Chapter Three

3.3K 78 18
                                    

 

Dylan on the right side. :D 

**

"Guess what Crys.. I like you." Sabi nya habang nakatingin ng diretso sakin..

Dahilan kung bakit huminto ako sa pagtawa at huminto yung oras dahil sa sinabi nya. Wala na kong marinig kundi yung tibok ng puso ko na sobrang bilis at sya na lang yung nakikita ko.

W-what did he... say?

"A-aldei--"

"CRYSTAL!" Napapitlag ako nung maramdaman kong may umakbay sakin. "Nandito ka lang pala, hinahanap kita ah! O, Aldein?" Sabi nung katabi ko.

"Dylan.." Sabi ni Aldein.

"Yes? Para kayong mga estatwa dyan, alam nyo yung parang may nag-confessed na pareho pa kayong gulat! Wahaha!" Sabi nya tsaka sya tumawa ng malakas habang nakaakbay sakin.

"C-confessed? Wahaha! Si-sinong magco-confessed?" Sabi ko, huhu! Bakit ba nanginginig yung boses ko? Huhuhu!

"Ewan ko, anyways, una na kami Aldein ha? Pinapatawag kasi 'tong brutal na 'to! Bye!" Sabi nya tsaka nya ko hinatak palayo kay Aldein.

I like you.. I like you.. I like you..

"Hoy!"

"AY I LIKE YOU! ANO BA DYLAN!? BAKIT KA NANGGUGULAT!?" Sigaw ko sa katabi ko at hinampas ko pa sa braso nya.

"What? You like me?" Tanong niya na may mapang-asar pang ngiti.

"Eh kung tusukin kaya kita dyan ha!?" Sigaw ko, inalis ko yung kamay nya sa balikat ko dahil ang bigat! Maskulado! -_- Tss!

"Sinabi mo naman talaga yun e. O siya siya, tara na. Pinapatawag ka ng adviser mo." Sabi niya.

"Bakit daw?" Tanong ko, hinayaan ko na lang na akbayan nya ko, ang kulit e, pag inaalis ko, binabalik nya lang! Tsk tsk.

"Malay ko, pakiramdam ko may kinalaman yun sa event e." Sabi nya sabay kindat sakin, agad ko siyang tinulak palayo sakin at tinignan ng masama.

"Event?! Don't tell me--"

"Hey hey, di pa ko sigurado dun. Tsaka malay ko ba sa adviser nyo." Sabi nya sakin. Oh no no no! Ayoko!  

Kumatok naman ng tatlong beses si Dylan sa faculty room bago kami pumasok, brr! Ang lamig talaga sa kwartong 'to. Huhuh! Nang dahil sa lamig ng aircon, lalo akong kinabahan.

"Good Afternoon po." Paulit-ulit naming sabi ni Dylan kapag may nakakasalubong kaming mga teachers.

"O, bakit nandito kayo Sanchez at Sunohara?" Tanong nung PE teacher namin.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now