Chapter 18

255 14 4
                                    

JUSTIN

Saturday came.

I am in the car right now going to Okada Hotel. Pupunta ako.

Naisip ko na napaka inappropriate naman kung hindi ako pupunta dahil lang sa rason kong yun. I remembered what Ken said to me last time. What I'm doing shouldn't affect the group. And invited naman kami lahat. Isipin ko nalang na para 'to sa grupo namin. Isantabi ko nalang muna ang nararamdaman ko.

I parked my car in the parking lot of the hotel.

Bumaba ako.

I was just fixing my suit ng may marinig akong boses.

Wala naman sigurong masamang loob dito. Ang dilim pa naman.

May humahalinghing.

What's that? tanong ko sa aking sarili.

I heard a voice.

"No. Not here babe." it's from a girl.

So may nagmemake out sa lugar na 'to? Hindi ba sila makapaghintay na makaakyat sa room nila.

I decided na umalis na at pabayaan sila. It's their own business.

"We can't do this later babe. So let me." the man spoke.

Napahinto ako sa akmang paghakbang.

I know that voice. I can't be wrong.

"But J-Josh..."

Fvck!! Sabi ko na. Tama ako.

It's Josh. And I know that girl ain't Cayla. Kilala ko ang boses nito.

Akala ko nagbago ka na Josh. Akala ko nagtino kana. Nung huli nating pag uusap, you told me na you'll be good. Then what the fvck is this??!!

I want to go to where are they but I stopped myself.

Umiling ako.

Keep your cool Justin. Keep calm.

I breathe in and out.

Palalagpasin ko ulit ito Josh. Kakalimutan ko ang narinig ko.

I compose myself and umalis na ng lugar na yun.

I entered the hall.

I saw kuya Pau, kuya Stell, and Ken sa isang table. Lumapit ako sa kanila.

"I thought you wouldn't come." medyo pabulong na sabi ni kuya Pau.

He insisted a while ago that he will picked me up at the house pero tumanggi ako. Sabi ko kaya ko na.

"I need to." mahinang sagot ko.

Maya maya ay lumapit na sa amin si Cayla.

"Hey guys. Glad you all came." she said.

She looked gorgeous on her royal blue dress. Josh doesn't deserved her.

"Of course. Thank you for inviting us." sagot ko.

Ngumiti ito.

"It's an honor." sabi nito.

"You look good in your dress." si kuya Stell.

Lalo pang lumawak ang ngiti ni Cayla.

"Really? Salamat." sagot nito. "By the way, if you guys are already hungry, lapit na lang kayo sa buffet table hah." sabay turo kung nasaan ito.

"Sige." nakangiting sagot ni Ken.

"Uhmm. Have you seen Josh?" tanong nito sa amin.

Medyo napaiwas ako ng tingin.

My conscience is eating me up. I'm not good at lying. Mabubuko ako pag tumingin ako sa mata niya.

"Hindi eh. Akala namin nauna na siya dito." si kuya Pau.

Tumango tango naman si kuya Stell at Ken.

"Ganun ba. Maybe he's just roaming around. Hanapin ko nalang. Enjoy yourself." sabi pa nito bago umalis.

Hindi ako mapakali.

Tinapik ako ni kuya Pau.

"Jah are you okay? You seem tensed." may bahid ng pag aalala sa mukha nito.

Nahahalata na ako ni kuya Pau.

"I'm okay." sagot ko.

Tinanguan niya lang ako at nakipagkwentuhan na kay kuya Stell.

Dapat ko bang sabihin kay Cayla ang kalokohang ginagawa ni Josh? Pero kaaayos lang nila eh.

Ayaw ko namang sirain ang gabi ni Cayla.

I'm torn.

Maya maya pa'y nagsalita na ang host.

Hindi ganun karami ang tao dito. Family at mga piling kaibigan lang talaga ang inimbitahan.

Isa isa nang nagbigay ng mensahe ang mga mahal sa buhay ni Cayla.

Medyo naging emotional pa ito ng magsalita na ang mga magulang niya.

Ilang saglit pa ay tinawag na si Josh.

Ito naman ang nagbigay ng mensahe.

"Happy happy Birthday Cayla. I hope you enjoy this party of yours. I'm hoping for more blessings to come in your life and I hope that you stay the sweetest and kindest girl that everybody knows." ngumiti ito.

Kinilig pa si Cayla sa mga sinabi ni Josh.

"Thank you for understanding and for everything that you've done for me. I'm so lucky to have you in my life. Happy birthday my love. Mahal na mahal kita." sabay lapit kay Cayla at halik sa pisngi nito.

Napaiwas ako ng tingin. Ang sakit.

Nagpapalakpakan ang lahat.

Walang press dito. Alam din ng family at malalapit na kaibigan ng dalawa ang tungkol sa relasyon nila.

So i'm really curious why Josh is still cheating on Cayla gayong okay na okay naman ang relationship nila.

Hindi ba talaga niya kayang makuntento sa isa?

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Where stories live. Discover now