Chapter 49- Playing Dodgeball

31 16 22
                                    

Pagtilaok ng unang Tandang na nagising sa umaga na agad namang pinaputukan ng Hunting Rifle nang may-ari ng katabing Poultry para gawing Tinola, nagising mula sa pagkakatulog si Emily nang mapansin niyang naunanan niya mismo ang dibdib ni Kit.

Bigla siyang nailang at nataranta sa kadahilanang baka isipin ng kanyang mga kasama na may namamagitan sa kanilang dalawa, sa oras na malaman nilang magkasama silang natulog sa loob ng Wardrobe.

Kaya maingat na lumabas si Emily upang hindi niya magising si Kit at paglabas niya sa Wardrobe, napansin niyang madilim pa ang buong paligid.

Hindi na nagsayang ng pagkakataon si Emily dahil ayaw niyang maabutan siya ng kanyang mga kaibigan kapag nakita nilang wala siya sa kanyang Kama at siya'y tatanungin ng mga ito, kung saan siya nanggaling o natulog.

Kaya mabagal siyang naglakad pabalik sa hagdan, papunta sa First floor.

Nang magulat si Emily matapos niyang marinig magsalita si Lola Delia na naka-abang pala sa tabi ng Wardrobe.

Lola Delia: "Iha, saan ka ba sa tingin mo pupunta?"

Biglang nangilabot ang buong katawan ni Emily at pinagpapawisan ang kanyang mukha nang marinig niya mula sa kanyang likod ang boses ni Lola Delia.

Kinakabahan at nag-iisip na nang maipapalusot si Emily sa matanda.

Emily (nervous): (Na-Naku! Si-Si Lo-Lola Delia! Ka-Ka-Kanina pa ba-ba siya diyan?) "Hi-Hi po! Good mo-morning po! A-Ang aga niyo naman pong nagising."

Lola Delia: "Good morning din, Iha. Ang aga mo din nagising. Galing ka ba sa kusina? Papunta na rin sana ako para uminom ng tubig."

Emily: (Te-Teka? Akala ba ni Lola Delia na gumising ako ng maaga para uminom ng tubig? Mukhang sineswerte pa ako. Mabuti pang sakyan ko na lang yung iniisip ni Lola para hindi niya malaman na kasama kong natulog si Kit sa loob ng Wardrobe.) "Opo, Lola. Kagagaling ko sa kusina at pabalik na rin ako sa itaas."

Lola Delia: "Ay...Ganun ba, Iha?"

Emily: "Opo, ganun nga po."

Sandaling nanahimik si Lola Delia sa sinabi ni Emily, tsaka rin siya muling nagsalita.

Ngunit sa pagkakataong ito, seryosong nagsalita ang matanda.

Lola Delia: "Iha, hindi mabuti sa isang magandang dalaga na tulad mo ang magsinungaling."

Emily: "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Lola Delia: "Sa totoo lang, Iha. Lagi akong nagigising nang alas kuwatro y medya ng umaga at pag-gising ko kanina, wala ka sa iyong higaan. Naisip ko na baka pumunta ka lang sa CR, kaya bumaba ako para magtimpla ng kape sa kusina. Pero paglagpas ko sa Wardrobe, narinig kong bumukas ang pinto nito at nagtaka ako kung bakit maagang nagising ang aking Apo. Madalas naman siyang nagigising pasado alas siyete ng umaga, kaya agad akong nagtago sa tabi ng Wardrobe para silipin kung sino o ano ang lalabas sa Wardrobe at nakita kong ikaw ang lumabas mula sa loob."

Sobrang pinagpapawisan at hindi makatingin ng diretso si Emily sa mata ni Lola Delia dahil kinakabahan siya na baka mali ang isipin ng matanda sa kanya. Hanggang sa muli na namang nagsalita ang matanda.

Lola Delia: "Iha, sagutin mo ako ng maayos. Magkasama ba kayong natulog ng Apo ko, kagabi sa loob ng Wardrobe?"

Emily: "Ah..eh..Uhmm.."

Magkahalong kaba, hiya at pagkailang ang naramdaman ni Emily matapos siyang diretsahang tanungin ni Lola Delia.

Nakasimagot naman ang matanda at hinihintay ang kanyang isasagot. Hanggang sa maisip ni Emily na sabihin ang totoo.

Silent WaltzWhere stories live. Discover now