Chapter 15-Paghahanap sa Kahoy

99 38 114
                                    

Matapos sabihan ang estudyante ng 10-A ng kanilang guro, tungkol sa pagtutulungan ng bawat isa, nagsimula sa paghahanap ng mga sanga ng kahoy sa gubat ang Grupo ng mga lalaki na sila Axel, Daniel, Edward at Isaac. Kasama na ang kambal na sina Allan at Allen. Sa paghahanap nila, napansin nilang hindi mahanap sa paligid si Kit na siyang naunang umalis upang maghanap ng mga kahoy na panggatong.

Isaac: "Guys! Napansin niyo ba? Parang wala dito sa gubat si Kit."

Edward: "Oo, napansin ko nga din. Dapat nandito siya sa lugar na kinalalagyan natin at tumutulong sa atin."

Daniel: "Hay.....Ba't pa kayo mag-aabalang hanapin ang lalaking yun?! Eh alam niyo namang hindi madaling basahin ang itinatakbo ng utak nun!"

Edward: "Daniel, ang sabi kasi ni Sir, dapat nagtutulungan tayong lahat sa ginagawa nating paghahanap ng mga kahoy na panggatong. At dapat tumutulong din siya sa atin."

Daniel: "Oo nga, Edward. Nakuha ko ang punto mo. Pero alam mo naman si Kit. Hindi siya maintindihan ng kung sinong tao sa School? At lagi siyang nagsosolo sa sarili niya. Kaya anong maasahan mo sa kanya?"

Sandaling pinag-isipan nina Edward at Isaac ang sinabi ni Daniel at naisip nilang tama din ang kayang punto. Nakisali na rin si Axel sa usapan matapos marinig ang pinag-uusapan ng tatlo nyang kasama.

Edward: "Kung sabagay, tama ka, Daniel. Si Kit ang klase ng tao na hindi mo talaga maintindihan."

Axel: "Guys! Kung si Kit lang ang pinag-uusapan niyo, ang masasabi ko lang, may mga bagay na nagagawa si Kit na hindi inaasahan. Kaya baka maging suwerte si Kit sa Section kapag nagkataon."

Daniel: "Swerte ka dyan! Eh di nga natin alam kung anong ginagawa niya sa mga oras na to?! Tsaka baka mamaya, nakahilata lang siya sa kung saan at naghihintay lang ng pananghalian?!"

Axel: "Posibleng mangyari ang iniisip mo, Tol. Pero isipin mo na naman ang magagawa niyang maganda. Malay mo, sa mga oras ding ito, naka-dalawang bigkis na siya ng mga sanga ng kahoy."

Daniel: "Oo, sana nga." (Pero duda akong nagpupulot ng kahoy ang lalaking yun.)

Allan: "Oy! Magpulot na lang nga kayo ng magpulot diyan! Makaka-apat na bigkis na kami ng sanga ng kahoy dito sa tagal niyong mag-usap!"

Allen: "Oo nga!"

Daniel: "Tumahimik nga kayo!! Lalo ka na Boy "Oo nga!" Di naman kayo ang kinakausap!"

Edward: "Guys! May punto din naman si Allan. Ang mabuti pa, magfocus na lang tayo sa pagpupulot ng kahoy na panggatong. Kaysa isipin kung ano ang ginagawa ni Kit sa mga oras na eto?"

Matapos pag-usapan ng apat na lalaki ang mga maaring ginagawa ni Kit habang sila ay nagpupulot ng mga sanga ng kahoy, ipinagpatuloy nila ang paghahanap ng mga kahoy na panggatong at base na rin sa sinabi ng Kambal sa kanila.

Habang nagpupulot ng mga kahoy na panggatong sa gubat ang mga lalaki, nagsisimula namang magkainitan sa paghahanda ng mga gulay at karne ng baboy ang mga babae sa mesang inilagay sa labas ng kanilang Camp house, kasama si Jackson. Ngunit, hindi nila kasama ang guro nilang si Sir Joey dahil sa sandali itong ipinatawag ng Vice-Principal sa Reception Area.

Althea: "Ruby! Bakit hindi mo binalatan ng mabuti itong bunga ng kalabasa?! Mayroon pang naiwang balat sa kanto! Balatan mo nga ng mabuti!"

Ruby: "I can't reach the balat with the Peeler! And paano ko babalatan yan ng Peeler na hindi ko ma-reach?!"

Althea: "Ginagamit mo ba ang utak mo? Dapat kasi, hiniwa mo muna sa kanto ang kalabasa bago mo balatan!"

Ruby: "Malay ko bang ganyan pala balatan ang weird na gulay na yan! And I'm not going to balat that thing any more! Nakakapagod balatan!"

Silent WaltzWhere stories live. Discover now