Chapter 31

26.7K 628 38
                                    


“I’m sorry, natagalan. Importante lang.”

Napatango na lang ako. Pinagmasdan ko si Kiel nang mabuti. Simula noong nakulong si Yasser ay naging kami uli, wala namang pagbabago sa kaniya. Naging sweet siyang muli kagaya noong kami pa.

“Um-order ka na?”

Tumango na lamang ako, ayaw kong nagdududa siya kahit na nagdududa na ako sa kaniya. At bakit naman ako magdududa? Pakiramdam ko kasi ay siya ang tinutukoy ni Jennica sa sulat na iniwan niya. May itinatago ba sa akin si Kiel? Mas malala ba ang itinatago sa akin ni Kiel kaysa kay Yasser? Pero kung mayroon man . . . ano naman iyon?

“Are you okay, sweetie?”

Napahawak ako sa bandang ulo ko nang bigla na lang itong kumirot. Bigla siyang napaalalay sa akin, may sobrang pag-aalala sa mukha.

“Umuwi na lang tayo.” Tumango siya at inalalayan ako sa paglakad. Pinagtitinginan na kami ng iba dahil nakahawak ako sa aking ulo habang naglalakad.

Bakit ba kasi hindi ko pa maalala ang lahat?

“You sure you are okay?”

Tumango ako. Nang makauwi kami ay kaagad akong humiga sa kama. Hinaplos ko ang umbok sa aking tiyan habang nakatingin sa kisame. Napangiti ako nang malapad.

Excited na si mommy na makita ka, baby. Labas ka na riyan, ha? Mahal na mahal kita, anak ko.

“Kiel,” pagtawag ko. “Kiel, nasaan ka? Kiel?” Paulit-ulit ko siyang tinawag pero walang sumasagot.

Pinilit kong makatayo. Napahawak ako sa balakang ko habang ang isang palad ko naman ay nakahawak sa aking tiyan, hinahaplos iyon. Pinilit kong maglakad nang maayos. Dahan-dahan akong naglakad paibaba sa hagdan, halos hingalin na ako. Gano’n daw talaga ang buntis. Mabilis nang hingalin at mapagod kaya ayaw akong napapagod ni Kiel.

“Kiel?” pagtawag ko sa kaniya sa kusina pero wala siya ro’n.

Nakarating ako sa garden pero wala rin siya roon kaya napanguso na lang ako at umupo sa may silya.  Hinaplos-haplos ko ang aking tiyan, may malawak na ngiti. Pakiramdam ko nga kambal ang nasa loob ng tummy ko kasi ang laki na kaagad kahit na three months pa lang naman. Ayaw ko pa kasing malaman kung ano’ng gender at kung ilan sila sa loob ng tummy ko. Baka nga kambal sila. Hirap na hirap na akong maglaka, nakapapagod. Napangiti na lang ako nang maalala ang gabing nag-isa ang aming mga katawan.

His moan. His breath. His groan.

Napatawa na lamang ako bigla nang may maalala ako noong mga bata pa kaming dalawa. Nam-miss ko na si Yasser. Miss na miss ko na siya pero kailangan niyang pagbayaran ang kasalanan niya, at saka masaya naman na ako kasama si Kiel at siyempre si baby. Nae-excite tuloy ako kung ilan sila sa loob ko at kung ano’ng gender.

“What are you doing here, sweetie?”

Ngumuso ako. “Kanina pa kita hinahanap pero wala ka naman e.”

“Sorry.” He chuckled and kissed my forehead. Kinuha niya ang isang silya na nasa kabila bago ako tabihan. Hinaplos niya ang tummy ko kaya napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kaniya. “Hi, baby. Labas ka na riyan.” Then he chuckled again.

Itinaas niya ang suot kong bestida bago hinalikan ang tiyan ko. Naging emosyonal ako sa simpleng ginawa niya kaya tinawanan niya ako.

“Iyakin.”

Nginusuan ko siya habang naiiyak na. “Thank you, Kiel. Thank you so much. I love you,” maramdaming sabi ko sa kaniya.

He smiled at me and kissed my lips. Hinalikan ko rin siya pabalik. Magaan ang halik niya hanggang sa lumalim pero bumitaw rin kaagad.

“I love you so much, Yannie. Thank you for coming back. Thank you, sweetie.” Ako naman ang hinalikan siya sa labi pero sandali lang.

Inalalayan niya na akong muli papasok. Hinayaan niya akong matulog pero hindi ako makatulog. Bumaba na naman siya dahil may kausap siya sa phone. Sino ba ang kausap niya? Bakit parang sobrang napakaimportante? Mas importante pa yata sa amin ni baby.

Nangalkal na lamang ako sa may drawer ko. May nakita akong isang album doon, pinagpagan ko muna. Umupo ako sa gilid ng kama bago buklatin iyon.

“Best friend forever. Walang iwanan.” Mahina akong tumawa matapos basahin ang nasa unang pahina. May pirma ko sa ibaba at pirma ni Yasser.

Ibinuklat ko ito at bumungad sa akin ang una naming pagkikita. Bata pa ako kami no’n. Nakasuot ako ng kulay pink na dress at headband, madungis ang mukha dahil sa mga chocolate. I was giggling at the picture, mukhang kinuhanan niya ako nang hindi ko alam.

I remember this. Unang pagkikita namin ito pero napakadungis ko. Eight years old yata ako nito.

“Hi, Yannie. Ang pangit mo.”

Mas tumawa ako sa sumunod na pahina. Picture kong muli iyon. Kung sa unang pahina marungis ang mukha ko, dito naman sa pangalawa ay mas marungis kasi pati ang suot ko ay marungis. Para akong pulubi sa picture.

“Napakasama mo talaga, Yasser.” Ngumuso ako.

Sa mga sumunod na pahina ay mga picture ko pa rin ang nandoon, pagkatapos may mga nakasulat sa ibaba. Halatang sulat-kamay ni Yasser. Puro epic ako sa picture kaya hindi ko maiwasan na mapasimangot.

“Our first date.” Napailing ako.

First date raw. Friendly date lang naman iyon, e. 12 years old na ako sa picture. May nakalagay na naman sa ibaba. Nasa isang parke kami ni Yasser. Kinukuha ko iyong lobo sa kaniya, pero dahil sa tangkad niya ay kinailangan kong talunin iyon. Nakasimangot ako sa picture habang nakatingala sa kaniya, si Yasser naman ay nakangiti, halatang nang-aasar.

“Sino kaya ang kumuha ng litrato na ito?” Hindi naman si Yasser.

Ipinagpatuloy ko pa ang pagbuklat hanggang sa may nakita akong sobreng kulay pink. Kaagad kong kinuha iyon at binuklat. Kinuha ko ang card sa loob at binasa kung ano man ang nakasulat.

When I first saw her, sobrang dungis niya pero cute siya. She’s giggling that time. May chocolate ang mukha. She was really cute in her pink dress with a headband on her head. Sa sobrang pagkamangha ko sa kaniya ay kinuhanan ko siya ng litrato nang hindi niya alam, and that day, I knew to myself that I was in love with her.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon