Chapter 21

330 19 7
                                    

THIRD PERSON

Monday.

Balik training ang grupo.

May kanya kanyang inaasikaso ang apat. Wala pa si Josh.

Si Stell at Justin ay pinapanood ang record ng mga dance practice nila.

Si Pablo ay kasalukuyang nagsstretching.

Si Ken ay nakaupo sa isang sulok at tutok na tutok sa cellphone.

"Ang tagal ni Josh." reklamo ni Pablo.

"On the way na siguro yun." saad ni Stell. Bumaling ito kay Justin. "Jah, okay na kaya sa music video itong steps nating ganto." habang may itinuturo sa screen ng laptop.

"Ayos naman kuya Stell. Isabay nalang siguro sa galaw ng camera. Fast pace eh." sagot naman ng isa.

Tumango si Stell.

Maya maya pa'y biglang kumalabog ang pinto ng studio. Iniluwa nito ang humahangos na si Josh.

"Justin!!!" sigaw nito.

Nagulat ang lahat. Napatayo sila.

Sumugod ito sa kinaroroonan ng hinahanap.

"Bakit?" puno ng pagtatakang tanong ni Justin.

Walang ano ano'y tinulak ni Josh si Jah. Napaupo ito sa sahig.

"Josh!!" sigaw ni Stell.

Lumapit na sina Ken at Pablo sa pwesto ng tatlo.

Akma pang lalapitan muli ni Josh si Justin nang pinigilan na siya ni Stell.

"Anong nangyayari sayo Josh??" si Ken habang pumagitna sa dalawa.

Si Pablo naman ay lumapit kay Justin at inalalayan ito sa pagtayo.

"Anong nangyayari sa akin?? hah?? Eh bakit kaya hindi mo itanong sa magaling na Justin na yan!!!" singhal pa nito habang lalapitan dapat muli si Jah. Mabuti na lamang at mahigpit ang pagkakapigil ni Stell dito.

"Ano bang sinasabi mo Josh?? Hindi kita maintindihan." sagot naman ni Justin.

Napasmirk pa si Josh.

"Pwede ba wag ka na magmaang maangan dyan!! I thought you're innocent Jah. I thought you're really the 'pure boy' na inakala namin. But we're wrong!!" Josh shouted.

Nangunot ang noo ni Justin tanda ng lubos na pagtataka.

"Calm down Josh." sabi ni Stell habang  nakahawak pa rin dito.

"Calm down??? Hindi ko kayang huminahon Stell. Hindi ako hihinahon hanggat hindi si Justin nagsasabi ng totoo!!" asik nito.

"Anong aaminin ko?" tanong ni Justin.

"Anong sinabi mo kay Cayla noong birthday party niya hah??? Anong sinabi mo?? Don't you dare deny it! I saw you two talking and hugging sa garden!"

Napaiwas ng tingin si Justin.

"What did you tell her???!! She broke up with me!! ARE YOU HAPPY NOW??" Josh exclaimed.

Nagulat ang lahat dahil sa tinuran nito.

"Tell me Justin. TELL ME! DO YOU LIKE CAYLA???! DO YOU FVCKING LIKE HER??! Kaya ba siniraan mo ko sa kanya? Dahil gusto mong mapasayo  siya hah?? Umamin ka Justin. UMAMIN KA!!"

Nanatili pa ding walang kibo si Justin. Umiiyak ito.

"Akala ko kaibigan kita Jah. Akala ko lang pala. TRAYDOR KA! TRAYDOR!!!" sigaw pa nito habang dinuduro si Justin.

"JOSH!! SHUT UP!!" Pablo shouted. "SUMOSOBRA KA NA!!!"

Natawa si Josh.

"At ako pa pala ang sumosobra?? Ako pa pala??

Inaalo ni Pablo si Justin.

"AKO PA TALAGA PABLO?? EH BAKIT KAYA HINDI MO TANUNGIN DYAN SA PINAKAMAMAHAL MONG JUSTIN ANG TOTOO?!! Bakit ba lagi mo siyang pinapaboran?? Hah Pau?"

Nagtaka si Pablo.

"Akala mo ba hindi namin napapansin?? Sobrang sweet mo kaya kay Justin. Wag mong sabihing may gusto ka sa kanya ha Pau?" may halong panunuya sa boses nito.

Nag iwas ng tingin si Stell. Hindi rin nagreact si Ken.

"Aba't---" akmang susugod at susuntukin na ni Pablo si Josh nang pigilan ito ni Justin.

"W-wag na kuya P-Pau." sabi nito habang humihikbi.

Halatang nagpupuyos pa rin sa galit si Pablo pero nakinig pa din ito kay Justin.

"See?? Ganyan kayo umasta?? May something ba talaga sa inyong dalawa hah?? O ginagamit mo lang Justin si Pablo para pumabor sayo ang lahat. Pero si Cayla talaga ang gusto mo??"

Hindi na nakapagpigil pa si Justin.

He slapped Josh.

Sa sobrang lakas nito ay tumaginting ang tunog noon sa bawat sulok ng studio.

Umiiyak pa din ito.

"I didn't know na ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin Josh." you can see the pain in his eyes.

"I didn't know that you can accused me in an instant nang hindi manlang ako tinatanong. Hindi ko alam na ganyan ka pala kababaw mag isip." patuloy pa ring umaagos ang luha nito.

"WALA AKONG SINABI KAY CAYLA!! SHE KNEW ALL ALONG THAT YOU'RE CHEATING ON HER!!! ALAM NIYA. MATAGAL NA!" Justin shouted.

"AT WALA KANG KARAPATAN PARA HUSGAHAN AT SISIHIN AKO PARA SA MGA KATARANTADUHANG PINAGGAGAGAWA MO!!!"

"DON'T FVCKING BLAME OTHER PEOPLE FOR YOUR SHITTY ATTITUDE!! KASALANAN MO YAN DAHIL GAGO KA!! Now, face the consequences of your actions!!"

Justin wiped his tears.

"And wag na wag mong idadamay dito si kuya Pau. Cause if I can, siya na lang talaga sana ang pinili ko." he said and then left the room.

Hindi nakasagot si Josh.

Masamang tiningnan ito ni Pablo.

"You better be ready for the result of your actions Josh Santos." matalim na sabi nito. "You better be." he pointed his finger unto him and followed Justin.

Naiwan ang tatlo sa studio.

Walang nagsalita.

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon