Chapter 51- Real Confession

50 18 20
                                    

Kinabukasan, huling araw ng taon, abala ang lahat sa paghahanda ng ilulutong pagkain at pagbili ng mga paputok sa Palengke para sa bisperas ng Bagong taon.

Sa araw ding ito, sakto namang wala ng nararamdamang sakit si Emily at abala din siya sa pagtulong sa kanyang Ate sa pagluluto ng ihahandang pagkain.

Lucile: "Bunso, tapos mo na bang balatan ang mga patatas at carrots na ilalagay sa Mechado?"

Emily: "Opo, Ate. Pati rin po yung Bellpepper nahiwa ko na rin po."

Lucile: "Kung ganun, pwede ba kitang mautusan saglit na bumili ng Tomato sauce sa Store?"

Emily: "Opo, Ate. Akin na po ang pambayad."

Ibinigay naman ni Lucile ang perang pambili ng Tomato sauce kay Emily, tsaka ito agad na umalis.

Paglabas sa bahay, pumunta si Emily sa Sari-Sari Store para bumili ng tomato sauce, nang madatnan niyang nagsusugal sa tapat ng Store sila Temyong, Eliasar at Impong.

Nakatayo naman si Selmo sa tapat ng tatlong naglalaro at minamatiyagan ang kanilang mga kamay kung may mandaraya ba sa tatlo, at tahimik naman nanonood si Kit sa likod ni Selmo habang nakasimangot. Nagpagtuloy si Emily sa paglalakad at bumili sa Sari-Sari Store.

Emily: (Hay....andito na naman yung mga Weird na kapit-bahay, kay aga-aga nagsusugal. Pero buti naman, hindi sila nakainom ng alak. Kapag nagkataon, magkakagulo na naman ng dito.)

Mang Eliasar: "Hahaha!! 4 Aces!"

Mang Impong: "Pambihira! Talo na naman! Baka dinadaya mo na naman kami, Eliasar!"

Mang Temyong: "Oo nga! Kanina mo pa kami natatalo sa sugal!"

Mang Eliasar: "Oy! Hindi ah! Tignan niyo naman yung mga baraha ko! Apat na Alas! Nakikita niyo namang isang Spade, isang Diamond, isang Clover at isang Hearts! Walang daya yan!"

Mang Impong: "Selmo, totoo ba sinasabi ng lalaking ito?!" (Parang duda akong hindi na naman nandaya ang lalaking ito.)

Mang Selmo: "Oo. Hindi siya nandaya. Sa sobrang linaw ng aking paningin, walang uri ng pandaraya ang hindi ko makikita."

Mang Temyong: "Talaga? Malinaw ang iyong paningin?"

Mang Selmo: "Oo, Temyong. Bakit, duda ka ba?"

Mang Temyong: "Huwag mo sanang masamain, Pare. Pero nagdududa talaga ako sa iyong paningin."

Mang Impong: "Oo nga. Duda rin ako."

Mang Eliasar: "Ako rin."

Mang Selmo: "Bakit naman?"

Mang Impong: "Siyempre! Lagi kang nakasuot ng Sun Glasses!"

Mang Temyong: "Oo! Tsaka sa sobrang itim ng lente, parang kasing kulay ng uling ang Sun Glasses mo!"

Mang Eliasar: "Kaya paano mo masasabing malinaw ang iyong paningin kung doble sa normal na single lens ang suot mong Sun Glasses?!"

Mang Selmo: "Simple lang ang sagot dyan, aking mga Friends. Ipinanganak akong may mga mata ng Agila"

Mang Temyong: "Nagbibiro ka ba?"

Mang Selmo: "Hindi. Pero kaya kong patunayan na malinaw ang aking paningin."

Mang Impong: "Sige nga?! Patunayan mo nga?"

Mang Selmo: "Sige ba."

Mang Eliasar: "Kung ganon, ano ang nakikita mo sa malayong parte ng kalsadang ito?"

Humarap si Selmo sa kanang parte ng kalsada at sasabihin pa lamang ang kanyang nakikita.

Habang tinitignan ni Selmo ang malayong parte ng kalsada, bumili naman si Emily sa Store.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now