Chapter 22

27.9K 648 31
                                    


Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak noong araw na ’yon, umiiyak siya habang pinanonood kaming dalawa ni Kiel, pero ang katanungan sa isipan ko ay bakit siya naroon? Alam niya bang  nandoon kami ni Kiel? Sinusundan niya ba kaming dalawa?

Bakit niya naman kami susundan? O baka napa-paranoid na naman ako?

Gulong-gulo ako kaya ilang araw akong hindi nakatulog nang maayos dahil lang sa nakita kong ’yon.

“Hi, sweetie,” bati ni Kiel kaya inasar naman siya kaagad ng mga kaibigan niya. Ngumiti siya sa akin nang malapad pero hindi ko nagawang suklian ’yon.

“May call sign na kaagad!”

“Hindi pa naman sila!”

“Ano na ba ang label ninyo?” sabay tawa ng mga kaibigan niya.

Mukhang wala lang din sa kaniya ang mga sinasabi ng mga ito dahil mukhang natutuwa pa siya. “Paghihirapan ko muna siya bago ko makuha,” aniya sabay lingon niya ulit sa akin ng nakangiti pa rin kaya napangiti na lang ako nang maliit.

“Hatid na kita sa room mo.”

Tumango lang ako sa kaniya. Hinawakan niya muli ako sa aking baywang, nasasanay na siyang hawakan ako sa baywang, wala naman akong reklamo dahil nakakahiya kung magrereklamo ako sa kaniya at mag-iinarte. Noong pinayagan ko siyang manligaw sa akin ay wala akong doubt, pero ngayon ay nagdadalawang-isip ako at tinatanong ang sarili kung tama bang hinayaan ko siyang ligawan ako.

Ang weird ko.

“Sunduin kita mamaya,” aniya kaya tumango na lang ulit ako, bigla niya akong hinalikan sa noo na siyang ikinatigil ko.

Hinalikan niya rin ako sa labi pero sandali lang dahil tumakbo na siya palayo. Nag-flying kiss pa nga siya sa akin. Napangiti na lang ako bago pumasok sa room.

“Uy, sila na!” pang-aasar nila sa aki na hindi ko na lang pinansin at umiling na lang.

Nawala lang ang ngiti sa labi ko nang maalala na naman si Yasser. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita kaya nag-aalala na ako. May something talaga sa kaniya na hindi ko malaman, hindi naman kasi ako magaling mag-observe kaya hindi ko mabasa si Yasser.

Sumapit ang recess at pumunta ako sa building nina Yasser. “Hindi ko siya napansin, e . . . .”

Tumango ako. “Sige, salamat . . .” mahinang sagot ko.

Tumango siya at umalis na sa harapan ko. Hindi ko na mabilang kung ilan na ba ang natanungan ko pero iisa lang naman ang naisagot nila sa akin.

Saan ko ba siya hahanapin?

Pinagtitinginan na rin ako ng ilan, halata naman kasing hindi ako rito sa building nila. “Jomar!” sigaw ko.

Napalingon naman sa akin si Jomar at mabilis na lumapit. I know him, isa siya sa mga kaibigan ni Yasser. “Bakit, Yannie? Naligaw ka yata rito sa building namin.” Pawisan pa siya, mukhang galing sa pagba-baskettall.

“Uh . . . Itatanong ko lang sana kung nasaan si Yasser?” Kumunot ang noo niya kaya nagtaka ako.

“Hindi mo ba alam?” tanong niya kaya naguluhan ako.

“A-Ang alin?” tanong ko pero nag-iwas siya ng tingin, halatang ayaw niya nang ituloy ang kaniyang sasabihin.

May itinatago ba siya? O baka alam niya kung nasaan si Yasser?

“Ilang araw ko na kasing hindi nakikita si Yasser . . .” mahinang wika ko. “B-baka alam mo k-kung na—”

“Nasa hospital siya . . .” putol niya sa sasabihin ko.

Naitikom ko ang aking bibig at ilang beses napakurap, at hindi namalayan na wala na pala siya sa harapan ko.

Pero . . . ano? Nasa hospital si Yasser? Ano’ng ginagawa niya ro’n?

Akmang tatakbo na sana ako namg may maalala, hindi ko alam kung saang hospital! Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin kung saang hospital? Tumakbo na lang ako, pinagtitinginan pa ako bawat madadaanan ko.

“Sweetie—”

Hindi ko pinansin si Kiel, patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapadpad na ako sa labas ng gate. “Kuya!” pumara kaagad ako ng taxi at mabilis sinabi sa driver ang pangalan ng ospital.

Hindi ako sure kung nandoon ba siya, pero malakas ang pakiramdam ko.

“Keep the change po.” Mabilis na akong tumakbo papasok ng ospital, muntik pa akong harangin ng guard.

“Yes, Miss?”

Nagkagat-labi muna ako, habol ang hininga. “Yasser po . . . Sollano . . .”

She nodded. “Room 07, Miss.”

Nagpasalamat ako at kaagad na hinanap ang Room 07. Wala akong inaksayang oras at kaagad na hinanap ang Room 07 na kaagad ko namang nakita. Dahan-dahan akong naglakad papasok, nakita ko na kaagad siya na nakahiga habang ang isang braso ay nasa kaniyang noo.

“Yasser . . .” sambit ko kaya mabilis siyang napalingon sa akin pero umiwas din.

Pakiramdam ko talaga ay iniiwasan niya ako nitong mga nakalipas na araw na hindi ko siya nakita. Wala naman akong alam na kasalanan sa kaniya para iwasan niya ako.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa noo, napakagat na lang ako ng labi dahil napaso ako sa kaniyang init. Nag-iwas siya ng tingin habang ako ay napatitig sa kaniya at hindi alam ang gagawin.

“Uh . . .”

“Ano ang ginagawa mo rito? Kasama mo ba si Kiel?” tanong niya kaya mas napakagat ako ng labi.

“H-Hindi ko siya kasama, bakit hinanap mo—”

“Iwan mo na ako rito, baka hinahanap ka ng manliligaw mo,” aniya sabay ngiti niya nang mapait.

Kahit na tumalikod siya ay nakita ko ang mapait niyang ngiti. May pakiramdam talaga ako na may problema siya pero hindi niya sinasabi sa akin, sa tagal naming mag-best friend na dalawa ay kilala ko na siya. Alam ko kung may problema siya o nagsisinungaling.

“Yasser, may problema ba? M-May problema ka ba sa akin? May problema ba tayo?” lakas-loob na tanong ko.

Napalingon naman siya sa akin kaya ako naman ang nag-iwas ng tingin habang kagat-kagat ang aking labi nang mariin. “Bakit naman tayo magkakaproblema?” mahinahon na tanong niya.

Nangapa naman ako ng isasagot. “Uh . . . pakiramdam ko kasi may problema tayo . . .”

Nakaiwas lang ako ng tingin habang siya naman ay nakatitig sa akin. “Pakiramdam mo pala, e, mabuti na lang at nararamdaman mo . . .”

Napahinga ako nang malalim. “Sabihin mo sa akin kung ano ang problema natin nang maayos ko . . .” Hindi kasi ako sanay na umiiwas ka sa akin at malayo ka sa akin. Gusto kong sabihin sa kaniya ’yon pero wala akong lakas ng loob.

Umiling siya na aking ipinagtaka. “Kung sasabihin ko ba ang gusto ko gagawin mo?” hamon niya.

“Kung kaya ko . . .” Maliit ang aking boses.

“Bastedin mo si Kiel. Kapag nagawa mo hindi na kita iiwasan.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon