Chapter Five

2.2K 61 3
                                    

"Hindi ka parin ba tatahan?" Tanong niya. 

"Kanina pa ko nakatahan ah." Sagot ko naman sakanya. 

"Patingin nga--"

"Heh! Dyan ka lang!" Pigil ko sakanya. Nasa classroom kaming dalawa, isang oras pa kasi bago mag-uwian. Ang daya nga lang ni Dylan dahil umalis na sya sa school. Si Nadine naman, pinuntahan yung daddy nya? Yun yung sabi ni Aldein sakin.

"Umiiyak ka pa eh." Sabi naman ni Aldein, natawa nalang ako.

Kanina pa ko tumahan, ayoko lang talagang humarap siya, haha! Ang sarap nya kasing pag-tripan.

"Hindi na nga po kasi." Sabi ko ulit. Kumuha ako ng sticky note tapos sinulatan yun. Hahaha! Haharap na kasi yan, in 5, 4, 3, 2..1

Agad kong dinikit sa noo nya 'yung sticky notes, ngumiti sakanya at tumayo na, kinuha ko 'yung bag ko tsaka sya kinindatan.

"Aalis na po ako. Salamat Aldein." Sabi ko sakanya, nagmadali kong lumabas habang nangingiti.

Naka-sakay na ko ng bus ng mag-vibrate yung cellphone ko, kinuha ko 'yun at nakitang may text si Aldein.

Aldein: You're welcome, goodluck sa pag-take ng entrance exam dun ha.

Nagbayad muna ko sa kundoktor bago ko sya nireplyan. Hahaha, mahirap na, baka mabansagan akong Nagwa-1.2.3. 

Crystal: Opo, opo. Cheer mo ko ha? Salamat! :*

Ilang minuto na pero di parin nagrereply si Aldein kaya hinayan ko na, baka nabaliw nanaman 'yun.

Ibabalik ko na sana yung cellphone ko sa bag ko nang bigla 'tong mag-ring.

"Hello?"

[Nakauwi ka na?] Tanong niya. Hindi ko alam kung bakit bigla kong napangiti nung narinig ko yung boses nya.

"Hmmm. Secret. Haha!" Sagot ko, natawa kasi ako bigla. Shems ka Crystal, bakit ka tumatawa? Bakit ka masaya?

[Dmn! Stop laughing.] Sabi nya, lalo naman akong natawa dahil natunugan ko yung frustration sa boses nya. 

"Naiimagine ko pagmumuka mo Aldein! Wahaha!"

[Ewan ko sayo, nasaan ka na? Nakasakay ka na ba?] Tanong niya.

"Nasa bus na po ako. Medyo malapit na ko sa bahay." Sagot ko naman sakanya.

[Hmm. Are you okay now?] Tanong niya.

"Yup! Thank you kanina Mr. Yuen! Haha! Teka lang, bababa lang ako sa bus." Sabi ko sakanya.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now