Chapter 19

29K 689 119
                                    


Tumawa ako nang mahina. Pati ba naman siya ay pinapatawa ako? Una si Kiel, pagkatapos ngayon naman ay si Yasser. Ano ba naman ang araw ko ngayon? May dalawang taong mapantrip.

“Ganda ng joke mo!” Peke akong tumawa.

Abot sa lalamunan ang kabang nararamdaman ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nagrarambulan. Nagkakarerahan sa sobrang bilis. He loves me? Really? He loves me? Iyan na yata ang pinakamagandang biro na narinig ko tanang buhay ko.

“I love you, Yannie. I love you so much.”

Napapikit ako saglit. Ang kaninang emosyon na pinipigilan ko ay lumabas na. Nahampas ko ang lamesa niya. Wala naman siyang reaksyon kung hindi gano’n pa rin.

“Question again, Yasser. Ikaw ba talaga ang taong iyon?” Hindi siya umimik. Nanlisik na ang mga mata ko, kumuyom na ang aking mga kamao ko. “Ikaw ba ang taong lasing na nakasakay sa kotseng ’yon? Ikaw ba, huh? Ikaw ba ang nakabungguan namin? Ang nakabunggo sa amin? Ikaw ba? Answer me, Ya—”

“Yes, Yannie. I was.”

I slapped him. Hard. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung ano’ng nararamdaman ko, galit ba o ano. I don’t know. I wanted to cry. Hindi ko akalain na ang taong matagal kong nakasama ang taong dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Hindi na biro ang lahat ng ito dahil totoo na. Wala nang biro.

Naging gripo ang mga luha ko. “B-Bakit? Bakit ka tumakas? Bakit nagbayad kayo? Porke mapera kayo, huh? T*ngina naman, Yasser! Ikaw ang nakaaalam ng sakit na nararamdaman ko simula noong nawala ang mga magulang ko!” Dinuro ko siya. “You know my pain! Pero, t*ngina! Ikaw pala ang dahilan ng pagkawala nila! P*tangina mo!” Hindi ko na mapigilan na isigaw, walang-pakialam sa makaririnig sa akin, kung maririnig ako. Ang gusto ko lang ay ilabas ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.

T*ngina, ang sakit. Sobrang sakit!

“Hate me. Punch me. Slap me.”

Nanlilisik na naman ang mga mata kong tiningnan siya. “Higit pa riyan ang gagawin ko sa ’yo! Ipakukulong kitang hayop ka! Mamatay-tao ka!” I shouted again.

Mapait siyang ngumiti, may halong sakit. Bakit siya masasaktan? Dahil ba sa mga nasabi ko sa kaniya? Kulang pa nga ang mga salita ko, e. Pinagmukha niya akong t*nga!

“Call the police now. I’m ready to go to jail.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya, nakatitig lang siya sa akin. Ang daming emosyon sa mukha niya pero isa lang ang nangingibabaw . . . sakit.

“Ready your attorney. Ipakukulong talaga kita. Wala akong pakialam sa mga pinagsamahan natin.” Alang-alang sa pamilya ko. Alang-alang sa hustisya na gusto kong makamtam na dapat matagal ko nang nakuha.

Without saying anything again. I left him. Hurt. I’m hurting too. Mas masakit pa nga ang nararamdaman ko, pero sa sakit na nararamdaman ko ay may tumatak sa akin: ang mahal niya ako. Tumawa ako nang mahina. Mahal niya ako dahil baka ayaw niyang makulong o kaya naman ay gusto niya lamang bilugin ang utak ko.

Ano’ng akala niya sa akin? T*nga? Ang tagal niya akong pinagmukhang t*nga! Ang tagal niya akong niloko, pagkatapos ganoon? Kailangan niyang mabulok sa kulungan.

“Swee—”

Nanginginig ang katawan kong niyakap siya. Mas tumindi ang galit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang kumalma, gusto ko pang ilabas lahat ng daing at hinanakit ko sa kaniya. Niloko ako! Iyan ang alam ko. Ginawa akong tanga ni Yasser! B*b*! Uto-uto!

“Calm down, sweetie. Calm down, okay?” He hugged me. Hinahagod niya ang likod ko habang hinahalikan ang ulo ko.

Niyakap ko lang siya nang mahigpit, umiiyak sa kaniyang dibdib. Inilabas ko ang sakit na nararamdaman. Sobrang sakit. Hindi ko inaasahan na lolokohin ako ni Yasser. Maiintindihan ko naman kung sinabi niya sa akin una pa lamang, ngunit pinatagal niya, e. Pinatagal niya pa kaya ito ngayon ang kinahinatnan.

“Just calm down, okay? Huwag ka masyadong padal—”

“Hindi, Kiel. Buo na ang desisyon ko. Ipakukulong ko siya, at sinabi niya naman na handa na siyang makulong,” mariing saad ko.

Nanginig na naman ang mga kamay kong hinawakan at hinalikan niya. Gano’n na lamang ang pagtitig ko sa kaniya nang may kakaiba akong naramdaman. Bumibilis ang kabog ng aking dibdib na kay Yasser ko lamang nararamdaman. Bakit nararamdaman ko ito sa kaniya?

He kissed the back of my hand. “I love you, sweetie. Hindi na ako makapaghintay na bumalik ka sa akin,” he whispered, pero sapat na para marinig ko iyon.

There’s something wrong that I can’t explain, pero alam ko sa sarili ko na malaki ang parte niya sa buhay ko.

“Who are you? Sino ka sa buhay ko?” I asked.

He smiles at me. “You will know soon.”

I sighed and just nod at him, resting my head on his shoulder. Inakbayan niya naman ako. I don’t know who he is in my life, pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya.  Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ito, pero kung ano man ito ay mas mabuti na iyon kaysa sa taong niloko ako. Kung mahal niya ako, the feeling is mutual because I love him too. Mabuti na nga lang at hindi ko sinabi sa kaniya dahil may malaking itinatago at kasalanan pala siya sa akin.

Bakit, Yasser? Bakit mo itinago sa akin? Bakit mo itinago ang gusto kong malaman? Bakit?

There are lots of questions on my mind for him, pero dahil napangunahan ako ng takot ay iilan lang ang nasagot sa mga katanungan ko.

“I’m sorry to ask this again. Sure ka na bang ipakukulong mo siya? Mag-isip ka, Yannie. Alamin mo ang side niya. Huwag kang pangunahan ng galit mo.” May point siya.

I sighed. Ipinalibot ko ang mga braso sa baywang niya. He kissed the side of my head. “Mas mabuti nga siguro,” wika ko. Hinarap ko siya. I smiled at him. “Thank you, Kiel.” And then I kissed him on his lips.

Bahagya pa siyang nagulat, pero kinabig niya ako at hinalikan pabalik. Magaan ang halik niya hanggang sa naging malalim iyon. Napahiwalay na lamang kami nang bumukas ang pintuan ng condo niya.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon