Chapter Nine

1.7K 57 10
                                    


"Hoy, Crystal!" Tumigil ako sa paglalakad ng mabilis at nilingon ang walanghya kong kaibigan.


"Bakit?" Tanong ko. Inayos niya 'yung bag niya at pinagmasdan 'yung mukha ko. "Ugh! Nadine, ano ba?!" Naiirita kong sabi dahil sa tingin niya.

Ngumisi sya at natawa pero tinaas nya lang ulit 'yung kilay niya at inakbayan ako.


"Ngayon mo sabihin sakin na wala kang gusto sakanya." Pilya niyang sabi habang sinasabayan niya ko sa paglalakad.


"Wala akong gusto sakanya." Sabi ko. Dinungaw niya 'yung mukha ko kaya mabilis kong inalis 'yung kamay niya sa braso ko at tinignan sya ng masama.

Childhood friends sila Nadine, Aldein at Dylan. Kaya 'di na ko magtataka kung bakit nakakabwisit din minsan 'tong si Nadine. Tss. Kung di ko lang bestfriend.


"Indenial." Inirapan niya ko at kinuha ang cellphone niyang tumutunog. Pinatay nya 'yun at tumingin siya sakin. "Malapit na 'yung event. Malapit na rin 'yung exam. Ano, Crystal? Exam ba talaga ang kukunin mo?" Tanong niya sakin.


"Oo." Sagot ko.


"Paano kung bumagsak ka?" Tanong niya. Tinignan ko siya ng masama.


"Kaibigan kita pero 'yan ang tanong mo?" Tanong ko.


"FYI. Matalik na kaibigan. Matalik. Okay? Uhh, matalik na kaibigan mo ko kaya alam ko kung hanggang saan lang ang kaya mo." Umirap siya tsaka niya ko hinawakan ng mahigpit sa pulso ko.


"O? Ano 'yan?" Tanong ko ulit.


"Dahil matalik na kaibigan mo ko at alam ko kung hanggang saan lang ang kaya mo, tutulungan kitang mag-review. Tara." Hindi ko naintindihan 'yung sinabi niya pero wala na kong nagawa dahil hinatak na niya ko.


"Teka, Nadine. Baka naman madapa ako." Saway ko sakanya pero nagpatuloy sya sa paghatak sakin.


Babawiin ko na sana 'yung kamay ko sakanya nang may nakita akong lalaking nakatayo sa dulo ng hallway at mukhang kanina pa kami hinihintay dahil ngumiti siya nang nakita niya kami ni Nadine.


"Nadine—"


"Wala ng marami pang satsat. Hoy, turuan mo kami ng bestfriend ko." Kinurot ko sa tagiliran si Nadine dahil sa inasta niya pero umirap lang siya sakin.


Seryoso, bakit ba ganito ang kaibigan ko?


"Crystal!!" Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinignan 'yung lalaki sa harapan ko. Hindi ko pinansin 'yung tumawag sakin dahil kinabahan agad ako.


"Tara na. Sa library tayo diba? O tara na." Mabilis kong hinatak 'yung dalawa paalis doon sa floor namin. Halos takbuhin ko na papunta sa library at halos gusto ko ng ilaglag 'yung sarili ko sa hagdan dahil sa kinikilos ko.


Oh. My. Ghad. Crush lang naman siguro 'to? Tama. Crush lang. Hindi naman ako mamamatay kung aaminin ko sa sarili ko na crush ko si Aldein. Ugh! Nakakabwisit! Ang arte-arte mo, Crystal! Hindi ka na 9 years old!

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon