Chapter 35

29.8K 651 39
                                    


“Naiintindihan ko, Yannie. Alam ko naman na mahal mo talaga si Yasser simula una pa lang,” mababang boses na ani ni Kiel.

“Kiel . . .”

“Noong tayo pa, madalas mo siyang ikuwento sa akin kaya hindi na ako magtataka kung kayo talagang dalawa ngayon. I’m really sorry, Yannie. Pagbabayaran ko ang ginawa ko.”

Hindi na ako nakaimik. Napalingon ako kay Yasser na nasa tabi ko, seryoso ang mukhang nakatingin kay Kiel na puno ng pagsisisi ang mukha.

“Mabuti naman alam mo na sa akin talaga siya.”

“Yasser naman . . .” saway ko sa kaniya.

“Binalaan na kita noon. Nagparaya na ako dahil kaibigan kita, pero pasensiya na, p’re, sa akin talaga siya nakatadhana.” Then he smired.

Nginisian niya si Kiel na ngumisi lang din. Parang wala lang dito ang mga sinasabi ni Yasser.

“Yeah, I know. Masaya ako sa relasyon ninyo.”

Hinaplos ko ang braso ni Yasser. Napalingon siya sa akin. Lumamlam ang kaniyang mukha. “Ninong ka,” biglang sabi ni Yasser na ikinagulat ni Kiel. “May pinagsamahan pa rin naman tayo, kaya ninong ka. Ikaw rin ang best man ko.” Napangiti si Kiel.

“I love you.” I whispered to Yasser.

Napalingon naman siya sa akin at pinatakan ako ng halik sa labi, sa harap mismo ni Kiel. “Pero pagbabayaran mo ang ginawa mo.”

Tumango lang si Kiel, mukhang tanggap na tanggap ang parusa. “I’m really, really sorry. Alam kong galit ka, Yannie, dahil nawala ang—”

“Shh . . .” pagpapatigil ko rito. “Wala naman na akong magagawa, wala na sila. Magbayad ka na lang sa ginawa mo.” I smiled at him.

Hindi ko masasabing hindi ako galit sa kaniya. Hindi ko rin naman masasabing galit ako. Wala rin naman patutunguhan kung magagalit ako kasi wala naman na sina Mommy at Daddy. Okay na sa akin ang pagbayaran niya ang ginawa niya. Hahayaan ko na lang din na mawala ang sakit sa dibdib ko. Nandiyan naman si Yasser para tulungan ako.

“Do you want me to carry you?”

“Mabigat ako. Pumunta na tayo sa OB,” excited kong sabi.

Wala naman siyang nagawa kung hindi sundin ang gusto ko. Excited na excited na akong malaman kung ilan sila at ano’ng gender.

“Hello, Mr. and Mrs. Sollano,” bati ng OB.

“Hello po,” pagbati ko.

Magiging Mrs. Sollano rin naman ako, at saka kapag hindi niya ako pinakasalan, tataguan ko siya ng mga anak.

“So, ready ka na ba, Misis?”

Excited akong tumango. Pinahiga niya ako, nakaalalay naman si Yasser sa akin. Kumakabog ang dibdib ko. Nae-excite lang ako nang sobra. May inilagay siyang gel sa tiyan ko at sinimulan na. Nakatingin ako sa screen pero wala naman akong makita.

“Congratulations, Mr. and Mrs. Sollano, quadruplets!”

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Yasser. Nakita kong kumislap ang mga mata niya pero hindi ko muna pinansin.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon