Chapter 8

40.9K 1.1K 124
                                    


I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon. Yeah, I know na gay si Yasser but . . . I feel something in my heart when I see him with other girls. Hindi niya nga nilalandi, pero siya naman ang nilalandi.

Nagtuloy-tuloy ang pagpapanggap namin dahil pareho naming nararamdaman na pinagmamasdan kami ng parents niya. Idagdag mo pa ang mga kapatid niyang bantay-sarado ang galaw namin sa kanila. Bigla na lang din silang sumusulpot. Akala ko nga muntik na kaming mahuli ni Yasser noong time na nag-uusap kaming dalawa, pagkatapos gay version siya. Mabuti na lamang at wala naman imik ang mga iyon, at magaling din ang baklush na umarte.

Nasa malayo pa lamang ako ay naiirita na ang mukha ko habang nakatingin may Yasser at sa isang babae na kulang na lamang ay maghubad sa harapan niya. Halos isiksik na kasi nito ang mga dibdib kay Yasser.

Kung alam mo lang, girl, na naiinggit iyan sa mga may malalaking dibdib.

Kung ako ay naiirita, mas naiirita ang baklush. Halata naman kasi sa mukha niya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya pa itulak ang babaeng iyon.

Hmp! Ang sarap hilain ng buhok at kalbuhin.

“Sir Yasser! Nandito po si Ma’am Yannie!” sigaw ng mga tao sa site.

Napalingon naman siya sa akin. Inirapan ko siya, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Naiirita lang ako. Well, mahirap talaga kapag red days. Mabilis kang mairita at mainis sa mga tao na nasa paligid mo.

“Who is she, babe?” Ay, babe? Puta*na pala ang babaeng ito!

Akin iyan, hoy! Ilusyonada! Hilahin ko na talaga buhok mo!

“She’s my girlfriend.”

I smirked. Laglag ang panga ng babae. Tumingin siya sa akin at inirapan ako. Tiningnan pa ng may pandidiri. Ni-head to foot niya pa ako. Akala mo naman maganda siya! Sus, may dibdib nga siya pero mas malaki naman ang sa akin. May puwet nga siya, pero mas malaki pa rin ang sa akin. Sadyang maputi lang siya. Halatang mayaman naman kasi.

“Girlfriend? I thought . . . she’s your nanny.”

Susugurin ko sana ito nang pigilan ako ni Yasser. Huwag niya akong simulan at baka mangudngud ko ito. Sakto, may hinahalo ang mga worker na buhangin sa tubig.

“Leave, Charmille,” Yasser said in a cold tone.

“But . . .”

“Charmille.”

“Makararating ito kay Daddy!” Padabog itong umalis, pero bago iyon ay inirapan muna ako nito.

“Malandi ka talaga!” sigaw ko. Hindi siya nagulat, kung hindi mas natuwa pa ang baklush. Ano naman ang nakatutuwa? Huh?

“My baby is jealous.”

Ako ang naiinis. Bw*kangena talaga ng baklush na ito! Imbes na siya ang mainis ay ako ang naiinis. I rolled my eyes again. Tinalikuran ko na siya, pero hindi pa ako nakalalayo nang yumakap siya likuran ko.

“Don’t be jealous, baby. Ikaw lang ang baby ko.”

Sus, hindi ako naniniwala. Parang si Skusta Clee lang. Zeinab, ikaw lamang ang baby ko, pero nagawang magloko. Hindi lang isang beses.

“Ul*l! Baby yourself!” sigaw ko.

“Baby, are you pregnant?!” sigaw niya, namula naman ako, halatang inaasar niya lamang din ako dahil sa klase ng boses niya.

Itinaas ko ang middle finger ko at mabilis nang naglakad papunta sa office niya. He’s a civil engineer. May sariling kompanya na dahil sa sariling pagsisikap. Ako naman ay nakatapos ng HRM. Manager ako sa isang restaurant. Apat na taon akong nag-aral ng HRM kaya naging manager kaagad ako. One year ang gap namin ni Yasser.

I’m 26, and he’s 27. Okay na rin naman, at saka puwede na. Malakas pa rin naman siya. Siguro kaya niya pa ng ilang round. I slapped myself. Nababaliw na talaga ako. Hanggang sa panaginip ko ay si Yasser ang nakikita ko. Nakasasawa nang makita ang pagmumukha ng baklush na iyon!

At the age of 26, I don’t have a boyfriend; kahit fling wala ako. Hanggang sa makatapos kasi ako ay kay Yasser lang ang buong paningin ko.

D*mn, I’m crazy In love with him, before and now . . . Ayaw kong maging in denial sa feelings ko.

Yeah, I still love him.

I love this gay!

Kaya suwerte ang baklush na iyon dahil may nararamdaman sa kaniya ang Yannie na katulad ko! Sobrang suwerte niya, pagkatapos may mahal siyang iba, at hindi ako iyon.

Napahawak ako sa ulo ko. Napapikit ako nang mariin. Muntik na akong matumba. Mabuti na lang at mabilis akong nakahawak sa mesa. My head is hurting again. Hindi ko alam kung bakit madalas na sumakit ang ulo ko ngayon, pagkatapos tuwing pipikit ako ay may nakikita akong senaryo pero malabo. Hindi ko maintindihan! Hindi naman ako nakalimot. Wala naman akong nakalimutan kaya bakit sumasakit ang ulo ko?

“Baby, are you okay?” Malambing ang kaniyang boses.

Magaan ang hawak niya sa mga balikat ko. Pinaupo niya ako sa couch, hinilot ang ulo ko kaya napapikit ako at ninamnam ang palad niya. Kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam ko.

Kapag nangyayari ito ay nakatutulog na lamang ako bigla. Nagsimula ito nang mauntog ako sa pinto, sa katangahan ba naman. Nag-wet dreams kasi ako. Bw*kangena kasi ng baklush na ito! Binabayo raw ako sa panaginip ko kaya paggising ko, pagkahawak ko sa perlas ko ay basa. Kaya ayon! Sa pagmamadali ay nauntog ako sa pinto ng banyo. Ang malala ay sa labas pa ng pinto ng kuwarto ko.

E ’di double kill!

“Are you okay?”

Tumango lang ako. Nawala na rin naman ang sakit ng ulo ko. Ang galing ba naman humilot ng baklush. Ang gaan ng palad pagkatapos ang soft pa. Parang hindi engineer. Dinaig pa ako na magaspang ang palad. Nagpapalit-balat kasi ako minsan.

Malay ko ba sa palad ko. Kailangan daw ng pera kaya nag-iinarte.

He gave me water na kaagad ko namang ininom. Tinabihan niya ako. Nang maubos ko ang tubig ay inilagay niya na sa mini table na nasa harapan namin ang baso bago magaan na inilagay ang ulo ko sa balikat niya. Sus, nanantsing na naman ang baklush! Akala mo naman hindi halata.

“Once you find out everything, I hope you’ll forgive me.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon