Chapter 56- Ivy's Coffee Shop

43 12 12
                                    

Matapos ang mga naganap sa gusali ng Aguire Aegis Industries at sa Seladona Junior Science High School, isang panibagong umaga na naman ang dumating at abala ang lahat ng mga tao sa paghahanda para sa pagpasok sa kanilang mga trabaho at eskwela.

Gaya ng nakaugalian, maaga din nagising at naghanda para sa pagpasok sila Emily at Lucile.

Maglalakad na sana ang magkakapatid paalis mula sa gate ng kanilang bahay, nang lumabas din mula sa gate ng kanyang bahay si Lola Delia habang sakay at minamaneho ang paborito niyang Van.

Tsaka natutuwang tinawag ng matanda ang makakapatid para alukin sila na sumabay sa kanyang biyahe.

Delia: "Good Morning mga Iha."

Emily: "Good Morning po."

Lucile: "Good Morning din po, Madam."

Lola Delia: "Oh? Papasok pa lang kayo?"

Lucile: "Opo, Madam. Kayo po? Saan po ang lakad po ninyo?"

Lola Delia: "Pupunta lang ako, iha, sa kabilang bayan. Makikinood lang ako ng Mah Jong Tournament. Kung gusto niyo, sumabay na kayo sa akin para hindi na kayo mapagod sa paglalakad at makalibre pa kayo sa pamasahe."

Nang marinig nang magkapatid ang alok ng matanda, tila natuwa si Lucile.

Ngunit kinilabutan naman si Emily nang maalala nito kung papaano magmaneho ng sasakyan si Lola Delia noong sumama siya sa kanilang outing.

Kaya nag-isip ng paraan si Emily kung papaano siya makakatanggi sa alok ng matanda.

Ngunit walang ideya ang magkakapatid na nakasakay pala si Kit sa likod ng Van dahil na rin sa sarado at kulay itim ang mga bintana nito.

Emily: (Jusko! Hindi maganda ito! Kapag sumakay si Ate sa loob ng Van, siguradong pasasakayin din niya ako! Lalo na't kaskasero kung magmaneho ng sasakyan si Lola Delia! Kailangang makaisip ako ng ipapalusot para tanggihan ni Ate ang kanyang alok.)

Lucile: "Ay! Salamat po, Madam. Buti naman at-"

Emily: "Ate! Kailangan ko pa po muna magbanyo!"

Lucile: "Ha? Eh...pero inaalok tayo ni Madam ng libreng sakay. Nakakahiya naman kung tatanggihan lang natin siya."

Lola Delia: "Okay lang, Iha. Puwede ko naman kayong hintayin saglit kung kailangan na magbanyo ni Emily. Tsaka naman tayo aalis kapag nakabalik na ang kapatid mo."

Lucile: "Ah Opo. Tama po kayo. Pero nakakahiya naman po sa inyo kasi hihintayin niyo pa po kami."

Lola Delia: "Wala yun, Iha. Wala ka dapat ikahiya dahil kusa naman akong nag alok sa inyo na sumabay sa amin ng apo ko. Hindi ba Apo?"

Tumango naman si Kit mula sa likod na upuan ng Van matapos nitong marinig ang tanong ng kanyang lola.

Nagulat naman si Emily nang malaman niyang nakasakay pala si Kit sa likod.

Emily: "Ha?! Kasama po natin si Kit?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Tsaka iha, akala ko ba kailangan mo nang gumamit ng CR?"

Emily: "Ah! O-Opo, k-kailangan ko na po muna magbanyo."

Lucile: "Bunso, kunin mo itong susi ng bahay. Tsaka pagkatapos mo magbanyo, pakitingnan mo kung may mga naiwan pa tayong bukas na Appliances at patayin mo rin para hindi tayo masunugan ng bahay."

Emily: "Opo Ate."

Sabay kinuha ni Emily ang susi na inabot sa kanya ng kanyang Ate at mabilis na naglakad papunta sa pinto.

Pumasok naman at sumakay sa Passenger seat si Lucile matapos siyang inalok ng matanda na sumakay na muna habang hinihintay si Emily, tsaka nag-uusap ang mga ito ng tungkol sa kung anong mga bagay.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now