Chapter 18

29.5K 754 9
                                    


“Sweetie, are you okay now?” Malambing ang kaniyang boses.

Napahawak ako sa ulo ko bago sumandal sa headboard ng kama. Binigyan niya ako ng tubig na kaagad kong ininom.

“Salamat.”

Napatingala ako at napapikit. May pumatak din na mga luha sa mga mata ko, may mga nakikita na naman ako, pero malabo na naman. Kaunti na lamang, kaunti na lamang at maaalala ko na ang mga hindi ko naaalala, malilinawan na ako oras na maalala ko ang lahat.

Ano ba’ng kailangan kong gawin para hindi na tumagal ang lahat? May kailangan ba akong puntahan na lugar para maalala ko ang lahat? Bakit kailangang magkaganito?

“Kiel, I need justice for my family,” I stated.

Tinitigan niya muna ako bago lumapit sa akin. He kissed my forehead, hinaplos niya rin ang buhok ko. “Yasser is your friend, your childhood friend, ipakukulong mo siya?”

Nanikip bigla ang dibdib ko. Ipakukulong ko ba siya? Hindi ko rin alam. Magulo ang isip ko. Kailangan ko ng hustisya para sa mga magulang ko, pero . . . bakit nasasaktan ako?

Kung si Yasser nga ang taong nakabangga namin . . . bakit hindi niya sinabi sa akin iyon? Sa tagal naming magkasama, alam niya ang lahat ng nararamdaman ko, simula noong mawala ang mga magulang ko ay alam niya. Siya ang nandoon noong nawala sina Daddy at Mommy, pagkatapos . . . malalaman kong siya pala ang taong nagmamaneho ng kotseng nakabanggaan namin na sanhi ng pagkamatay ng mga magulang ko?

Napaiyak ako, napayakap na rin kay Kiel. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako. Parang hindi ko kaya na makita si Yasser na nasa kulungan.

“Kiel, puwede bang sa atin na muna ’yon? Gusto ko rin munang kausapin si Yasser.”

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. “Sweetie, para hindi ka mabigla, sasabihin ko pa sa ’yo ang isang totoo.” Hinalikan niyang muli ang tuktok ng ulo ko. “Huwag kang mabibigla.”

Nariyan na naman ang kabang nararamdaman ko. “Ki—”

“Yasser is not gay. Nagpapanggap lang siya.”

Natulala na naman ako, hindi makagalaw. Ano’ng pinagsasasabi niya? Anong hindi bakla si Yasser? Sa mga kilos at galaw nga ni Yasser ay halatang baklush ang baklush na iyon, sa pananalita niya rin.

Tumawa ako. Siya naman ang natigilan. “Ano ba ’yan! Napatawa mo ako.” Naiiyak na ako sa pagtawa habang nakahawak sa tiyan ko.

Diyos ko naman itong si Kiel! Ang galing niyang magpatawa!

“Yannie, I’m serious.”

Doon lang ako tumigil. Nagpunas muna ako ng mga mata ko. Bigla akong napalunok nang makitang seryoso ang mukha niya. I don’t know what I’m feeling right now. May parte sa puso ko na . . .

“He’s not gay. Yasser is not gay. He’s pretending.”

“B-Bakit naman siya magpapanggap?” Lumunok ako.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin kaya umiwas ako sandali. Malulusaw ako sa titig niya. “Mas mabuting siya ang tanungin mo, sweetie.” Naging malambing na ang boses niya kaya medyo nawala na ang kabang nararamdaman ko.

Pumasok sa isip ko ang dapat ko palang itatanong sa kaniya. Napansin ko lang na parang ang dami niyang alam . . . lalo na kapag kay Yasser. I don’t know kung close ang dalawa. “Can I ask something?” He nodded. I sighed first. “Are you related to Yasser?”

“He’s my ex-best friend,” mabilis niyang sagot.

Ex? Bakit ex-best friend? Hindi na ba sila magkaibigan ngayon?

“Bakit hi—”

“Just ask him,” putol niya.

Tumango ako. Nag-stay muna ako sa kaniya ng ilang minuto bago napagdesisyunan na umalis na.

“Are you sure? Ayaw mo talagang ihatid kita?”

“Huwag na, Kiel, masyado na kitang naaabala.”

“No worri—”

“Kiel.”

Napanguso naman siya nang maliit. Napahilot ako sa sentido nang sumakit na naman iyon. Bakit pati kay Kiel ay may nararamdaman akong kakaiba?

“Are you o—”

“Thank you, Kiel.” Hinalikan ko siya sa pisngi.

Pigil ang tawa ko nang makitang natulala siya, kaya habang wala siya sa wisyo ay mabilis na akong umalis sa harapan niya. Nai-text ko na si Yasser kanina na pupuntahan ko siya sa office niya kaya ito ako ngayon, nagdadalawang-isip kung tutuloy pa ako.

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa maaari kong malaman.

Yasser is not a killer. He’s not. Aksidente ang nangyari, kaya . . . f*ck! Inis akong napasabunot sa buhok ko. Bahala na kung ano man ang mangyari. Kung anong sundin ng puso ko ay iyon na lang. Kilala naman na nila ako, at mukhang alam nilang may appointment ako kay Yasser kahit na kakausapin ko lamang naman siya. Hinatid ako ng isang worker niya. I saw him on his swivel chair. Seryoso siya sa pagdo-drawing, mukhang hindi niya naramdaman ang presensya ko hanggang sa sumarado ang pintuan.

I bit my lower lip nang magtama ang mga mata namin. He smiled at me, pero hindi ko nagantihan ang ngiti niyang nabura nang makitang seryoso ako. Akmang lalapitan niya pa ako nang umiling ako, mabilis akong umupo sa visitor chair na katapat niya lamang.

“Are you okay? Napap—”

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Yasser. Nakausap ko si Kiel at may mga nalaman ako mula sa kaniya.”

Sumeryoso ang mukha niya. Napalunok ako. Sh*t! Sh*t! Bakit kinakabahan na naman ako? Mas kinakabahan ako ngayon dahil sa seryosong mukha niya.

“Sinabi niya na pala sa ’yo,” he mocked.

Bahagya na rin nanginig ang mga kamay ko na nakapatong sa aking mga hita. Calm down, Yannie. Nandito ka para kausapin nang maayos si Yasser. Kausapin mo lang siya nang maayos. Just calm down.

“Why are you pretending to be gay?” diretsong tanong ko.

Naging ganoon pa rin ang hitsura niya. Tinitigan niya akong mabuti. Napakagat na ako ng labi, kinakabahan, hinihintay kung ano man ang sagot niya. Parang sasabog ang puso ko sa sagot niya. Sh*t!

“Because I love you.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon