Chapter Twenty One

1K 26 7
                                    

"Your love for Krista is deadly," hindi ko na pinansin pa si Dylan sa mga sinasabi nya. Nope. It's not deadly. It's natural. I love my twin.

"Kakain ka ba o papangaralan mo lang ako?" Tanong ko habang nakatalikod sakanya pero di nya ko sinagot. Hindi ko na siya nilingon pa at nagsimula ng maglakad paalis doon. This is dangerous. Wait.. dangerous? Paano ko nasabing dangerous?

"Ouch!" Nagulat ako nang may bumangga sa noo ko. Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang babaeng sobrang kinis ng balat. Bagsak ang buhok nya, hindi gaanong katangkaran katulad ko, kaya siguro tumama ang noo niya sa noo ko.

"Sorry!" Mabilis kong sinabi dahil nakita kong namula ang noo niya. Hinawakan nya ang parteng iyon at ngumiti sa'kin.

"Ayos lang. Mawawala rin ito. Ingat ka sa dadaanan mo, ha?" Nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Tiffania!" Huminga ng malalim ang babaeng nasa harapan ko at nagsima ng naglakad paalis.

"Hey.." hinawakan ni Dylan ang mga braso ko at marahang iniharap sakanya. "Namumula 'yung noo mo," sabi niya sa'kin.

"I'm fine," sagot ko nang 'di siya tinitignan.

"Tara. Ihahatid na kita sainyo," hindi na nya ko hinintay na makasagot dahil hinawakan na nya ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad.

Walang umiimik sa'ming dalawa kahit na nakasakay na kami sa sasakyan niyang may driver.

"Manong, doon po tayo sa bahay nila Crystal," utos nya sa driver nya habang nagtitipa sya sa cellphone nya.

"Kaya kong umuwi mag-isa," sabi ko sakanya pero tinapunan nya lang ako ng matalim na tingin.

"Look, Crys. I'm sorry, okay? 'Di dapat ako nangingielam pero.. nevermind," tumingin na sya sa labas ng bintana pagtapos nyang sabihin 'yun.

"I won't break. I don't like him," diretsa kong sabi pero di na sya umimik ulit.

Hindi ko alam kung gaano ba ka-big deal 'to. Me liking Aldein or whatever you call it. Hindi ko naman inaaksyonan. And please.. I don't like him! I'm just attracted! There's a difference!

--

Mabilis na lumipas ang panahon. Maraming ginagawa sa iskwelahan na 'to kaya hindi ko na magawang makagala pa. May music class kami every day at doon ko nauubos ang oras ko. Sa dami ng ginagawa nagawa kong makalayo sa mga kaibigan ko ng tuluyan. Well, not totally. Dylan is here with me.

"Come on! Nagugutom na ko!" Reklamo nya sa'kin.

"Edi bumili ka ng makakain mo!" Singhal ko sakanya.

"Ang tagal mo naman kasing matapos," sumandal sya sa upuan at pinagmasdan akong nagpa-practice ng isang piece para sa presentation ko bukas sa Music Class.

"Wala sa'kin ang mga paa mo kaya makakabili ka! Ugh!" Inirapan ko siya at bumalik ako sa pagpi-piano.

"You're so cute, Crys," di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtugtog. He's always like that kapag nambibwisit. Kung anu-ano ang sinasabi para mawala ang concentration.

"You looked like an angel singing for me,"

"I'm not singing, Dylan. Nagpi-piano lang ako," sagot ko sakanya. Hindi siya sumagot na siyang ikinatuwa ko. Sumulyap ako sakanya at nakita kong tumayo na siya.

Good. Aalis na siya at makakapag-concentrate ako sa ginagawa ko.

Nawala ang iniisip ko nang tumunog ang upuan sa tabi ko. Kumunot ang noo ko at nilingon ko siya. Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako.

Nakataas 'yung kilay na para bang nangaasar. Bakit ba hindi sya maghanap ng girlfriend para 'di ako ang ginugulo niya?

Paano ako magpi-piano kung ang lapit-lapit nya sa'kin? At hindi lang 'yun! Tinititigan pa 'ko.

"Fine! Bibili na tayo ng pagkain!" Sigaw ko kay Dylan. Tumayo na ko para kunin ang bag ko. Tumawa sya dahil nagwagi nanaman siya.

"You can't resist me, My Lady,"

"Whatever you say, Dylan! Kapag ako bumagsak sa presentation bukas, alam mo ng kasalanan mo!" Sabi ko ulit sakanya.

"Kakain ka lang naman, tapos babagsak ka na agad?" Tumawa siya kaya inirapan ko siya. Lumiko kami sa dulo ng hallway para sa shortcut papunta sa canteen.

"Dapat binili mo na lang ako ng pagkain, e!" Sabi ko sakanya. Every minute counts. Nakakainis naman kasi 'tong si Dylan, e!

"'Wag ka na ngang mareklamo. Naglalakad ka na nga," kinurot pa nya 'yung ilong ko kaya tinulak ko siya palayo sa'kin.

We're in our third year in college. Sa loob ng freshman year ko, sumali ako sa lahat ng activities para lang makaiwas sakanila nila Aldein. Tama na 'yung nag-away kami ni Nadine dahil sa kinukulit niya ko tungkol sa kay Krista at Aldein, ayoko naman na pati kami ni Dylan e mag-away tungkol doon. At saka.. may isang bagay pa kong iniiwasan. Nung nag-second year kami ay palagi na kong lumalaban sa mga contest. Isa ako sa mga napili bilang representative ng school. Nag-bunga ata ang pagiging masipag ko noong first year.

Hindi ako nahirapang iwasan sila, dahil sakto naman na marami kaming ginagawa. Si Dylan lang ang makulit na palagi akong kinukulit at hinihintay kahit na gabi na ko nakakauwi. Ilang beses ko siyang pinagsabihan pero ayaw nyang tumigil kaya hinayaan ko na. I don't wanna feel alone kaya thanks to him. Di ko naramdaman 'yun. Palagi siyang nandyan. Parang buntot na sunod nang sunod. Sa tuwing nagpa-practice naman ako ay nanonood siya, kaso nga lang, kagaya nitong pagkakataon na 'to.. palagi nya kong ginugulo kapag gutom na siya. Pati tuloy ako nagugutom.

"Isang beef with mushroom at isang steak," order nya sa tindera.

"Libre mo ko ulit?" Tanong ko sakanya habang nakangiti.

"Dapat ikaw ang nanlilibre, e." Sabi nya sa'kin.

"Ginugulo mo ang pagpa-prac--"

"But can't let you pay. Kaya ko namang bayaran," kumindat pa sya pagsabi nun. Umirap ako at umiling. Kadiri.

"Maghahanap na lang ako ng upuan. Kadiri ka," sabi ko sakanya. Tumawa lang sya bilang sagot. Abnormal!

Naglakad na ko papunta sa isang bakanteng lamesa nang may nakita akong naglalakad palapit doon.

"Ate!" Nakangiti nyang bati sa'kin. Ngumiti ako pabalik at kinawayan siya.

"Krista--" naputol ang sasabihin ko nang nakita kong naglalakad din palapit si Aldein sa lamesa.

This is why I don't want to come here! DYLAN!!

"What do you want to eat? Ako na bibili," mahinahong tanong ni Aldein sa kapatid kong umuupo na sa bakanteng upuan. Ugh.. that's our seats. Well, nevermind. Maghahanap na lang ako ng iba..

Tumalikod na ko at naghanap pa ng bakanteng upuan.

"Ikaw, Crys? Anong gusto mo?" Kumunot ang noo ko at nilingon si Aldein.

Ngayon na lang nya ko kinausap ulit. Well.. simula nung.. Di ko na maalala.

"Ha? Mayroon na ko. Nag-order na si Dylan," tumango lang siya at nagsimula ng maglakad papunta sa bilihan ng pagkain.

Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo sa'kin. Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin ko sakanya.

Right, I remember. Hindi na kami nag-usap simula nung nalaman kong inilabas nya si Krista para manood ng sine. And that was.. last year.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now