Chapter 36- Kidnapping

63 24 56
                                    

Kinabukasan, maagang dumating sina Emily at Nina sa kanilang paaralan. Maaga din dumating ang mga kaibigan ni Emily na sila Althea, Daniel at Isaac.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng dalawang babae, patuloy pa rin sa pagbabantay si Kit at nagmamatyag lang sa labas ng bintana ng kanilang Eskwelahan.

Pero dahil na rin sa sinabing ipinangako ni Kit kay Emily na lulubayan na ito, minabuti niyang huwag na munang magpakita para hindi isipin ni Emily na binabantayan pa rin niya ito.

Ilang minuto ang lumipas, dumating sina Axel at Claire na magkasamang pumasok sa loob ng Classroom at hindi pa rin pinansin ni Emily ang dalawa.

Pero napansin ito ni Kit at hinala niya, hindi pa rin mapatawad ni Emily ang kanyang Ex-Boyfriend at ang isa sa matalik niyang kaibigan.

Kit: (Ayos ka rin, Emily. Hindi mo talaga kayang patawarin ang dalawang iyan? Hmmm... Kung pagbatiin ko kaya kayong tatlo? Pero kailangan ko munang maghanap ng magandang timing.)

Maya't maya, agad nagsi-pwesto at umupo sa kanilang mga upuan ang mga Estudyante, kasama ang mga grupo ni Emily, matapos silang sabihan ng isa nilang kaklase na paparating na ang kanilang guro.

Tahimik na naghihintay ang mga estudyante sa pagdating ng kanilang guro na si Sir Joey, nang mapalingon si Emily sa kanyang likod para tignan ang pinakadulong upuan kung dumating na si Kit.

Ngunit naaktuhan niyang nakita na lumundag at mabilis na pumasok sa bintana si Kit sabay upo sa kanyang upuan.

Emily: (Grabe ka Kit. Ganyan ka pala pumasok sa Classroom. Ngayon, alam ko na kung paano ka sumusulpot nang hindi namin napapansin.)

Hanggang sa dumating ang kanilang guro na si Sir Joey. At gaya ng dati, muli na namang nagkaroon ng announcement ang kanilang guro.

Sir Joey: "Okay, Class. TAHIMIK!"

Student Boy1: "Sir kanina pa po-"

Sir Joey: "Sabing TAHIMIK!"

Hindi na kumibo pa ang makatwirang kaklase nila Emily at nagpatuloy sa kanyang iaanunsyo ang kanilang guro.

Sir Joey: "Class! Mamayang hapon, magkakaroon ulit ng Faculty meeting ang lahat ng mga Teachers. At ayoko na rin magtago pa ng sikreto sa inyo sa kung ano ang pag-uusapan naming mga Staff ng eskwelahan na ito? Kaya makinig kayo.."

Nagbulungan ang mga Estudyante sa kung ano ang sinasabing "sikreto" ng kanilang guro. Maya't maya, nagsalita na ito.

Sir Joey: "Guys, makinig. Seryoso ito. Kung naalala niyo, Last Year, panay sa paglilibot ang ating School Principal sa ating Eskwelahan, hindi ba? At kung napapansin din ninyo, biglang nawala na parang bula ang ating Principal, pagkatapos ng Intramurals. Tama?"

Napasabi ng "Opo" at "Yes, Sir" ang ilan sa mga Estudyanteng nakapansin sa biglang pagkawala ng kanilang School Principal.

Hanggang sa naiinis na inanunsyo ng kanilang guro ang tunay na dahilan.

Sir Joey: "Guyz, ang dahilan kung bakit nawawala ang ating School Principal ay dahil sa nag-abroad lang naman siya dala ang lahat ninakaw niyang pondo ng ating Eskwelahan!"

Nagulat ang lahat ng mga estudyante sa sinabi ng kanilang guro at nagtanong ang ilan sa mga ito.

Nina: "Si-Sir! Seryoso po ba kayo?!"

Althea: "Ninakaw ang pondo ng School?!"

Daniel: "Sinasabi ko na nga ba?! Kurakot nga yung Principal natin!"

Isaac: "Daniel, kailan mo pa nalamang kurakot yung Principal natin?!"

Daniel: "Siyempre, Isaac! Noong Last Year! Maliban sa Tuition Fee, naniningil pa siya ng sobrang mahal na Library Fee!"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now