Chapter 29

290 14 0
                                    

JUSTIN

Nakasakay na kami sa kotse.

Pinayagan na ako ni Dr. Carlos makalabas. He gave me some supplement and vitamins for my body. I already have the schedule of my regular blood transfusions.

I was just staring outside the window. It's already 7pm. Maraming sasakyan ang kasabay namin. Mailaw ang paligid.

Hindi ko pa rin inaasahan na sa isang iglap lang ay may sakit na ako. Parang nitong mga nakaraang araw lang ay okay pa naman ang katawan ko. Nakakaramdam ako ng pagod pero  I didn't expect that it will come to this extent. And the worst thing is I need someone who's willing to risk their life just to save me. Sino namang gagawa nun? At kung meron man, hindi ako papayag. I'd rather die than to see someone suffering because of me. Mas hindi ko yun kakayanin.

Natigil ako sa pag iisip ng magsalita si kuya Pau.

"I'm sorry Justin." sabi nito habang nakapokus pa din sa pagdadrive.

"For what kuya Pau?" I asked and looked at him.

Saglit itong sumulyap sa akin.

"About your condition..." malungkot na sabi nito. "and for lying na magboyfriend tayo." nag iwas ito ng tingin.

I smiled a bit.

"It's fine kuya Pau. Hindi naman natin ginusto na magkasakit ako. Walang may gusto." I assured him. "About naman sa pagiging boyfriend mo sakin, naiintindihan ko. Alam kong may dahilan ka kung bakit ka nagsinungaling." sagot ko.

Pilit itong ngumiti.

"Honestly, sinabi ko yun dahil gusto kong malaman kung ano ang kondisyon mo. You know how they worked. Meron silang sinusunod na confidentiality ng patients nila and I need to know. I want to know what's going on. Kaya I lied. Pasensya na." kuya Pau said and held my hand that was on my lap.

Hinawakan ko din ang kamay nito.

"Okay lang talaga kuya." sabi ko. "Sa dami ng nagawa at naitulong mo sakin, ayos lang na alam mo. Atleast I know I have someone during this battle."

Napatango ito.

"Are you not going to tell the others?" he's pertaining to kuya Stell, Ken, and Josh. "or sa magulang mo?" he asked.

"No." diretso kong sagot.

Ayaw kong malaman nila. Ayokong mag alala sila sakin. Kaya ko 'to. Kakayanin ko 'tong mag isa.

"But they have the right na malaman. Especially your parents." katwiran ni kuya Pau.

"I know. But I don't want them to be worried about me. I can fight this. I know I can." i'm determined. Alam kong hindi ako pababayaan ni Lord. "At nandyan ka naman para sakin, diba kuya Pau?" sagot ko.

He smiled.

"Of course Jah." he patted my head. "Nandito lang si kuya Pau palagi. Sasamahan kita sa laban mong ito."

Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong nandyan lang siya para sa akin.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa bahay.

"Magccommute nalang ako pabalik sa studio Jah." he said at bumaba na ng kotse.

Inalalayan niya akong makababa.

"Salamat kuya Pau. Thank you so much. Sa lahat." saad ko.

Ngumiti ito. "Walang anuman. Para sa bujing namin." sagot nito at ginulo ang buhok ko.

Napaismid ako. Bujing pa nga. Samang sama ng tawag sa akin.

"Haha. Umakyat ka na Jah. Aalis na ako." sabi nito at mahina akong itinulak paloob.

I smile and wave him goodbye.

Nakita ko sa salas si mama.

"Justin, si Pau ba yun?" tanong nito sakin habang nakasilip sa bintana.

"Opo ma. Hinatid po ako." sagot ko.

Kumunot ang noo nito.

"Napapadalas paghahatid niya sayo ah." komento ni mama. "Bakit ka hinatid? May nararamdaman ka ba?" she asked again.

Nag iwas ako ng tingin.

"Medyo sumakit lang ulo ko kanina ma." palusot ko.

Tumango tango lang ito. Nagpaalam na ko para umakyat sa kwarto ng bigla itong magsalita.

"Jah, bakit may band aid ka sa kamay?" takang tanong nito.

Naku! Hindi ko pa pala natatanggal.

"Wala 'to ma. Nagka paper cut lang ako dito kanina." dahilan ko at tinakloban ang aking kamay.

Humakbang na ako paalis. Baka matanong na naman ako. Mahirap na.

Agad kong inihiga ang katawan sa kama.

Ang tagal ko nang nakahiga sa clinic kanina pero pakiramdam ko'y pagod na pagod pa din ako.

Kinuha ko ang cellphone ko.

Nakita ko ang chat sa gc.

@stellvester.Ajero: *mentioned @PABLO_ * Kamusta na si Jah??

@PABLO_: I'm sorry. Kababasa ko lang ng chat mo. Btw, Justin is still unconscious right now. Doc. Carlos is running some test on him to check what's wrong. I'm not sure kung kelan siya magigising.

Nagreply ako.

@JahdediosT: Guys, dito na ako sa bahay. Okay lang ako. Pagod lang kaya nawalan ng malay kanina. Kaylangan ko lang ipahinga ang katawan ko ng ilang araw. Salamat sa pag aalala niyo.

Then sent.

I off my phone.

Pinikit ko ang aking mata at natulog na.

---

Loving the Playboy Idol [SB19 - Joshtin AU]Where stories live. Discover now