Chapter 47

420 22 13
                                    

JUSTIN

We stayed on the park till afternoon. Doon na kami nag lunch. It was 5pm. I thought iuuwi na niya ako pero ibang direksyon ang tinahak namin.

"San tayo pupunta?" I asked him.

He smiled. "Hindi mo ba tanda kung saan papunta ang daan na 'to?"

Nag isip ako. Para ngang nakapunta na ako dito. Wait... Are we going --

"Yeah. Pupunta tayo sa bahay namin."

Parang nagkaroon ng nagkakarerang kabayo sa loob ng dibdib ko.

Pumupunta ako kina Josh pero ibang usapan ngayon. Nakita din kami ni tita Aldrene sa clinic nung time na yun. I still feel the shame.

Josh holds my hand. "Don't be nervous baby. Hindi nangangagat si mama." tumawa pa ito.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nakuha pang magbiro ng loko. Kinakabahan na nga ako dito.

Hindi manlang pinagpabukas ni Josh itong pagharap namin sa mama niya. Kanina sa mama ko, tapos ngayon sa nanay nya. Kung may sakit siguro ako sa puso, wala na, deads na ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa kanila.

Pakiramdam ko ayaw gumalaw ng mga paa ko pahakbang papasok ng bahay nila. Mahina akong tinulak ni Josh.

"Baby... let's go." saad nito bago hinawakan ang kamay ko.

"Nandito na pala kayo Josh. Tamang tama. Kakain na." sabi ni tita Aldrene.

Bakit laging timing kami sa pagkain?

Nakita kong bumaba si Ate Alea galing sa kwarto nito. She smiled at me. I smiled back in return.

"Tara baby. Upo na tayo." pinag angat ako ni Josh ng upuan.

I felt the stares of tita and ate Alea.

Nahihiya ako!!

"So Justin, kamusta naman itong binata ko? Pasaway pa din ba?" tita Aldrene asked.

Agad kong nilunok ang pagkain na nasa bibig ko. "H-Hindi naman po tita." sagot ko.

"Ma. Good boy na nga ako, sabi sayo eh." sabat naman ni Josh.

"Stop with the 'tita' Jah. Call me 'mama' from now on." at ngumiti ito.

Sa ikalawang pagkakataon ay nasamid ako. Tinapik tapik ko ang dibdib ko at naghagilap ng maiinom.

Inabutan muli ako ni Josh ng tubig at mabilis ko itong nilagok.

Napabuga ako ng hangin matapos maging maayos ang paghinga.

"Mama naman kasi." sabi ni Josh habang hinahagod ang likod ko.

Nag peace sign si tita Aldrene. Si ate Alea naman ay hindi na napigilan ang pagtawa.

"Jah... wag ka na mailang sa akin. Matagal ko nang alam na may gusto sayo 'tong si Josh." saad nito. "Paanong hindi ko malalaman eh wala nang ibang bukambibig yan kundi pangalan mo."

"Maaaa!" singit ni Josh para patigilin ang ina.

"Atsaka buti at pinatulan mo 'tong anak ko. Akala ko talaga hindi mo 'to magugustuhan eh. Paano tarantado." tumawa ito.

"Mamaaaaaa!!" naaasar na si Josh.

I can't help but to smile as well. Hindi ko rin alam kung bakit si Josh ang gusto ko. Siguro puso talaga natin ang nagdedecide kung sino ang mamahalin natin. At wala tayong magagawa kapag namili na ito.

Humalukipkip si Josh. "Parang di mo ko anak ma ah." he said.

Tumaas ang kilay ni tita este m-mama Aldrene. "Nagsasabi lang ako ng totoo." ngumisi ito.

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Where stories live. Discover now