Chapter 10- Second Attempt (BF)

87 43 114
                                    

Pagkagaling sa Soccer field, pinuntahan nina Emily at Nina ang Chess area kung saan naglalaro si Edward.

Nang makarating ang dalawa, naabutan nilang hindi pa nagsisimula ang laro.

Kung kaya't nilapitan muna nila si Edward upang kausapin ito.

Emily: "Oh Edward? Bakit nandito ka pa? Akala ko ba, ngayon yung laro mo sa chess?"

Nina: "Oo nga, Edward."

Edward: "Ano kasi, pang number 16 pa ako sa single entry ng Chess. Kaya naghihintay pa ako dito sa waiting area. Tsaka, anong ginagawa ninyong dalawa dito?"

Emily: "Siyempre! Nandito kami para i-cheer ka namin sa laro mo. Para manalo ka, diba Nina?"

Nina: "Tama si Emily. Kaya nandito kami para suportahan ang laro mo."

Edward (feeling happy): "Talaga?! Sigurado ba kayong susuportahan niyo ako?"

Emily: "Oo, Sigurado kami."

Nina: "Bakit, Edward? May problema ba?"

Edward: "I mean is hindi ba kayo mababagot sa panonood mamaya kapag nagsimula na yung laro ko? Baka mamaya eh, hindi niyo na patatapusin ang laro ko tapos bigla na lang kayong umalis nang bigla."

Emily (curious): "Anong ibig mong sabihin, Edward?"

Ipinakita ni Edward kung saan naglalaro ang mga chess player sa bawat kuponan, kung saan naglalaro ang bawat ng mga player at pinanood ang laro ng mga ito.

Tila nag-uumpisang mabagot si Emily sa kanyang pinapanood.

Emily: (Eto ba yung sinasabi ni Edward sa amin? Parang mali yung napuntahan naming panoorin ah.)

Nina: (Ganito pala maglaro ang mga player ng Chess! Parang interisado na akong manood! Tsaka hindi ako mababagot dito kasi ang gagaling ng mga naglalaro. Hindi tulad sa Soccer na sobrang ingay sa paligid.)

Edward: "Bakit napakatahimik niyo ata diyan? May problema ba kayong dalawa?"

Emily: W-Wala naman, Edward. First time ko kasi manood ng Chess eh. Di ko naman pala akalain na... ganito pala katahimik dito."

Edward: "Ah ganun ba? Tsaka tinatawag na ako ng coach ko kasi maglalaro na raw ako."

Nina: "Sige, Edward! Goodluck sa laro mo sana manalo ka."

Emily: "Oo nga naman, dapat huwag kang magpapatalo sa kalaban mo ha."

Edward: "Salamat sa inyong dalawa."

Agad pumunta sa chess table si Edward tsaka siya umupo.

Sandaling nagsalita ang Referee tungkol sa Rules and Regulations sa bawat ng player bago nila umpisahan ang kanilang laro.

Pagkatapos magpaliwanag ang Referee, pinabunot sina Edward at ang kanyang makakalaban ng papel mula sa fish bowl na dala ng Referee upang malaman kung sino ang makakabunot ng white at black.

Pagkabunot ni Edward, laking gulat niya nang makitang "white" ang nakalagay sa nabunot niyang papel kung saan, siya rin ang mauunang titira.

At nabunot naman ng kanyang makakalaban ay ang papel na may nakasulat na "black".

Matapos magbunutan, agad sinimulan ng Referee ang laro ng dalawang chess player.

Ilang minuto mula ng magsimula ang laro, tumira si Edward ng kanyang horse at sumunod namang tumira ang kanyang kalaban.

Itinira naman ni Edward ang kanyang Queen pahalang malapit sa King ng kanyang kalaban.

Nataranta naman ang kalaban sapagkat hindi niya alam kung ano ang susunod niyang ititira.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now