Chapter 38- Pagkulong

62 21 76
                                    

Kinaumagahan, pumunta sa Eskwelahan ang lahat ng mga estudyante kasama ang kanilang magulang upang mag-rally at pigilan si Ramon sa pagpapasara ng Eskwelahan. Ngunit, pagdating nila, nadatnan nilang nakabantay sa Gate ang ilang mga pulis kasama si Ramon at ang kanyang Boss sa trabaho.

Maya't maya, dumating ang Founder sakay ng Honda Civic para pakiusapan muli si Ramon na huwag ituloy ang pagpapasara sa Eskwelahan.

Ngunit, pinag-initan ito ng mga dumalong mga magulang ng makita nilang nasa loob ng kanyang sasakyan.

Parent Man1 (irrirated): "Hoy!! Mr. Seladona! Napakawalang hiya mo! Pinagbayad mo pa kami ng mahal na Tuition ng mga anak namin tapos ipasara mo lang pala ang Eskwelahan!"

Parent Woman1 (annoyed): "Oo nga!! Dapat ibalik mo yung sobrang pera na ibinayad namin sayo!!"

Founder (begging): "Nagkakamali po kayo! Wala po akong planong ipasara ang Eskwelahan! Nandito pa nga po ako para makiusap na huwag nang ipasara ang ating School!"

Matandang lalaki (irrirated): "Sinungaling! Nandito ka lang para kunin ang natitirang pera na itinatago mo!!"

Young Man Parent1 (annoyed): "Tama si Manong! Baka pumunta lang dito yan para kunin ang natitira niyang ini-scam na pera mula sa atin!!"

Young Man Parent2 (cold tone): "Lahat kayo!! Baliktarin natin ang kotse niya!!"

Founder: "Te-Teka! Sandali! Huwag niyong gawin-! AAAHH!!"

Sa galit ng mga magulang sa Founder, pinagtulungang inuga ng ilang mga kalalakihan ang kotse ng Founder at pilit siyang pinapalabas mula sa kotse. Hanggang sa bumaliktad na ng tuluyan ang kanyang sasakyan.

Matapos mabaliktad ang kanyang kotse, lumabas ang Founder mula sa bintana ng kanyang kotse.

Ngunit, kinuyog naman siya ng mga galit na magulang ng mga estudyante. Nanonood naman sa di kalayuan ang kadadating lang na sila Emily, Nina kasama ang Nanay nito, at si Mrs. Sarmiento.

Mrs. Samiento: "Hay.....yan tuloy napala mo Mr. Seladona. Panigan mo pa kasi yan Agent na yan. Nabaling tuloy sayo lahat ng sisi."

Nina: (Buti nga sayo, Panot. Wala ka kasi sa katwiran. Ibigay pa talaga si Emily bilang kapalit na bayad sa utang ng School. Kaya yan din ang karma sayo.)

Aling Saling: "Ma'am, yung lalaking nakasuot ng Beige na Tuxedo na nasa tabi ng pulis, siya po ba yung sinasabing Ahente na pinagkakautangan ni Mr. Seladona?"

Mrs. Sarmiento: "Opo. Siya po yun."

Aling Saling: "Kung ganon, sino po yung matandang nakapusturang lalaki na naka itim na tuxedo?"

Tinignang mabuti ni Mrs. Sarmiento ang lalaking tinuturo ng nanay ni Nina. Ngunit walang ideya si Mrs. Sarmiento kung sino ang lalaking nakatayo mismo sa gitna ng Gate.

Hanggang sa dumating si Sir Joey at nakisali sa pinag-uusapan nina Mrs. Sarmiento at ng nanay ni Nina.

Sir Joey: "Good morning po, Ma'am. Ang aga niyo po ata ngayon."

Mrs. Sarmiento: "Oo, Sir. Kailangan para malaman natin kung ano ang mangyayari sa School natin."

Emily: "Good morning po, Sir."

Nina: "Good morning din po."

Sir Joey: " Good morning din. So, Ma'am? Ano na po ang nangyayari?"

Mrs. Sarmiento: "Sa ngayon, kinukuyog lang naman ng mga galit na parents ang ating Founder. Habang pinagtatawanan naman siya ng mga pinagkakautangan niyang tao sa kabilang Gate."

Dahil sa usapan ito ng mga matatanda, tahimik lang na nakikinig sina Emily at Nina sa pinag-uusapan ng tatlo.

Tiningnan naman ni Sir Joey ang mga nagkukumpulang mga magulang na kumukuyog sa Founder ng kanilang School. Napangisi na lang si Sir Joey at tinanong si Mrs. Sarmiento.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now