Chapter Fifteen

1.5K 55 2
                                    

Naglakad na ko papunta sa stage at umupo sa may piano. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nanonood bago ako nagsimulang tumugtog at kumanta.


"My scrunched up feelings keep seeping out, oh

I try to hide and cover it but it all comes out, oh"


Gusto ko na lang talagang magwala dahil kahit sa pagpikit ko, si Aldein ang nakikita ko. Ano na bang gagawin ko?


"As I see you, who I can't touch

I hide because my small shadow might be seen."


Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Krista na nakangiti sakin at nasa tabi niya si Aldein na nanonood din.


"Oh, with trembling steps,

I carefully approach you

Oh, the closer I get to you

Somehow the more I'm afraid

that you'll get farther away"


Iniiwas ko ang tingin ko at ipinagpatuloy ang pagkanta. Minsan, kapag hindi mo masabi ang isang bagay, idinadaan na lang sa kanta. Ngayon ko naiintindihan kung bakit nauso ang harana dati. Kung bakit nanghaharana ang mga lalaki kapag nanliligaw.


Dahil may mga bagay na magandang sa kanta ipadala para paniguradong maramdaman nila kung ano yung gusto mong iparamdam sakanila.

Kinanta ko ang chorus ng nakapikit dahil hindi ko na kayang tignan ang mga mata ni Aldein.


Hayaan mo, Crystal. Pagkadating mo sa college, matitigil na ang pagkabaliw mo. Masyado ka lang nasanay sa presensya niya dahil palagi kayong magkasama.


"One, Two, even now

Three, Four, even today

Five, Six, even tomorrow,

walk toward me

Baby Steps. Baby~"


Idinilat ko ang mga mata ko at sinalubong ang titig sakin ni Aldein.



-


"Crystal." Lumingon ako kay Aldein at ngumiti sakaniya.


"Aldein." Tawag ko at inakbayan ko siya. "Congraaaaaaats." Patili kong sabi sakanya pero kitang-kita ko na hindi sya natuwa sa pag-congrats ko sakanya.


"Crys-"


"Ate, ang galing mo kanina." Tumakbo papunta sakin si Krista at niyakap niya ko ng mahigpit. Ngumiti ako sa kapatid ko.


"Congrats, Krista. Ang galing mo kanina. Hindi ko alam na kaya mong kumanta ng ganun." Sabi ko sakanya. Ngumiti siya at namula agad 'yung pisngi kaya tumawa ako.


Nanalo ang section nila Krista, wala kaming natanggap na kahit anong place kaya hiyang-hiya ako kay Ma'am Albie.

Should I Say Goodbye?Kde žijí příběhy. Začni objevovat