Chapter 47- Activities

31 16 23
                                    

Kinabukasan, maagang umalis sila Mark, Lucile at Amelia matapos nilang mag-agahan at pagka-alis ng pulang Ford, nagluto ng pagkain para sa tanghalian sila Lola Delia, Emily at ang kanyang mga kaibigan.

Agad nilang sinimulan ang unang araw ng kanilang Outing sa pagpunta sa isang Beach Resort, di kalayuan mula sa kanilang tinutuluyan na Vacation house.

Pagdating sa naturang Beach Resort, agad binayaran ni Lola Delia ang renta sa Cottage, Swimming fee sa Swimming Pool, at mga inorder na mga inumin, tsaka sila nagpunta sa kanilang Cottage para ibaba ang kanilang mga dalang gamit.

Emily: "Lola Delia, ang lawak naman po ng Cottage na nirentahan niyo."

Nina: "Oo nga po."

Lola Delia: "Para kasi sa ating lahat ang Cottage na ito. Tsaka hindi tayo magkakasya sa upuan pagdating ng pananghalian kapag maliit lang ang kinuha kong Cottage. Kaya itong malaki na lang ang pinili ko."

Daniel: "Ngayong nandito na tayo sa Cottage, ano ang plano nating gawin?"

Allen: "Eh di kumain agad!"

Allan: "Oo nga!"

Ruby: "Anong nangyari sa dalawang to? Ba't parang nagkapalit ng papel sa buhay ang magkapatid na ito?"

Claire: "Ba't mo naman nasabi, Ruby?"

Ruby: "I just observed na panay ang sagot ni Allan ng "Oo nga" imbes na si Allen."

Allen: "Ay...Oo nga noh? Bakit kaya?"

Allan: "Oo nga!"

Althea: "Kung anuman ang naging dahilan, wala na kaming pake!"

Axel: "Anyway, Ba't di natin tanungin si Kit kung ano ang gusto niyang gawin? Total siya ang nag-imbita sa atin sa Outing natin ngayon."

Napatingin ang mga magkakaibigan kay Kit at naghihintay ang mga ito sa kung ano ang kanyang sasabihin.

Pero kahit din si Kit ay wala din ideya sa kung ano ang dapat nilang gawin para sa kanilang Outing.

Kit: "Kung gusto niyong maligo, maligo na kayo sa pool."

Isaac: "Ano?! Yan lang ang naisip mong plano?"

Nina: "Inimbitahan mo kami para mag-outing tapos yan lang ang gagawin natin?"

Kit: "Hindi naman sa ganon. Pero ayoko naman na lagi kayong sumusunod sa kung ano ang gusto kong gawin sa araw na ito."

Emily: "Bakit? Ano ba ang gusto mong gawin, Kit?"

Sandaling nanahimik si Kit dahil nag-iisip pa ito sa kung ano talaga ang nais niyang gawin sa kanilang Outing.

Hanggang sa sumali sa usapan si Lola Delia at naisip na ipakita ang Brochure na kanyang nakuha kaninang nagbabayad ito ng renta sa Cottage.

Lola Delia: "Mga Iho't Iha, ano kaya kung tingnan niyo na lang dito sa Brochure ang gusto niyong gawin sa araw na ito? Para naman makapagdesisyon kayo sa kung ano ang plano ninyong gawin."

Allan: "That's a Shiny idea, Lola!"

Allen: "Oo nga!"

Kit: "Mabuti pa nga kung tumingin tayo ng Services offered na nakalagay dito sa Brochure. Salamat po sa tulong, Lola."

Lola Delia: "Walang anuman, Apo. Ayoko naman kasi na wala kayong pagkaka-abalahan sa araw na ito."

Althea: "Oo nga po pala, Lola. May naisip na po ba kayong pagkaka-abalahan ngayong araw?"

Lola Delia: "Kung ako ang tatanungin, siguro hihilata muna ako dito sa cottage tapos magswiswimming, tsaka ako pupunta sa Massage area para magrelax."

Allan: "Massage area?"

Silent WaltzOù les histoires vivent. Découvrez maintenant