Chapter Ten

1.7K 62 4
                                    

Salamat po kay (DauntlessSky) sa paggawa ng cover. Sobra kong natuwa! Ang ganda!! Thank you po!!



Tinawanan ko nang tinawanan si Dylan dahil kanina pa niya ko tinuturuan at halatang napipikon na sya. Ang totoo kasi niyan, naiintindihan ko na naman talaga, pero gustung-gusto ko lang talaga siyang bwisitin.


"Crys naman!" Reklamo nya na napakamot pa sya sa ulo niya.


"Joke lang. Gets ko naman." Natatawa kong sinabi at pinakita pa sakanya 'yung solusyon ko. Pati na rin 'yung mga sagot ko sa binigay niyang questions last week.


Isang buwan na simula nung tinuruan ako ni Dylan sa mga subjects. Panay ang review niya sakin at panay naman ang pambi-bwisit ko sakanya. Kasama ni Dylan si Nadine sa pagtuturo sakin. Salitan sila, pero madalas kasing wala si Nadine ngayon, minsan nga naiisip ko na nakikipag-date na 'yun.


Hindi ko na rin gaano nakikita si Aldein. Ang sabi sakin ni Dylan, busy raw. Sa tuwing tinatanong ko kung saan, hindi naman siya sumasagot.


"Crys, last day na ngayon sa pagre-register para sa event. Ayaw mo ba talaga?" Tanong ni Dylan sakin. Iniangat ko 'yung tingin ko sakanya para bigyan siya ng ngiti.


"Ayaw ko." Sagot ko. Kumindat ako sakanya bago ko tinignan ulit 'yung mga papel sa lamesa namin.


Kakayanin ko ang exam. Mahina ang utak ko, aminado ako, pero sa tulong nina Dylan at Nadine, kakayanin ko. Hindi ko sasayangin 'yung effort nila sa pagtuturo sakin.


Sinimulan na naming ligpitin 'yung gamit namin dahil nag-aya sya na pumunta sa Auditorium para panoorin 'yung mga estudyanteng sasali sa event. Binilisan namin ang paglalakad dahil nag-text si Nadine na nandun siya sa Auditorium at nag-reserve daw sya ng upuan para samin.


"Nandun si Nadine." Hinawakan ni Dylan 'yung kamay ko pagkasabi niya nun. Hindi ko na lang pinansin 'yung kamay niya at mabilis na kaming tumakbo papunta doon sa pwesto ng kaibigan ko dahil nagsisimula na.


Ngayon ang last day ng registration, ngayon din ipapakilala ang mga sasali sa event every section. Sinimulan sa mga freshies na kinatuwa ko dahil halos lahat sila ay talaga namang magagaling.


"I like that one." Turo ko dun sa isang freshman na nagsing and dance.


"She's good pero wala kasing emotion 'yung sayaw niya." Mahinahong sabi ni Dylan at pinasadahan ang mga freshies na nasa stage na at nag-bow para magpasalamat.


"Halos lahat na pala may napili na." Sabi ni Nadine.


"Imposible naman kasing wala pa. In two months, magsisimula na 'yung event. Kailangan pa silang i-practice sa pag-ramp, sa talent nila at sa Q and A." Sagot ko sakanya. O baka nga, pina-practice na nila ang mga pinili nila estudyante every year. Ganoon naman kasi, hindi ba't hindi nga kami nagkakasabay ni Krista umuwi dahil nagpa-practice na siya, pero hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung anong talent ang gagamitin niya. She can sing and dance, too.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now