Chapter Six

2K 66 5
                                    

 **

"So wala ka talagang balak na kausapin ako?" Tanong ko sa babaeng nagmamaktol sa sulok ng classroom.

"Go away." Sabi nya sakin, tumaas yung kilay ko at inirapan sya.

"K,bye." Sabi ko, aalis na dapat ako pero bigla nya kong hinawakan sa braso ko.

"Di mo man lang ba ko lalambingin?" Tanong niya.

"Peste ka Nadine! Tinatawagan kita kagabi! Di mo sinasagot! Nag-hello ako sayo kaninang umaga, pero tulala ka--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may bigla akong naisip. "What's your freaking problem?" Tanong ko. 

Napaupo naman sya sa upuan nya at tumingin sa bintana.

"Nothing." Sagot nya.

"Sabihin mo na kasi sakin, ano? May fixed marriage ka? Matuwa ka, malay mo hot maging fiancee mo, aayaw ka sa una pero mamahalin mo sa dulo." Sabi ko naman sakanya.

"Tse!" Sigaw nya.

"So, may fixed marriage ngang magaganap?" Tanong ko, umiling naman sya ng todo. "EH ANO NGA!?" Sigaw ko.

Grabe din kabaliwan naming dalawa, parang kahapon lang nagsigawan kami, ay mali. Sya pala yung sumigaw. Medyo lang ako. 

"Wala, hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan sa bahay! Huhu! Walang fixed marriage, we're so young about dun no--"

"Koreana ka, uso sa korea 'yan, 16 yrs old ka na, so pwedeng pagpatak mo ng 17, tsaka mo makilala, tapos kapag 18 ka na.. Voila! YOU ARE MARRIED! Basta Maid Of Honor ako, don't you dare to forget that--"

"CRYSTAL NAMAN! Wala ngang kasal na magaganap, bakit ba pinupush mo 'yan!?" Sigaw nya sakin.

"Wala lang, para masabi mo sakin problema mo. O shocks, tumatalino na ko--"

"Yan ba ang side effect ng paguusap nyo ni Aldein kagabi?" Natahimik naman ako bigla at napatingin sakanya, ngumiti sya at nag-wiggle yung eyebrows nya.

"Naaah." Sagot ko.

"Whatever." Sabi naman niya.

"What's your problem?" Tanong ko.

"N-nothing.. P-promise." Sabi nya ulit. Tinaasan ko sya ng kilay, mangungulit pa sana ko pero nag-ring ulit 'yung cellphone nya. "Sht! Ikaw nga ang sumagot nito!" Sigaw nya tsaka nya inihampas sakin yung cellphone nya.

"ARAY KO NAMAN NADINE! Masakit! Teka nga, sino ba 'to!?" Tanong ko sakanya, nagkibit balikat lang siya at tumingin sa bintana, tinignan ko 'yung screen at nakita kong.. unggoy ang pangalan.

Sinagot ko naman 'yung tawag dahil mukang hindi titigil 'yung cellphone sa pagring.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now