My Dream Boyfriend - Synopsis

11.3K 235 31
                                    


Dream boyfriend ni Bettina si Carlo. Ito ang crush niya since highschool at sinundan niya rin ito sa university'ng pinapasukan ng lalaki nang magkolehiyo.


Pangarap niyang makapagtapat dito ngunit ipinagtatabuyan siya nito. Nang mabigyan naman siya ng chance ay siya namang pagdating ng isang lalaking hindi niya kilala at palaging nakasulpot sa tabi niya. Palagi itong nang-aasar ngunit palagi namang dumadating kapag kailangang-kailangan niya ng makakaramay.


Hanggang sa isang araw nalaman na lamang niyang nag-iba na ang ihip ng hangin at bumaliktad na ang mundo. Napamahal na sa kanya si Carlo habang siya'y nahuhulog na ang kalooban sa iba.


Ano kaya ang mas mananaig sa puso niya? Ang lalaking matagal na niyang pinapangarap o ang lalaking bigla na lang niyang pinangarap na maging boyfriend niya?


Ito ang istoryang magbibigay katotohanan sa panaginip na matagal mo ng inaasam. Alamin natin ang kwento ni Bettina at ang kanyang Dream Boyfriend.

- -- -- --- ---

This is a work of fiction. Characters and events are all products of author's imagination. No specific person's story is used with this one.

Enjoy Reading.

My Dream Boyfriend. Copyright 2015. All Rights Reserved by Skittygems.

My Dream BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon