Chapter 14

251 11 1
                                    

JUSTIN

Kumalas si Cayla sa pagkakayakap sa akin.

"I'll go ahead Justin. Sa baba ko nalang iintayin si Josh para di na ako makaabala sa training ninyo." sabi nito.

Tumango lang ako.

"Maraming salamat Justin. I owe you one." ngumiti ito.

Nginitian ko din siya bilang  tugon.

Dumaan ito sa harap ni kuya Pau at nagpaalam din.

"Sige." sagot nito sa kanya.

Matapos makalabas ni Cayla sa studio ay agad na lumapit sakin si kuya Pau.

"Ano yun hah Justin?" pang uusisa nito.

Sino ba naman kasing hindi magtataka kapag nakita kami sa ganoong pwesto? Lalo't si kuya Pau pa ang nakakita sa amin. Eh alam nyang may gusto ako kay Josh.

"Wala yun kuya Pau." sagot ko.

"Anong wala? Imposibleng wala lang yun noh." salubong na kilay na sagot nito. "Bakit mo naman yayakapin ang karibal mo sa puso ng iyong irog aber??" nakapameywang na tanong pa nito.

Nakuha pang magloko. Si kuya Pau talaga.

"Tinulungan ko lang siya. Kaya niyakap niya ko." sagot ko.

"Tulong? Kailan ka pa nagkaroon ng charity work? Bat hindi ko alam?" pabalang na tanong muli nito.

"Kuya Pau naman eh." puro biro kasi.

"Wag mo kong ma 'kuya Pau kuya Pau' dyan. Ikwento mo kasi ng buo at nang maintindihan ko." sagot nito.

Napa rolled eyes pa ako bago magsalita.

"Fine." pagkatapos ay sumalampak sa sahig.

Kinuwento ko sa kanya mula umpisa.

"You helped her?" tanong ni kuya Pau matapos kong magkwento.

Tumango ako.

"Why??" he asked again.

"Kasi naawa ako sa kanya." simpleng sagot ko.

"But that could've been your chance Jah."

"I know kuya Pau. I know." medyo lumungkot ang mukha ko. "Pero she's just like me. Nagmahal lang siya. Malas lang namin kasi sa tarantadong lalaki nga lang."

Nagtaka si kuya Pau.

Oh. Hindi ko pala nabanggit sa kanya yung tungkol sa 'babe' ni Josh.

"Josh is cheating on Cayla." I said. "I heard his other girl on the phone. Ito ang sumagot ng tawag ko." dugtong ko pa.

Saglit na natigilan si kuya Pau pero agad ding nakabawi.

"So that's why." komento nito. "I'm not surprised though. Just kinda disappointed."

"Ako rin." sagot ko.

Nobody deserved to be treated like that. Ang gaguhin ng taong mahal mo.

"What's your plan? Sasabihin mo ba kay Cayla na tinotwo-time siya ni Josh?" tanong ni kuya Pau.

Napatulala ako. Ano nga bang gagawin ko?

Wala ako sa lugar. Alam ko. Pero sumosobra na si Josh eh. Hindi na tama 'tong mga ginagawa nya.

Mas katanggap tanggap pa noon ang ugali niya kasi hindi siya nagsasabay sabay ng babae. Pero iba na ngayon eh.

This type of pain that he can put into a woman is on different level. Hindi karapat dapat maramdaman ng kahit na sino.

"Hindi ko alam kuya Pau." sagot ko. Hindi ko talaga alam.

"Ayaw kong mangialam sa kanila. Baka naman kasi ngayon lang yun. Babalik din siya kay Cayla. Na for a day lang yung isang girl?" dahilan ko.

Ang hirap mag isip. Letse.

But I hope na he'll stick to one nalang.

Kahit hindi sakin. Tatanggapin ko.

I can handle the pain of not receiving the love I gave. Pero ayoko na maging gago siya habangbuhay. That, I can't take.

"Let's hope for that Jah." sagot ni kuya Pau at tumayo na. "Wag mo na masyado pakaisipin ang problema nila. Don't stress yourself on things that you can't handle, okay?" paalala pa nito sa akin.

Tumango ako.

Tama si kuya Pau.

I should let them fix their own problem.

Di nagtagal ay nagsidatingan na din ang iba. Maliban kay Josh.

Pumwesto si Ken malapit sakin.

"Agap niyo Jah ah." sabi nito. "Nagsabay ba kayo ni Pau?" tanong ni Ken.

"Hindi ah. Nauna ako kay kuya Pau." sagot ko.

"Si Josh pala?" tanong muli nito.

Napalingon sakin si kuya Pau pero nag iwas din ng tingin.

I shrugged.

"Di ko alam." tipid kong sagot.

Maya maya'y nagsalita si kuya Stell.

"Guys, wait lang natin si Josh ah bago tayo magstart." sabi nito.

Tumango lang kami tanda ng pag sang ayon.

Si kuya Stell ang choreographer ng grupo kaya he's the one who always initiate para magsimula. Also, kuya Stell is our main vocal. His voice is unbelievably amazing.

As in. Nakakainggit nga eh.

May sari sarili kaming mundo ng biglang pumasok si Josh sa studio.

Halata sa mukha nito ang inis.

Nagkausap na siguro sila ni Cayla sa baba kaya siya ganyan.

Ibinagsak nito ang gamit sa lapag at umupo.

I saw frustration on his face.

Nag iwas ako ng tingin.

Dapat hindi ako mangialam, bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko pinansin si Josh.

Nagsimula na kaming magpractice makalipas ang ilang minuto.

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Where stories live. Discover now