Chapter 1-Introducing Characters

312 72 172
                                    

Sa isang napakaaliwalas at tahimik na umaga, isang malakas na maingay ng dalawang taong nag-aaway ang naririnig mula sa ibaba ng kanyang kwarto. Si Emily, ay nakahiga sa kanyang kama, at nagising siya sa ingay ng mga ito. Dahil sa ingay ito, tumayo si Emily sa kanyang kama, tsaka dahan-dahan siyang lumabas mula sa kanyang kwarto at maingat na naglakad pababa ng hagdan.

Habang papalapit siya sa pintuan ng kusina, lalong lumalakas ang ingay na kanyang naririnig hanggang sa naging malinaw sa kanyang pandinig ang pagtatalo ng dalawang tao. Kaya nagtago siya mula sa likod ng pintuan upang pakinggan ang mga nagtatalo sa kusina.

Lalaki: "LUCILE! Bakit hindi ka nagising ng maaga para magluto ng agahan?!"

Lucile: "Sorry, Honey! Napasobra ang tulog ko! H-Hindi ko sinasadya na magising ng late! Tsaka sobrang napagod din ako sa mga gawaing-bahay kahapon!"

Lalaki: "Hindi mo ba alam?! Mayroon akong appointment sa aking kliyente ngayon! At ayokong pumunta sa trabaho ng walang laman ng aking tiyan! Kaya lutuin mo na ang ulam nang MAKAALIS NA AKO!"

Nilakasan ni Lucile ang apoy sa stove at mabilis niyang niluto ang kanilang agahan. Malungkot at tahimik naman nakikinig si Emily sa likod ng pinto ng kusina at napag-alaman niyang ang ate niyang si Lucile at ang boyfriend nitong si Ramon ang nagtatalo.

Nang matapos maluto ni Lucile ang kanilang agahan, agad kumain si Ramon at nagreklamo pa ito sa lasa ng pagkain.

Ramon: "Ano ba eto?! ADOBO?! NAPAKAALAT!"

Lucile: "Eh pasensya na Honey! Hindi ko natantya yung nailagay kong asin sa mechado! Pinagmamadali mo kasi ako!"

Ramon: "Hindi mo natantya?! Sinasadya mo naman ata?!"

Lucile: "Pasensya na talaga! Hindi ko nga sinasadya!"

Hanggang sa naubos ang pasensya ni Ramon at tumayo ito sa mesa tsaka niya sinigawan si Lucile habang dinuduro niya ito sa kanyang ulo.

Ramon (angry): "PINAGTATAASAN MO BA AKO NG BOSES HA?! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, NAKIKITIRA LANG KAYO NG KAPATID MO SA PAMAMAHAY KO! KUNG HINDI MO AKO NAKILALA, HINDI MAKAKAPAG-ARAL SA ISANG MATINONG ESKWELAHAN ANG KAPATID MO! KAYA MATUTO KANG GUMALANG SA TAONG SUMUSUPORTA SAYO!"

Napaluha namang nakikinig si Emily sa likod ng pinto ng kusina habang nagagalit si Ramon at pinagsasabihan ang kanyang ate. Hanggang sa nagsalita muli si Ramon.

Ramon (irritated): "MAKA-ALIS NA NGA, KAHIT KAILAN! WALA KANG TALAGA KWENTA!"

Sa sobrang galit, kinuha ni Ramon ang kanyang business bag sabay padabog ng umalis ng kanilang bahay nila.

Pagka-alis ni Ramon, mabagal na naglalakad si Emily papasok sa kusina at nilapitan ang kanyang ate.

Emily (crying): "Ate ayos lang po ba kayo?"

Lucile (sniffs): "Oo, Emily. Ayos lang ako."

Emily (crying): "Ate? Hindi ba niya kayo sinaktan?"

Lucile: "Huwag kang mag-alala. Hindi niya ako sinaktan. Tsaka, kita mo naman. Wala ka naman nakikitang galos sa aking mukha, hindi ba?"

Emily (sniffs): "Ate? Bakit kailangan pa nating manatili sa kanya? Puwede naman tayong umalis kung gugustuhin man natin, hindi po ba?"

Sandaling hindi kumibo si Lucile ng marinig niya ang katwiran nito. Hanggang sa nagsalita pang muli si Emily.

Emily: "Kung hindi lang sana naaksidente sina Itay at Inay, siguro maayos pa ang buhay natin hanggang ngayun at hindi tayo nakikitira sa kanya."

Matapos itong sabihin ni Emily, naalala ni Lucile kung gaano kasaya at maayos ang estado ng kanilang pamilya bago maaksidente ang kanilang ng mga magulang sa karambola ng mga sasakyan, dalawang taon ang nakakaraan.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now