Chapter 38

27.4K 610 16
                                    


“Mabuti naman at natauhan ka na,” Jennica said.

She’s my bride’s maid. Last week ay nagkita kami sa mall, kasama ko si Yasser that time. Naging friend na kaagad kaming dalawa, araw-araw siyang pumupunta rito sa bahay kaya may kasama ako. Bumalik na rin sa trabaho si Yasser habang ako naman ay tumigil lalo na at ayaw niya akong mahirapan at mapagod.

“Hindi ko alam na alam mo ang lahat umpisa pa lang.”

She smirked at me. “Of course, Yasser is my friend. Nagkagusto ako sa kaniya pero baliw na baliw siya sa ’yo.”

Ako naman ang napangisi. Kami talaga ni Yasser ang itinadhana kaya sorry na lang sa mga nagkakagusto at naghahabol sa kaniya.

“Sa akin talaga siya.”

Tumawa lang siya. “Hindi ko naman aagawin, at saka matagal naman na iyon. I’ve already moved on. I have a boyfriend din naman,” she stated.

“E ’di congrats,” balewalang sabi ko.

“Pero maiba tayo, hindi pa ba siya nagpo-propose sa ’yo?”

Natigilan ako. Basta ang sinabi niya sa akin last month ay maghintay na lang ako sa pasabog niya kaya ngayon ay naghihintay ako. Ayaw ko naman siyang madaliin at baka big surprise iyon.

“Surprise na lang daw,” sagot ko.

She nodded “So, may quadruplets na kaagad kayo?”

Tumango ako. “Ehem, baka naman puwede mo ikuwento mo sa akin paano nabuo.”

Napaubo ako na ikinatawa niya. Siraulo ang babaeng ’to!

“Mabilis ba siyang gumal—”

“Jennica!”

Mas tinawanan niya ako. I pouted my lips a bit. Nakahihiya talaga ang babaeng ito, walang preno ang dila.

“Bakit hindi mo siya pinigilan? Dahil gusto mo rin talaga?” pang-aasar niya na ikinanguso ko lalo. Namula rin ako dahil totoo ang sinabi niya.

Ginusto ko rin naman kasi talaga. Pinigilan ko naman siya pero wala, e, nadala ako sa tukso.

“Oo, nagustuhan ko rin naman talaga, e.”

Tumawa siya. “Iba ka talaga, Yannie. Ibang-iba ka talaga.” Tumatawa pa rin siya.

Iba ka rin talaga, Jennica. Ang lakas mo mang-asar. “Siyempre, ako ito, e, si Yannie kaya ito.”

Napailing na lamang siya habang tumatawa. “Sure ako, kapag nanganak ka bubuntisin kang muli ni Yasser. Baka nga hindi lang isang round.”

Namula ako.  Tatlong round nga kami noong gabing iyon, paano pa kaya kapag hindi kami lasing pareho at alam na ang nangyayari?

“Wild ang mga Sollano pagdating sa kama. Hindi okay sa kanila ang limang round.” She smirked.

Parang ang daming alam naman ng babaeng ito sa magkakapatid. Akala mo naman na-experience na.

“Na-experience mo na ba?”

Mas ngumisi siya. “Hindi ko pa pala nasasabi sa ’yo na asawa ko ang isa sa mga kapatid ni Yasser.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon