Chapter 16

33.8K 762 17
                                    


“Hayaan mong makaalala ka nang kusa, Yannie.”

Tinitigan ko siya, pero kanina niya pa iniiwas ang tingin niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit, may pag-aalala at takot. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang matakot. Wala naman siyang dapat ikatakot.

“Yasser, ’y-yong tanong ko . . .” Kinagat ko ang aking labi.

He sighed and looked at me. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya mas nakagat ko ang aking labi. “Yes, Yannie. Nawalan ka ng alaala, you have a temporary amnesia, ang ibang alaala mo ay nawala. Bumaligtad ang sitwasyon.” Ang huling sinabi niya ay bulong lang pero narinig ko.

“Bakit ako nawalan ng alaala?”

Lumingon siyang muli sa akin. He smiled at me, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at pag-aalala. Hinawi niya ang hibla ng mga buhok ko. Nakatitig lang ako sa kaniya.

“Malalaman mo rin ang lahat, Yannie. At kapag dumating ang puntong ’yon . . . sana ay patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya.”

Kumirot ang bandang dibdib ko. Sobrang makahulugan ang huling sinabi niya. Imbes na magtanong pa ako ay tumango na lamang ako.

“Aalis ka na?” tanong ko.

“Hindi. Babantayan kita, dito lang ako,” aniya kaya tumango ako.

Kinumutan niya ako at hinalikan ang aking noo bago umalis. Imbes na makatulog ay naging mulat ang mga mata ko. Iniisip ko pa rin ang napanaginipan ko. Hindi na naman mawala sa isip ko. Nakapagtataka lang na ang dalawang taong iyon na naman ang nasa panaginip ko, palaging sila na lang, minsan naman ay ibang-iba lugar. Iba’t bang pangyayari pero malabo.

“Why are you still awake?” he asked, lumapit siya sa akin kaya napaupo ako.

Pasandal na sana ako sa headboard ng kama nang may maamoy akong kakaiba sa kaniya. “Uminom ka?” I asked and he nodded.

Pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok habang dinidilaan ang kaniyang labi dahilan para makagat ko ang labi ko. Gusto kong paypayan ang sarili dahil parang nag-iinit ako na hindi ko maintindihan.

Bw*kangena. Ang hot ni Yasser lalo na at bukas pa ang tatlong butones ng kaniyang polo.

Tinitigan ko siya at wala sa sariling lumapit ako sa kaniya. Tinitigan niya ako hanggang sa tanggalin ko ang butones na natitira sa kaniyang polo.

“You are horny again,” he huskily said against my ear.

I bit his shoulder, napanguso rin ako habang hinahaplos ang abs niya.

Baklush na may abs!

“Nagwo-work out ka, ’no?” tanong ko kahit na halata naman.

He chuckled. Hinapit niya pa ang baywang ko kaya magkadikit na kaming dalawa. “Touch me, baby. Touch my body. It’s yours.”

I smiled at him seductively. Inilapit ko pa ang mukha sa kaniya. “Really, baby?” Hinaplos ko ang labi niya. Mariin siyang nakatitig sa akin kaya mas nilandi ko pa siya.

Mabilis lang naman ma-turn on ang baklush na ito, kahit na hawakan mo lang ang alaga niya, baka ipasok niya na sa bukana mo.

“Stop it, Yannie,” nahihirapang sambit niya dahilan para mas mapangiti ako na may pang-aakit.

Akmang hahalikan ko na siya nang mapahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Yasser sa ulo ko. I adjusted my eyes first dahil nanlalabo iyon hanggang sa bumalik na sa normal at nawala na ang pagkirot ng ulo ko.

“Baby . . .”

“I’m okay, kumirot lang muli ang ulo ko.”

Tinitigan niya ako kaya ngumiti ako sa kaniya dahil nag-aalala ang kaniyang mukha. I wrapped my arms around his nape, ipinulupot ko rin ang mga hita ko sa baywang niya na kaagad niya namang inayos. Nakayakap ako sa kaniyang harapan at nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya habang naglalakad siya pabalik sa kama ko. He kisses my forehead bago ako tabihan.

The next morning, hingal na hingal ako nang bumangon. Nanaginip na naman ako, pero hindi na ang dalawang tao ang nasa panaginip ko na palaging nandoon tuwing nananaginip ako. Malinaw na malinaw sa akin ang panaginip ko.

I cried silently. Kagat ko nang mariin ang labi ko para hindi kumawala ang hikbi. Bumalik na naman sa alaala ko ang araw na ’yon . . . Ang araw na naaksidente kami na siyang pagkawala ng mga magulang ko. Kung hindi lang ako tinakpan nina Mom at Dad noon ay wala na rin ako ngayon, kung sakali na hindi nila ginawa na protektahan ako.

“Why are you crying?”

Niyakap ko siya kaagad, ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya. Sobrang sakit lang kasi sinisisi ko ang sarili ko hanggang ngayon kung bakit sila nawala. Kung hindi lang nila ako prinotektahan ay buhay pa sila ngayon. May chance naman na tumalon sila sa loob ng kotse pero hindi nila ginawa, dahil mas pinili nilang puntahan ako sa backseat at protektahan.

“Shh . . . Baby, stop crying. Nasasaktan ako,” malambing na saad niya habang pinupunasan ang mga mata ko.

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa mukha niyang punong-puno ng pag-aalala.

“Baby . . .”

Hindi ako tumugon, hindi ako nagsalita dahil mas niyakap ko pa siyang muli pero may ngiti na sa labi. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko na siyang ikinagaan ng aking pakiramdam. Gusto kong makaalala. Gusto kong maalala ang mga hindi ko maalala dahil pakiramdam ko, malaking parte sa akin iyon.

“Yasser, tulungan mo akong makaalala.”

Natigilan siya na siyang ipinagtaka ko. Humiwalay ako sa kaniya at tiningnan siya, pero nag-iwas siya ng tingin.

“Yasser.”

“I can’t.”

Nagsibagsakan ang mga balikat ko sa sinabi niya. Tumitig ako sa kaniya, tumitig din siya sa akin pero kaagad din nag-iwas ng tingin.

“Yasser, please? Gusto kong makaalala. Gusto kong maalala ang hindi ko maalala, lalo na at gusto kong maalala kung sino ang nasa likuran ng pagkawala ng mga magulang ko.”

Dahil kung hindi lang sana lasing ang driver na nagmamaneho ng kasalubong namin ay hindi mawawala ang mga magulang ko, at alam kong hindi lamang basta aksidente ang nangyari kaya aalamin ko kung sino ang nasa likuran ng pagkawala ng mga magulang ko. Bibigyan ko sila ng hustisya. Makukulong ang taong nag-utos sa lalaking iyon na sirain ang brake ng sasakyan namin.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon