Chapter 26

27.2K 615 50
                                    


“Sweetie, let’s go?” anyaya ni Kiel.

Kumapit ako sa may braso niya habang nakangiti. Sabay kaming pumasok sa loob kung saan nandoon ang iba’t ibang mga studyante galing sa iba’t ibang department. Next year ay second year college na ako. Hindi ako makapaniwala na graduating na ako ngayong taon, parang kailan lang ay stress pa ako dahil baka hindi ako pumasa.

May isang ball na ginaganap ngayon, actually para siyang prom lang. Flash ng mga camera kaagad ang bumungad sa amin. Napatingin din sa amin ni Kiel ang ibang mga estudiyante. Nakamaskara kami kaya hindi namin kita kung sino ang nasa likod ng maskara.

“Sit down, sweetie.” Inalalayan niya rin ako sa pag-upo.

Nandito ako ngayon sa mga kaibigan niya — sa department niya imbes nasa department ko. Wala naman kasi akong gaanong ka-close sa mga kaklase ko, e. Hindi naman sa boring akong tao or kaibigan, hindi lang talaga ako palakaibigan, mapili kumbaga ako sa mga kaibigan. Nakasanayan ko na kasi na si Yasser ang kaibigan, ang baklush na ’yon!

Nasaan kaya ’yon?

Hinanap ko siya, pero sa dami ng tao ay hindi ko siya nakita lalo na at nakamaskara pa, saka malalaman ko naman kung siya ’yon dahil sa hubog ng katawan niya. May palatandaan din ako sa kaniya kaya malalaman ko kung siya na ba ’yon.

“Kayo na ba ng kaibigan namin?” tanong noong isa sa mga kaibigan ni Kiel. Kung hindi ako nagkakamali na ang pangalan niya ay Ashley.

Akala ko nga babae ito dahil Ashley ang pangalan, lalaki pala. Malay ko bang puwedeng ipangalan ang Ashley sa lalaki. Walang mga maskara ang mga ito kaya nakilala ko kaagad sila. May mga babae rin naman sa puwesto namin pero may kaniya-kaniya silang Mundo kaya naiilang ako lalo na at wala sa tabi ko si Kiel.

Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Baka nag-cr lang . . .

“Hindi pa . . .” tipid na sagot ko.

Nagkatinginan sila, sa mga tinginan nila sa isa’t isa ay parang may pinapahiwatig sila na hindi ko maintindihan. Nag-iwas na lang ako ng tingin at inilibot sa kung saan. Pinaglalaruan ko rin ang mga daliri ko na nasa kandungan ko.

Nasaan na kaya si Kiel?

“Hi, Yannie right?” tanong bigla no’ng babaeng lumapit na lang sa akin.

“Yes, you are?”

“I’m Jennica! Nice to meet you, Yannie!” Kahit natatakpan nang maskara ang kaniyang mukha ay nahalata kong nakangiti ito sa akin ngayon.

“I saw you kasi na alone ka lang that’s why lumapit ako sa ’yo! Can we be friends?”

“Yes naman . . .” sagot ko na lang kahit na naiilang. Hindi naman kasi ako sanay na may nakikipagkaibigan sa akin lalo na at hindi ko naman kilala at hindi alam kung ano ang hitsura.

“Really?” tanong niya sabay tanggal sa kaniyang maskara.

Bigla akong namangha sa hitsura niya dahil ang ganda niya. Kung itatabi siya sa akin ay mas maganda siya lalo na sa suot niyang gown na kulay read na one sided. “Ang ganda mo . . .” wala sa sariling bulalas ko.

“You are pretty too. Don’t be shy to me, I’m not fake friend naman. I like you lang kasi I can felt na hindi ka fake friend.”

Medyo madaldal pala siya.

“Sorry . . . medyo naiilang lang ako kasi hindi ako sanay na may kakaibigan sa akin,” pag-amin ko but she just smiled to me.

“Nah, it’s okay, Yannie. Puwede bang sa garden tayo mag-talk? Medyo maingay kasi rito.”

“Baka magsimula na ang party at baka hanapin ako nang kasama ko.” Hindi naman sa ayaw ko na kasama siya at walang tiwala sa kaniya kasi wala naman sa mukha niya na hindi siya mapagkakatiwalaan.

“Ah, sure kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin. Okay lang naman siguro na rito ako sa tabi mo?”

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. “Uh . . . ano . . . tara na lang siguro sa garden,” anyaya ko dahil ang tagal magsimula ng party.

Nag-puppy eyes siya. “Are you sure?”

Tumango ako habang nakangiti, kaagad naman siyang tumayo kaya tumayo na rin ako, kaagad siyang kumapit sa braso ko kaya nailang ako. Lahat ng mga camera ay nakatutok na sa kaniya, nagsilapitan din sa amin ang ibang estudiyante.

Mukhang sikat yata siya. Hindi ko naman siya kilala dahil mukhang sa ibang department siya, saka hindi ko siya nakikita sa school.

“Hi, excuse us, please?” mahinahon na aniya sa lahat na kaagad namang sinunod ng mga ito.

Napalingon tuloy ako sa kaniya na may pagtataka. Mukhang may kakaiba sa babaeng ito.

“Hi, sorry for that,” paumahin niya.

Tumango lang ako. Tahimik kaming dalawa hanggang sa makapunta kami sa garden, presko ang hangin dahil gabi na rin.

“I know you have a question on your mind. I’m Jennica Hope Rever,” aniya kaya sandaling napaawang ang bibig ko. “Can you take off your mask, please?” Nag-puppy eyes na naman siya kaya walang-alinlangan kong tinanggal ang aking maskara.

“Pretty mo,” komento niya kaya nahiya ako.

“Kaano-ano ka ni Kiel? Kapatid ka ba niya?” tanong ko kaya sandali siyang natigilan.

“Cousin niya ako, pero bago tayo pumunta sa topic na ’yan. I want to introduce myself first. Model ako kaya ganoon na lang sila kanina.”

Napatango-tango ako, kaya naman pala halos pagpiyestahan na siya kanina. Model naman pala siya, kung model siya . . . bakit hindi ko man lang siya kilala?

“Uh . . .” pag-uumpisa ko.

“I want to talk to you, Yannie.” Sumeryoso ang kaniyang boses na siyang ikinalunok ko.

Jusko, sumeseryoso na lang siya bigla. Nakakakaba!

“Sige . . .”

“I know my cousin is courting you, pero want ko sana na kilalanin mo muna siya dahil I don’t to hurt you kapag sinagot mo na siya. Ayaw kong magsisisi ka.”

“A-Ano ba ang ibig mong sabihin?”

“Hindi mo pa kilala ang pinsan ko, Yannie. For me lang, huh? Hindi mo siya deserve.”

Napalunok na naman ako. Parang may ipinapahiwatig siya sa akin na hindi ko mapunto. At parang sinasabi niya na ayaw niya ako para sa pinsan niya. But why? Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin . . . pero bakit ganito na lang ang pakiramdam ko?

Bakit ayaw niya pa akong diretsuhin?

“There’s someone who deserve your love.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon