Chapter 23

27.8K 622 26
                                    

Hindi ko kaya . . .

'Yan ang unang pumasok sa akin nang sabihin sa akin ni Yasser na bastedin ko si Kiel. Hindi ko kayang gawin 'yon dahil parang sinaktan ko na tin ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon. Hindi lang si Kiel ang masasaktan kung hindi masasaktan din ako . . . pero ano?

Ano ang dapat kong gawin? Ayaw ko namang mawala sa akin si Yasser, hindi ko rin naman kayang bastedin si Kiel. Bakit kailangan niyang ipagawa sa akin ang bagay na 'yon? Akala ko pa naman ay support siya sa aming dalawa ni Kiel . . .

Sinabi niya pa nga kay Kiel na huwag akong saktan pagkatapos gano'n pala . . .

Minsan ay hindi ko na maintindihan si Yasser kung ano ang pumapasok sa isip niya. Basta hindi ko babastedin si Kiel.

"Naguguluhan ako..." wala sa sariling sambit ko. Hindi ko kaya na bastedin si Kiel pero hindi ko rin kaya lalo na masira ang pagkakaibigan naming dalawa ni Yasser.

Kung tutuusin ay mas matagal kong nakilala si Yasser bago kay Kiel.

"Bakit ganito? Bakit kailangan niya akong papiliin?"

May kumatok sa pinto. "Yannie, si Tita mo ito. Papasok na ako, ah?"

"Sige po!" sigaw ko pero hindi naman gaanong malakas.

"What's wrong, hija? Mukhang problemado ka . . ." she asked.

Umupo siya sa tabi ko, hinaplos ang aking buhok habang nakatingin sa akin. Nakagat ko ang labi ko at huminga nang malalim bago mag-open kay Tita, sinabi ko sa kaniya ang lahat. Simula sa umpisa. Walang labis at walang kulang.

Simula nang mawala sina Mommy at Daddy ay si Tita na ang nandiyan at tumayong pangalawang Ina sa akin dahil 'yon din naman daw ang habilin sa kanya ni Mommy. Kapatid siya ni Mommy kaya naman gumaan kaagad ang loob ko sa kaniya. Hindi niya ako sinukuan noong mga panahon na lubog at durog ako. Kahit na pinagtatabuyan ko siya ay hindi niya pa rin ako sinukuan.

Hindi rin naging madali para sa akin ang pinagdaanan ko noong nawala ang mga magulang ko. Halos ma-depress at wala na ako sa sarili. Muntik na nga nila akong ipa-mental hospital dahil nababaliw na raw ako.

Thank God at nandiyan si Tita at Yasser . . .

Bigla ko tuloy siyang naalala. Hindi ako sanay sa pag-iwas niya sa akin dahil nasanay na ako sa presensya niya at laging nasa tabi ko kaya sobrang naninibago ako.

"Baka naman may gusto sa 'yo si Yasser?"

"Wala po, ah!" agap ko kaagad pero napaisip ako.

"Hindi sa nangingialam ako, pero 'yon ang nakikita ko, kapag nandito ang batang 'yon ay parsti ko kayong pinagmamasdan. 'Yong mga tingin niya sa 'yo ay kakaiba, hindi hanggang kaibigan lang. Napagdaanan ko na 'yan, hija, kaya sana huwag kang maging manhid." Natamaan ako sa sinabi niya.

Napaisip nang malalim. Imposible naman na magkagusto sa akin si Yasser . . . halos magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa.

"Imposible po . . ." sambit ko habang nakatingin sa kung saan. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Tita lalo na at alam kung imposible 'yon.

Walang gusto sa akin si Yasser dahil kapatid ang turing niya sa akin.

"Gusto mo si Kiel, pero sana . . ." Inilagay niya ang palad niya sa bandang dibdib ko kaya nagtaka ako. " . . . Sana ay malaman mo sa pamamagitan ng 'yong puso kung saan mabilis na tumitibok 'yon." She smiled at me and left me. Iniwan niya akong nakatulala sa kung saan at pinagiisipan ang mga sinabi niya.

Nag-o-overthink ako!

What if may gusto nga sa akin si Yasser pero ayaw niyang umamin? What if matagal na pala niya akong gusto kaso ayaw niyang magkasira kaming dalawa?

Inis kong ginulo ang buhok ko.

Bahala na!

"Yannie!" someone shouted my name.

Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Napakunot ang aking noo nang makita ang kaniyang hitsura, nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mga tuhod at hinihingal. Habol ang hininga habang bahagyang nakayuko.

"Bakit?" Inabutan ko siya nang tubig dahil mukhang kailangan niya.

Kaagad niyang nilagok 'yon, hinihingal pa rin pero nakapagsalita. "Si Yasser at Kiel, nagsusuntukan-"

"Nasaan sila?" Nagulat siya sa pagsigaw ko.

"Nasa cou-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil kaagad na akong tumakbo papunta sa covered court. Hindi ko alam kung saan ako dadaan papunta sa gitna ng court dahil mukhang nandoon ang dalawa. Halos puno ang court.

"Excuse me!" Itinulak ko na ang ilan para makadaan ako. Mamaya kung ano na ang lagay ng dalawa.

Bakit ba sila nagsusuntukan?

"Ano ba!" inis na reklamo ng ilan.

Hindi ko sila pinansin at hinawi pa sila hanggang sa makarating ako sa gitna. Tinakasan na yata ako ng dugo sa katawan nang makita ko ang kalagayan ni Kiel. Dugong-dugo ang mukha niya, para akong nanlambot sa nakita ko, may pasa sa magkabilang gilid ng ulo niya. Mukhang doon nanggaling ang mga dugo. Idagdag mo pa ang nasa noo niya.

Nakahiga na siya sa sahig. Natauhan lang ako nang akmang sasapakin na naman siya ni Yasser. "Yasser, ano ba?!" Pumagitna na ako.

Walang-emosyon siyang tumingin sa akin dahilan para kabahan ako pero hindi ko ipinakita 'yon sa kaniya dahil nakipagtitigan ako sa kaniya.

Kung siya walang-emosyon, ako naman ay galit ang nararamdaan.

"Ano ba ang problema mo? Halos patayin mo na si Kiel!" sigaw ko.

Naging tahimik ang court pero nasa amin ang mga paningin nilang lahat, kahit bulungan nga wala akong naririnig. As in, sobrang tahimik nang dumating lang ako.

Sa pakikilagtitigan ko sa kaniya ay may napansin ako sa bandang pisngey niya, may hiwa roon, hindi naman gaanong malaki pero kitang-kita mo siya.

Ano'ng nangyari roon?

"Tumabi ka riyan, Yannie. Hindi pa kami tapos ng gagong lala-"

"Stop this, Yasser! Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa 'yo!" I shouted again. Mapait siyang ngumiti dahilan para lumambot bigla ang mukha ko. May kakaiba akong nararamdaman, parang . . . nasasaktan ako.

"Are you going to protect that man? Poprotektahan mo ang g*gong 'yan?! D*mn," aniya sabay tapon niya sa hawak niya.

Napalingon ako sa itinapon niya. Isang kutsilyo. Napaawang ang bibig ko. Nanginig ako bigla at napalingon kay Kiel na halos masarado na ang mga mata.

Lumapit ako sa kaniya. "Don't close your eyes, Kiel."

"What a nice view," huling ani Yasser sabay talikod niya na siyang nagpasakit sa akin.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon