Chapter 30

329 13 2
                                    

JUSTIN

Nagpahinga ako ng ilang araw. Mabuti na din at halos tapos na kami sa mga gawain bago ako naospital. Nairelease na din ang 'Alab' and I'm so happy na people are recognizing it just like our previous song, 'Go up'.

Aside from my twice a month blood transfusions, may mga days na kailangan kong bumalik sa clinic para sa check ups and to monitor my body.

Thankfully, I have kuya Pau. Minsan sinasamahan niya ako but sometimes ako na mismo ang nagsasabi sa kanya na wag na. He also have a lot on his hands. Ayoko ng makadagdag pa and kailangan nya din ng pahinga. I know he's tired too.

Kami ni Josh? Hindi pa din kami nag uusap. Ni chat, wala.

Hindi ko iniintay na magsorry siya. Hindi na ako umaasa. Masyado siyang mapride para gawin yun. Kahit alam nitong mali na siya, he will never stoop down.

I heaved a sigh. Pero sana he will. Ayokong mamatay ng may kagalit no.

I smiled bitterly to my own joke.

Will I really die? Should I make a bucket list already para matreasure ko yung last moments ko dito sa mundong ibabaw?

The thoughts of me inside a coffin is lingering in my mind. Ano kaya itsura ko sa kabaong? Sana gwapo pa din. Haha.

They say that a joke is half meant right? Then somehow, I mean it. Kung mamamatay man ako at yun talaga ang kapalaran ko, I will accept it. With all my heart.

Narinig kong may bumusina sa labas.

"Ma, alis na po ako." sigaw ko kay mama na nasa kusina.

"Ingat nak." sagot nito.

Lumabas ako ng bahay. I saw kuya Pau in a simple white long sleeve and a tattered jeans.

"Pogi natin ngayon ah." I said.

"I'm handsome everyday Jah. Hindi ka pa ba nasasanay? Ako lang 'to." sagot nito ng may mapaglarong ngiti sa labi.

I laughed.

Usual kuya Pau. Full of confidence.

"Get in. Malelate na tayo." saad nito bago sumakay ng sasakyan.

Agad akong sumunod.

We're on our way to kuya Stells' house. It's his 26th birthday. We also brought gifts for him yesterday.

Lagi na akong sinusundo at hinahatid ni kuya Pau sa bahay. Papunta man sa studio, events, o kahit sa mga personal matters like check up at gaya nito. Sabi ko sa kanya na I can manage myself. That I can drive naman but he never agrees. What if bigla daw akong mahilo or mahimatay while driving? tapos masangkot sa isang car accident? Hindi ko nalang ito kinokontra. He's hard headed. Napaparanoid na yata si kuya Pau masyado. Mas malala pa siya mag isip kesa sakin eh.

"Nandun na daw yung dalawa?" kuya Pau asked, pertaining to Ken and Josh.

I checked my phone.

"Yes. May picture na sila sa gc." I answered.

Tumango lang ito.

A few minutes passed.

Nakarating na kami sa bahay ni kuya Stell. Medyo marami na ding tao. Family and other friends nito.

"Pau, Jah, pasok kayo." sabi ni kuya Stell.

Tumalima kami.

"Happy Birthday Stell!" kuya Pau greeted at iniabot nito ang regalo.

"Salamat Pau."

Nagyakap ang dalawa. Brotherly hug.

Sweet. Kinilig pa din ako para kay kuya Pau. hehe.

"Happy birthday kuya Stell!" saad ko sabay abot din ng regalo.

"Salamat Jah." ngumiti ito. "Nandun na yung dalawa sa loob. Punta nalang muna kayo dun. Asikasuhin ko lang ibang bisita." sabi nito at umalis na.

Umupo kami sa table kung nasan yung dalawa. Walang nagsasalita.

Awkward.

Masama pa din ang loob namin ni kuya Pau kay Josh. Hindi namin ito kinakausap kung hindi kailangan.

Si Ken naman ay nakatutok lang sa cellphone. The unbothered king.

Nagsimula ang party ni kuya Stell. Kumain lang kami at nagkwentuhan nung nandun na siya sa pwesto namin. Nag iiba talaga ang aura ng paligid when kuya Stell is around. Literally our sunshine boy.

"Don't drink Justin." utos sakin ni kuya Pau. Alam kong bawal akong uminom. Ayokong mapadali lalo ang buhay ko no.

"I won't." I said.

The others are already drinking and I am just watching them. Nabobored ako.

Lumapit ako kay kuya Pau at bumulong.

"Kuya Pau, pahangin lang ako sa labas." paalam ko dito.

"Wag ka masyadong lalayo hah. Uuwi na tayo maya maya." he said. Para talagang tatay na ang dating sakin ni kuya Pau. Hindi nalang kapatid. Level up na. NapakaOP naman kasi. Overprotective.

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Where stories live. Discover now