Chapter 36

28.1K 631 24
                                    

“Which one, baby?” malambing na tanong ni Yasser.

Namimili kami ngayon ng gamit para sa mga baby namin. Ayaw pa nga dapat niya akong isama kaso sinabi ko sa kaniya na baka hindi ko magustuhan ang bibilhin niya. Hindi pa naman ako malapit manganak pero sobrang excited na siya, dapat ready na ang mga gamit nila. Wala pa nga kaming sariling bahay pagkatapos namimili na kami.

“Kaya mo bang bilhin lahat?” pagbibiro ko.

Sumeryoso ang mukha niya. “Gusto mo ba lahat? I can buy all of these.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Siraulo ka! Nagbibiro lang naman ako, apat na crib lang ang kailangan natin,” bawi ko.

Hindi naman mabiro ang Yasser ko.

“I can buy all of these, baby. Bibilhan ko lahat kung gusto mo.”

Napangiwi ako. Desidido talaga siya, nagbibiro lang naman kasi ako. “Joke lang naman, e. At saka kailangan natin mag-ipon, nakakahiya sa mga magulang mo dahil sa kanila tayo nakikitira.”

Nakakahiya naman talaga. Ako na ang nahihiya sa mga magulang niya. Wala naman siyang tugon, nasa baywang ko lang ang isang braso niya at seryoso na sa pamimili. Napanguso ako. Mukhang nawala siya sa mood dahil sa pagbibiro ko kanina. Mahirap palang biruin ang isang Yasser.

Binayaran niya ang lahat gamit ang credit card niya. Tahimik siya hanggang sa makaalis na kami sa loob.

“Uhm . . . baby,” pag-agaw pansin ko pero walang epekto. I pouted. “Uhm . . . pagkapanganak ko, pagkatapos kapag may one year old na sila, magtatrabaho ako, ah? Para makatulong sa ’yo . . .”

Napatigil siya, lumingon siya sa akin. Napakagat ako ng labi dahil sa seryoso nitong mukha. “Ano ang silbi ko, Yannie? Ano ang silbi ko kung magtatrabaho ka at iiwan ang mga anak natin na wala sa pa sa wastong edad?”

Natauhan ako, napayuko, at napakagat sa labi para pigilan ang luha. Naglakad na muli siya pero nakaalalay pa rin siya sa baywang ko kaya wala na akong nagawa. Tahimik kaming kumain sa isang restaurant, tinanong niya lang ako kung ano’ng gusto ko. Hanggang sa byahe ay tahimik siya.

Napayuko ako at hinimas ang tiyan ko. “Babies, galit ang daddy ninyo kay mommy,” mahina kong sabi at suminghot. Siya ang nagda-drive, nasa backseat ako kaya sure akong hindi niya maririnig ang sinasabi ko. “Mad siya sa akin, babies, hindi niya na ako love.” Napasinghot muli ako.

Hinimas-himas ko lang ang tiyan ko habang umiiyak at paulit-ulit na sumisinghot. Kailangan ko rin kagatin ang labi ko para walang hikbi na kumawala dahil ayaw kong marinig niyang umiiyak ako. Gano’n lang ako hanggang sa tumigil kaya tumigil na rin ako sa pag-iyak.

“D*mn.” Dinig kong sambit niya.

Hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakayuko. Hindi ko nga namalayan na pinagbuksan niya na ako ng pintuan. Wala pa rin siyang salita.

“S-Sorry. Huwag ka na magalit.” Bulong lang iyon, hindi ko alam kung narinig niya.

Nakayuko pa rin ako habang naglalakad kami. Walang-humpay ang pagtulo ng aking mga luha, hindi ko na nga namalayan na nakapasok na pala kami sa gate pero kaagad akong nagtaka. Fountain kaagad ang bumungad sa akin kaya namangha ako. Kumalas ako sa braso ni Yasser at pumunta sa fountain. Nakangiti kong inilublob ang kamay ko sa tubig na nasa ibaba.

“Wow,” namamanghang sambit ko nang nag-iba ang kulay ng tubig. Naging blue pagkatapos iba’t ibang kulay pa.

Nilingon ko ang paligid, hindi pamilyar sa akin ang mansyon pero masasabi kong hindi ito ang mansyon ng mga magulang niya. Napalingon ako kay Yasser na may ngiti sa labi kaya napangiti na lamang ako. Siya na ang lumapit sa akin, at paglapit pa lang niya ay yumakap na ako sa kaniyang leeg.

“Sorry kanina. Hindi ko iiwan mga babies natin.”

He chuckled. “It’s okay, baby.”

“Kanino palang mansiyon ito?” pag-iiba ko.

“Sa atin.”

Nagningning ang mga mata ko. “Seryoso? Sa atin ito?”

He nodded. Hinalikan ko siya bigla. Hindi niya inaasahan noong una pero kaagad din naman siyang tumugon.

“Sa atin talaga?”

He chuckled kaya napanguso ako. Hindi naman kasi ako makapaniwala na sa amin ang bahay na ito.

“Sit down, baby.”

Nakanguso lang ako nang bigla niya akong patakan ng halik sa labi. “Yes, baby, sa atin ito.”

“Kailan mo pa ito pinagawa? ’Tsaka . . .” Napatigil ako. Iyong pagkakagawa kasi sa bahay ay ang dream house ko kaya hindi ako makapaniwala.

“Matagal na . . . Two years ago?”

Napangiwi ako. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na may house na tayo?”

He chuckled. “I want to surprise you. Pinaayos ko pa ang mga rooms ng babies natin. Gusto kong kapag nanganak ka ay wala kang poproblemahin.”

I smiled. “Patay na patay ka talaga sa akin.”

Tumawa siya na ikinasimangot ko. Nakaiinis din talaga ang lalaking ito minsan.

“Hindi lang ako patay na patay sa ’yo. Baliw na baliw rin ako. Tinatayuan ako kahit wa—”

“Yasser!” pagpapatigil ko rito na tinawanan niya lang.

Inalalayan niya ako para ikutin ko ang lugar, pero dahil sa lawak ay sa mga rooms muna kami ng babies namin.  Napangiti ako nang makitang inayos sa isang malawak na room ang mga binili naming crib sa apat at ang mga gamit ng mga ito.

“Grabe, ang lawak. Nasa playroom pa lang,” namamanghang sabi ko.

“Akala ko nga mababalewala ang lahat ng mga pangarap at pinagawa kong bahay.” Tumawa siya nang mahina.

“Alam mo? Nararamdaman kong may gusto ka na sa akin noong nagpapanggap tayo, kaso ayaw ko lang naman na mag-assume.”

He chuckled and hugged me from my back. Hinalik-halikan niya ang balikat ko. “Mas mabuti na rin ’yon. Ang mahalaga ay sa akin ang bagsak mo.”

I blushed. “I love you, Yasser. Sorry sa mga nasabi ko sa ’yo at sa mga nagawa ko. Sorry rin kung nasaktan kita.” Nagsimula na naman akong maging emosyonal.

“Wala sa akin iyon. Basta sa akin ka, Yannie. Sa akin ka lang at hindi ka puwede sa iba.” Hinimas niya ang tiyan ko.

“Thank you. I love you, baby,” malambing na sabi ko.

“D*mn it! Gustong-gusto kitang angkinin tuwing tinatawag mo akong baby.”

Tumawa ako. “Hindi nga lang puwede muna, pero huwag ka mag-alala, papayagan naman kitang araw-arawin ako kapag nanganak na ako.”

Napatigil siya kaya tumawa ako.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon