Chapter 9

254 16 0
                                    

JUSTIN

We are going back to Manila maybe before dawn so may time pa kami to do some things. We decided to hike the Makapaya hills here in San Andres, Quezon. Nagbeach kami sa Alibijaban Island kahapon so why not sulitin na din namin to para makalanghap naman ng sariwang hangin.

It's an hour walk sabi ng tour guide namin to reach the top and also an hour pababa. Depende pa kung gano kayo katagal maglakad.

I'm walking behind Ken. Si Josh and Cayla ay nasa likod ng guide. Ang sakit sa mata ah.

Medyo matarik din yung trek kaya nahirapan ako, buti nalang nasa likod ko si kuya Pau para umalalay sakin.

Isang oras mahigit ang nakalipas ng marating namin ang tuktok. The view was amazing! Worth it yung pagod ng makita namin kung gaano kaganda ang tanawin dito sa taas.

All you can see is green. It's so pleasant to the eyes. No noise, no pollution, not crowded. Mararamdaman mo talaga yung kapayapaan sa loob mo kapag nandito ka.

I heaved a sigh.

It was a nice view not until I saw them hugging one another.

Tila ba nakaplaster na sa mga mukha nito ang kanilang mga ngiti. Nagpicture pa ang dalawa.

Umiwas ako ng tingin.

Ano ba self? Akala ko ba may 'oplan move on kay Josh Santos' ka na dyan sa puso mo? Tama na nga yang kakamasid mo sa kanila!, pangangaral ko sa aking sarili.

Para malibang ay kinuha ko nalamang ang dala kong camera at kumuha din ng mga litrato.

Maya maya pa'y tinawag ako ni Ken.

"Jah!" sigaw nito.

Lumingon ako.

"Picturan mo naman ako dito. Popost ko lang sa ig." sabi nito.

Nilibot ko ang tingin.

May kanya kanya palang kasama ang iba.

Lumapit ako kay Ken.

"Sige. Akina na phone mo." inabot naman niya sa akin.

"Gandahan mo ang kuha Jah ah." saad nito sabay nagpose na.

Aba't demanding pa.

"Opo." sagot ko.

Nang masatisfied na sya sa mga naging kuha ko ay kinuha na nya sakin ang kanyang cellphone.

"Salamat Jah." nakangiting sabi nito. "Kunan din kita. Akina camera mo." at agad na kinuha sa leeg ko ang camera.

Wala man ako sa mood na magpicture ng sarili, di na rin ako umangal pa kay Ken.

"Jah smile ka naman. Ang ganda ng view eh naka fierce ka dyan." sigaw sakin ni Ken.

Pano naman ako makakasmile nito? Masama nga loob ko. Tsaka di ako nakafierce, malungkot talaga ako.

Pinilit ko pa ring ngumiti. Para di na magreklamo itong photographer ko.

I know halata sa camera ang fake smiles ko. Buburahin ko nalang mamaya.

Nang matapos kami ay biglang nag aya si kuya Stell.

"Picture naman tayong lahat." sigaw nito.

Agad na lumapit kami sa kanya.

We formed a straight line.

Nung sinabi pala ni kuya Stell na kaming lahat, meaning pala kasama si Cayla. I 'tsk' at the back of my mind.

I shouldn't be acting like this but I can't help it.

Si kuyang guide naman ang kumuha ng litrato.

Maya maya pa'y nagsalita ulit si kuya Stell.

"Tayo namang lima. Pangpost sa social media accounts natin." sabi nito.

Finally! I said in my mind with triumph.

Hindi nga naman kasi namin pwedeng ipost sa social media na may kasama kaming girl dito at kaakbay pa ni Josh. Di nagwala ang fans nyan.

Si Cayla na ang naghawak ng camera at kumuha ng picture namin.

Magkatabi kami dapat ni Josh kasi nasa gitna namin kanina si Cayla pero biglang inisod ako ni kuya Pau.

Napagitnaan tuloy nya ako at ni kuya Stell.

"Oh. ako naman center ah. Kanina pa kayo eh." hirit nito.

Medyo nagtataka man ang iba ay di nalang sila umimik. I saw him look at me. He smiled.

Thank you, mahinang bulong ko kay kuya Pau.

Tumango lang ito.

Gumagawa rin ng paraan si kuya Pau para makamove on na ko so dapat gawin ko rin ang best ko.

After a few more shots, we already decided to go back. It was much more easier kesa kanina kasi pababa na.

Malapit na kami kung san nakapark yung sasakyan namin ng makaramdam ako ng hilo.

Mabuti nalang nasalo ako ni kuya Pau.

"Jah, okay ka lang?" tanong nito sakin.

Tumigil naman ang iba sa paglalakad.

"Anong nangyari?" si Josh.

"Are you alright Jah?" si kuya Stell.

"Okay lang ako. Medyo nahilo lang." sagot ko habang nakahawak sa ulo ko.

"Masakit ba ulo mo Jah?" tanong naman ni Ken.

"No. Pagod lang siguro. Hindi sanay eh." medyo ngumiti ako.

Hindi pa rin nawala ang pag aalala sa mga mukha nila.

"Get on my back Jah." kuya Pau said tapos tumalikod sakin.

"Wag na kuya Pau. Kaya ko namang maglakad." tumanggi ako.

"Jah. Wag matigas ang ulo." sabi pa nito.

"Ayos lang ako kuya Pau. Tsaka malapit naman na yung van natin oh." sabi ko sabay nguso sa sasakyan.

Hindi pa rin ito natinag.

"You'll get on my back or I'll carry you in a bridal style." pagbabanta nito.

Wala akong nagawa kundi magpiggy back sa kanya.

Nagsimula na syang maglakad. Nakatingin lang ang lahat sa amin.

"Kuya Pau baba mo na ko. Mabigat kaya ako." saad ko dito.

Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakabuhat sakin.

"Wala kong sinasabi." seryosong sagot nito.

Walang ibang nagsasalita sa kanila.

Nagtataka siguro kasi si kuya Pau ang pinakareklamador samin, pero ginagawa nya pa rin sakin 'to.

Nakita kong nakatitig samin si Josh. Agad akong umiwas ng tingin.

Parang matutunaw ako sa titig nya.

"Relax Jah." kuya Pau said.

Ramdam nya na tensed ako.

I inhaled. And then exhaled.

Nakarating kami sa sasakyan at iniupo ako ni kuya Pau sa pinakalikodang seat.

Tinabihan ako nito. Sunod sunod na sumakay na din ang iba.

"Sleep Jah. I know you're exhausted." sabi nito.

Oo. I'm exhausted. Hindi lang ang katawan ko pati na rin ang puso.

Napakaganda ng tanawing nakita ko kanina pero hindi lahat. Mas lamang yung nagdulot ng sakit sakin.

Napabuntong hininga ako bago tuluyang natulog.

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن