Chapter One

7K 134 10
                                    

**

Halos lahat ng madaanan ko tumatabi dahil ramdam nila na nabibwisit ako. Ang aga-aga nagagalit ako.

Padabog kong binuksan yung pintuan ng classroom nila at..

"ALDEIN!!" Sigaw ko sa lalaking prenteng-prenteng nakaupo na nakataas pa ang paa, nakabukas ang tatlong butones ng polo nya habang yung kapatid ko nakatayo sa gilid nya at nakayuko.

Lumingon sya sakin. Kinuha ko yung libro na malapit sakin at binato sya, bulls' eye naman at tinamaan sya sa ulo.

"ANO BA CRYSTAL!?" Sigaw nya, napatayo sya at hinimas yung ulo nya. Taas noo akong naglakad papasok habang yung mga kaklase naman nila ay napailing na lang.

"Ang kapal ng muka mong paiyakin ang kapatid ko!" Sigaw ko ulit, lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan. Napakamot sya sa batok nya at iniwas ang tingin nya. "Tumingin ka sakin!" Sigaw ko tsaka ko sya binatukan.

"Aray naman kasi--"

"Ang aga-aga naglalambingan kayong dalawa." May isa pang bwisit na pumasok sa classroom na 'to. Kaya ayokong pumapasok dito eh, umaabot sa boiling point yung dugo ko.

"Isa ka pa Dylan--"

"Ah.. Ate ano.. Sorry, pinagsasabihan ko lang naman si Aldein eh. Sorry." Sabi ng kapatid ko tsaka sya yumuko sa harapan ko. Tss!

Binitawan ko si Aldein at tinignan si Krista.

"Itaas mo nga yang ulo mo." Sabi ko.

"Waa! Sorry talaga Ate, napasugod ka pa dito ng wala sa oras. Sorry talaga." Sabi nya habang nakayuko parin. Tinignan ko ng masama si Aldein at nabugtong hininga na lang sya.

"Fine. Sorry, di na ko male-late sa susunod Krista." Sabi ni Aldein, napa-angat naman yung muka ni Krista at ngumiti ng sobrang lapad.

"Talaga? Salamat Aldein." Yuyuko pa sana ulit sya kaso pinigilan ko na. 

"Ikaw Aldein, wag na wag ka ng male-late. Hindi naman kasi ikaw ang napapagalitan." Sabi ko. Naglakad na ko paalis sa classroom na yun.

"Sa susunod Sunohara wag mo kong babatuhin ng libro! Masakit." Sigaw nya na rinig hanggang corridor. Pakelam ko naman kung nasaktan sya?

Eh pinaiyak nya kapatid ko eh, ibitin ko pa sya ng patiwarik dyan! 

"Bakit kasi hindi gayahin ni Krista yung kakambal nya na si Crystal?"

"Oo nga, sobrang magkaiba sila."

"Ang tapang-tapang nang kapatid nya, tapos sya naman. Palagi lang umiiyak."

Tss, hindi na ko nagaksayang tumingin sila at pagsabihan, palagi namang ganito ang nangyayari every Monday. Oo, every Monday kasi, walang ginawa yung dalawang kulokoy na yun kundi ang magpapansin at palagi na lang napapagalitan si Krista.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now