Chapter 12- Random Things

99 41 154
                                    

Matapos ang Intramurals sa Seladona Junior Science High School, nakauwi rin si Emily sa kanilang bahay.

Pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay, nadatnan niyang naghahanda ng hapunan ang kanyang ate na si Lucile.

Emily: "Good evening, Ate!"

Lucile: <cough> <cough> "Good evening din, bunso."

Emily: "Ate, kamusta na po ang pakiramdam po ninyo?"

Lucile: <cough> <cough> "Eto bunso, medyo hindi pa rin gumagaling yung ubo ko."

Emily: "Ate kung gusto niyo po, ako na lang magluluto ng hapunan natin. Para naman makapagpahinga na po kayo."

Lucile: "Emily, okay lang ako. Ang mabuti pa, magpalit ka na lang ng damit mo para makakain na rin tayo ng hapunan."

Emily: "Opo, ate."

Pagdating ni Emily sa kanyang kwarto, inalis niya ang kanyang suot na uniform, at isinuot ang damit pambahay.

Pagkatapos niyang magbihis, agad siyang bumaba para kumain ng hapunan.

Saktong pagkatapos magluto ng hapunan ni Lucile, tinawag nito ang kanyang mga kasama sa bahay, kabilang na si Ramon na nanonood ng TV sa sala.

Tsaka sila umupong ang tatlo sa mesa upang kumain ng hapunan.

Ngunit sa hindi inaasahang na pangyayari, muling nagreklamo na naman si Ramon sa hapag.

Ramon: "Ano ba etong sinigang baboy na niluto mo?! Napaka-asim!"

Lucile: "Sorry, honey. Kasi hindi ko kasi malasahan yung niluluto ko."

Ramon: "Magluluto ka na nga lang ng ulam!! Napaka-asim pa! Marunong ka ba talagang magluto o hindi?! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano ka magluto ha?!"

Lucile: "Pasensya ka na honey. Hayaan mo, papalitan ko na lang yung ulam mo ng bago."

Ramon (irrirated): "Anong papalitan?!! Huwag mo nang palitan dahil lagi ka naman palpak sa pagluluto! Wala ka na bang alam na matinong gawin sa buhay mo?!"

Lucile: "Sorry na honey. Please huwag ka naman magalit sa akin! Kung gusto mo ako na lang kakain yan."

Tahimik at masama naman ang loob ni Emily sa kanyang mga naririnig mula kay Ramon at patuloy na lang siya sa pagkain. Hanggang sa tuluyan nang nagalit at nawalan ng gana sa pagkain si Ramon.

Ramon (angry): "ALAM MO, WALA NA AKONG GANANG KUMAIN! WALA KA NANG GINAWANG MATINO! AT LAHAT NA LANG NG GINAGAWA MO, AY PURO PALPAK!"

Lucile: "Pasensya ka na sa akin honey, kung palagi kitang ginagalit. Kasi hindi ko naman ginusto na magkasakit ako ngayon."

Ramon: "So ano gustong mong palabasin, Lucille?! Na ikaw palagi ang tama at ako ang palaging mali?!"

Lucile: "Wala naman akong sinabi na ako yung tama palagi! Tsaka ang sinasabi ko lang, kung ano ang nararamdaman ko ngayon?!"

Hanggang sa naubos ang pasensya ni Ramon at tumayo ito sa mesa tsaka niya sinigawan si Lucile habang dinuduro ang ulo nito.

Ramon (yelling): "PINAGTATAASAN MO BA AKO NG BOSES HA?! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, NAKIKITIRA LANG KAYO NG KAPATID MO SA PAMAMAHAY KO! KUNG TALAGANG KAYA NIYO NANG GUMASTOS NG MALAKI PARA SA RENTA NG IBANG BAHAY AT AYAW MO NA SA LIBRENG PAGPAPATULOY KO SA INYO DITO?! PWES, LUMAYAS NA KAYONG DALAWA NG KAPATID MO! NGAYON DIN MISMO!"

Nabigla at sandaling napaisip si Lucile sa sinabi ni Ramon, hanggang sa naisip niyang magmakaawa rito upang huwag ituloy ni Ramon ang plano nitong pagpalayas sa dalawang magkapatid.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now