Chapter 12

243 12 2
                                    

PABLO

Nakarating ako sa parking na pinagparadahan ko kay Dusty. Wala ng ibang sasakyan na nandito. Mukhang umuwi na din yung tatlo. Di ko sure kung tumuloy pa sila sa plano kanina.

Agad kong pinaharurot ang motor ko para makauwi na ng bahay.

Naabutan ko sa salas sina mama. Nanunuod ng tv.

"Oh Paulo. Uuwi ka pala ngayon." si mama.

Minsan kasi di na ako umuuwi dito sa bahay lalo pag galing ng event. Alam na nila yun. Matic na. Nakikitulog na lang ako sa bahay or condo ng mga kagrupo ko.

Lumapit ako kay mama at humalik sa pisngi nito.

"Oo ma. Hinatid ko lang si Justin sa kanila kanina kaya medyo ginabi ako." sagot ko sabay upo sa tabi nito.

"Hinatid? Wala bang dalang kotse si Jah?" tanong ni mama.

"Meron ma. Kaso nahihilo sya eh kaya inalok ko na ihatid ko sya sa kanila tas nagcommute nalang ako para balikan si Dusty." paliwanag ko pagkatapos ay yumakap dito.

Clingy ako. Oo.

Mahirap man paniwalaan kasi lagi daw akong masungit at mukhang galit, pero ang totoo mahilig ako sa physical touch. Pero syempre dun lang sa mga taong gusto ko.

Inamoy ako ni mama.

"Magpalit ka muna Paulo. Amoy pawis ka oh." sabi ni mama.

Napanguso ako.

Arte naman nito. Parang di ako anak ah.

"Wag ka na ngumuso dyan. Umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit ka ng damit mo." pagtataboy sakin nito.

Wala akong nagawa kundi sumunod.

Lumingon ito sa akin habang paakyat ako ng kwarto.

"Kumain ka na ba?" tanong pa sakin ni mama.

Umiling ako.

"Sige. Pagkabihis mo, bumaba ka at kumain. Pinagtira kita ng ulam sa kusina." sabi nito bago ibinalik muli ang atensyon sa panunuod.

"Opo." sagot ko at umakyat na.

Agad akong nagpalit ng damit pambahay.

Naalala kong ichat si Jah.

@PABLO_: Jah, dito na ko sa bahay. Kararating ko lang.

Baka nag aalala na sakin yun.

@JahdediosT: okay kuya Pau. Thank u ulit sa paghatid.

@PABLO_: Welcome

Inihiga ko ang sarili sa kama. Tinatamad akong bumaba. Maya maya nalang siguro.

Nagmumuni muni lang ako ng biglang pumasok sa utak ko si Stell.

Ano kayang ginagawa nya? Natuloy kaya silang mag inom kahit tatatlo?, pabulong kong tanong sa sarili.

Tawagan ko na nga lang.

Nagrring ang cellphone nito pero hindi sumasagot.

Baka natutulog na.

Ibababa ko na sana ng bigla itong nagsalita.

Stell: Hello?

Medyo garalgal ang boses nito. Natutulog na ata.

Pablo: Ayy sorry. Nagising ba kita?

Stell: Hmmm? Hindi naman.

Napakalambing ng boses nito. Lalong nakakainlove.

Pablo: Hindi pala kayo nagtuloy sa pag shot nina Ken at Josh.

Stell: Hindi na. Hindi din naman kumpleto eh.

May himig ng pagtatampo sa tono nito.

Pablo: Pasensya ka na hah. Pasensya na kayo.

Naghihinuyo ang boses ko.

Sa totoo lang, gusto ko na makasama pa siya. Oo, lagi kaming magkasama. Pero iba yun eh. May ibang purpose kapag magkasama kami. Laging para sa training, rehearsals, events na para sa grupo.

I want some quality time with him. Kung pwede nga lang na kaming dalawa lang ni Stell eh. Kaso I can't be selfish cause he's not mine.

But still, I treasure those moments na we're bonding as a group with no work involve. Just us. The pure us.

Stell: Ano ka ba? Okay lang yun Pau. Mas importante naman ang health ni Jah o ng kahit sino man satin kesa sa mga ganung bagay.

I know he's smiling on the other line.

Isa ito sa katangian na nagustuhan ko sa kanya. He is so understanding. He will try to understand you and your point regardless sa feelings na nararamdaman na niya mismo. Selfless.

Lagi ka niyang uunahin.

Pablo: Thank you Stell.

I smiled.

Stell: Sus ito naman. Para yun lang eh. Ikaw talaga.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya.

Napakasarap pakinggan.

Stell: May next time pa naman kaya bumawi nalang kayong dalawa ni Jah ah. Kayo dapat ang taya.

Napangiti ako.

Pablo: Oo ba. Basta mauubos nyo bibilihin namin ah. Walang matitira kahit isang patak.

Tumawa si Stell.

Stell: Hahaha. Mukhang napasubo yata ako ah.

Pablo: Yare talaga kayo. Hahaha!

Nagtawanan kami.

Pablo: Sige na. Ibababa ko na 'to. Gutom na ko eh. Magpahinga ka na dyan.

Stell: Hindi ka pa kumakain?

Pablo: Hindi pa. Kararating ko lang eh.

Stell: Ganun ba. Sige kain ka na. Baka mamayat ka pa eh. Haha.

Aba't nang asar pa. Medyo nagkakabilbil na nga ko eh. Katamad kaya mag gym.

Pablo: Heh! Sige na. Tulog ka na. Goodnight.

Stell: Goodnight din.

In end ko na ang call.

I love you, mahinang bulong ko.

Kung pwede ko lang sabihin. Kung may lakas ng loob lang ako para umamin. Kaso wala eh.

Ayoko. Hindi ko kaya.

Natatakot akong mareject. Natatakot akong biglang mag iba trato nya sakin. Natatakot akong baka maapektuhan ang grupo.

Kaya hindi nalang.

Mamahalin ko nalang siya ng palihim.

Justin the second yan?

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Where stories live. Discover now