nawala ang mga magulang ko nang gano’n. Nawala sila bigla.

“Sobrang bait po nila sa inyo, tinulungan nila kayong makaahon sa hirap. Ilang beses nila kayong tinulungan sa mga utang ninyo sa ibang kompanya, pero bakit nagawa ninyo ang bagay na ’yon nang dahil sa inggit?” Kumuyom ang mga kamao ko.

“Patawad, hija. Patawarin mo kami. Pagbabayaran—”

“Hindi ko matanggap na nakaya ninyong traydurin ang mga magulang kong halos kapatid na ang mga turing sa inyo.” Iyon ang hindi ko matanggap nang sobra.

Sobrang bait ng mga magulang ko, pagkatapos gano’n ang igaganti nila? Tinulungan silang makaahon sa hirap, pagkatapos pagnanakawan pa. Gano’n pa ang ginawa nila dahil sa inggit.

“Hijo, ilayo mo muna ang asawa mo rito at baka kung ano pa ang mangyari,” si Tita Yali.

Inalalayan akong tumayo ni Yasser. Paglabas namin ay kaagad niya akong niyakap at hinalikan sa noo. “Everything will be okay. Pagbabayarin nila ang ginawa nila. I’m so proud of you.” He cupped my face. “Mas pinili mong magbayad sila at iyon ang tama.” Then he smiled and kissed my forehead again.

Naging tahimik lang ako sa biyahe. Minsan napalilingon ako sa kaniya at napangingiti na lang bigla nang maalala ang mga sinabi niya kanina lang.

My man was proud of me, and I’m proud of him too.

“Bakit tayo nandito?” tanong ko pagbaba namin sa sasakyan.

Pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan kami ngayon. Ang bahay. Lalo na ang inaapakan namin ngayon.

Iniupo niya ako sa bench. “Remember here, baby? Dito mismo sa kinauupuan natin,” aniya.

Naalala ko bigla, bigla na lang akong nahiya. Nakakahiya ang hitsura ko rito, lara akong batang yagit dahil sa hitsura ko. Nakakahiya talaga.

“Ang lugar na ito, dito mismo sa kinauupuan natin. Oh, d*mn.” Bigla siyang napamura, mukhang naalala niya ang mukha ko noong araw na nakita niya ako. Nakakahiya kaya. “You are wearing a pink dress, may headband sa ulo, pagkatapos marungis ang mukha.” Tumawa siya na ikinaguso ko.

“Nakakahiya ang hitsura ko no’n, pagkatapos kinuhanan mo pa ako ng litrato,” sabi ko sa kaniya.

“Did you see the album?”

Tumango ako. “Kailan mo inilagay ’yong mga sobre ro’n?” I asked.

“Bago mo ako makulong.”

“Eh?” ngiwing tanong ko.

“Did you read them all?”

I nodded. Nakita ko ang pagpula ng kaniyang mukha, mukhang nahihiya siya na kinikilig. Napangiti ako at kinurot ang kaniyang pisngi.

“Nag-effort ka talagang magsulat para lamang do’n. Baliw na baliw ka talaga sa akin, baby,” I whispered.

Magkatapat na ang aming mga mukha. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko pati ang labi kong nakanguso. “You don’t know how happy I am,” he whispered.

“Me too, baby.” Nalalasing ako sa nanunuya niyang pahalik-halik.

“Baby, are you ready to marry me?”

Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Tiningnan ko kung seryoso siya o nagbibiro. I smiled. “I’m ready. Ready na akong matali sa ’yo,” I whispered.

“Hmm . . . Wait me. Hintayin mo akong mag-propose sa ’yo.” Kumindat siya.

“Eh! Akala ko naman ngayon ka magpo-propose,” reklamo ko.

He chuckled and kissed my lips. “Gusto kong memorable.”

“Kahit hindi naman na, e.”

“Shhh . . . Hintayin mo na lang. But . . . handa ka bang pakasalan ako na malaki ang tiyan mo? Ang lumakad sa altar na malaki ang tiyan mo?”

Natigilan ako. “Baka naman magpakasal tayo nine months na tiyan ko. Ang hirap kaya lumakad,” reklamo ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. “Let’s get married then, tomorrow.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon