Chapter Sixteen

1.6K 52 2
                                    



"Fieeeeeld triiiip!" Sabay naming sigaw ni Nadine habang tumatakbo papasok doon sa bus na para sa section namin.


"I'm so exciteeed!" Nakangiti si Nadine sakin habang nilalagay niya ang mga bag niya sa itaas ng upuan namin, tumabi ako sakanya at nilagay rin ang isang bag ko doon. "Hindi mo ilalagay 'yan dito?" Tanong ni Nadine nang nakita niyang may small bag pa na nakasabit sa leeg ko.


"Nooope." Sagot ko. Nandito ang cellphone at wallet ko kaya hindi ko ilalagay doon sa bag kong malaki, baka mamaya biglang mag-stop over at kapag nagmadali ay mahirapan pa ko.


"Look, ayun na ang bus ng kapatid mo." Tumingin ako sa bintana at nakita kong dumating na nga ang bus nila.


"Tara!" Paga-aya ko kay Nadine, hindi pa man din siya nakakasagot ay nagmadali na kong tumakbo pababa ng bus. Lumapit ako kay Dylan at inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.


"What's that for?" Tanong niya sakin na halatang naiinis siya. Paakyat na kasi siya sa bus nila pero hinarang ko pa. Sumilip si Krista samin kaya kinindatan ko siya.


"Ate, para saan 'yan? Baka kasi mapagalitan kami kapag nagtagal kayo." Sabi niya sakin habang naka-sad face.


"Don't worry, Krista. Mabilis lang 'to." Ngumiti pa ko ng malapad sakanya bago ako tumingin ulit kay Dylan."Akin na kasi!" Sigaw ko.


"Ang alin ba?!" Naiirita niyang tanong.


"Chocolates." Sagot ko habang nagpapa-cute sakanya.


"Wala akong chocolates." Sagot ni Dylan sakin habang nakataas ang isang kilay.


"Haaaa?! Why?!" Pasigaw kong tanong sakanya. Nanlaki 'yung mga mata niya sa sigaw ko at napailing na lang.


"Bakit sakin ka nanghihi—" May naglagay ng toblerone sa kamay ko kaya natigil si Dylan sa pagsasalita. Lumingon kami kay Aldein na naglagay ng chocolate sa kamay ko. Dumaan siya sa gitna namin ni Dylan at umakyat na sya sa bus nang hindi kami nililingon.


"Okay, you got your chocolates na. Let's go." Mabilis akong hinatak ni Nadine at kumindat sya kay Dylan at Krista.


Pumasok na kami ni Nadine sa bus namin pero nakatingin parin ako dun sa bus nila Dylan. What was that? Kay Dylan ako nanghihingi, bakit si Aldein ang nagbigay sakin?


"Ang laki ng toblerone na 'yan ah." Natatawang puna ni Nadine sakin. Itinulak ko siya palayo sakin at inunahan siyang umupo sa tabi ng bintana. "CRYSTAL!" Sigaw niya pero binelatan ko lang siya.


Padabog siyang umupo sa tabi ko pero hindi na ko umimik dahil baka awayin nanaman niya ko. May kung anu-anong sinabi 'yung tourist guide sa harapan.


Malapit na pala ang graduation namin, three weeks na lang ata at magka-college na kami. Hindi ko na magiging kaklase si Nadine dahil magkaiba kami ng kursong kukuhanin. I'll just enjoy this moment.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now